Nagtext sa akin si Catharina. Tinatanong niya kung pwede raw ba makipagkita sa akin mamayang uwian.
Pinag-isipan ko kung pupunta ako. Wala namang masama kung kaming dalawa lang ang magkikita, 'di ba? Kaso naalala ko yung sinabi ko dati kay Elene na na-kwento ko sa entry 74 na kadalasan, hindi nagiging magkaibigan ang dalawang babae na parehong lalaki lang ang gusto. Na minsan pa nga, ito ang nagiging dahilan kung bakit nasisira ang pagkakaibigan nila. Ganito rin ba kaya yung nararamdaman ni Elene noon? Yung may katiting na pag-asang baka maging iba ang friendship niyo? Mabait din naman kasi si Catharina. Hindi naman niya ako pinapagawa ng mga bagay na alam niyang hindi ko gustong gawin. Ako nga itong hindi open sa kanya at may tinatagong sekreto kaya medyo nagui-guilty din ako. Kaya sa huli, pumayag na lang akong makipagkita sa kanya.
Usual tambayan na nga talaga yata ang mga cafe ngayon. Dito kasi kami nagkita ni Catharina. Nauna siyang dumating dito kaya pinuntahan ko na lang siya malapit sa may bintana kung saan kitang-kita yung nagdaraang mga tao. Pagkatapos naming um-order ng inumin, tinanong ko siya tungkol sa progress niya kay Sean. At yung kinaka-depressan ko ng buong araw, wala lang pala. Paano naman kasi, wala rin daw siyang ginawa kundi ang i-stalk lang daw si Sean buong araw sa school nila. Ang sama ko dahil para sa kanya problema ito, pero guminhawa talaga kasi yung pakiramdam ko noong nalaman ko 'to. Tapos noong tinanong ko rin kung na-text na niya si Sean, sabi niya hindi pa rin daw. Hindi ko tuloy alam kung mag-aalala ako para sa kanya o kung matutuwa ako para sa sarili ko. Hay. Ang hirap
Ganun pa man, napansin kong tingin siya ng tingin sa labas ng bintana habang nag-uusap kami. Para bang may inaabangan siya. At may inaabangan nga talaga siya dahil bigla na lang niya akong pinaghanda sa pag-alis namin dahil paparating na raw 'sila.' Sino yung tinutukoy niyang 'sila'? Na-confirm yung sagot pagkalabas namin sa cafe at naki-blend in kami sa mga tao habang sumusunod sa bandang likuran nila Gray at Sean. Pakiramdam ko naging stalker na rin tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit ako isinama ni Catharina pero dahil dito alam ko ng ang hirap din palang maging stalker. Kailangan palagi ka lang naka-focus sa sinusundan mo para hindi ito mawala sa paningin mo. Kailangan mo ring panatilihin yung distansya mo mula sa taong sinusundan mo para hindi ka mahuli. Kailangan din mabilis at magaling kang magtago kapag bigla itong lilingon o mapapatingin sa direksyon mo para hindi ka makita. Hanep, nakakapagod. Ang daming ninja skills ang kailangan. Hindi ko akalaing ganito ang gawain ni Catharina sa loob ng thirteen years.
Pero, infairness, nag-enjoy din ako ng kaunti dahil si Sean yung sinusundan namin. Hehe. Natigil nga lang ito nang makahalata si Gray. Nasa parte na kasi kami kung saan wala ng gaanong tao sa paligid kaya madali na lang kaming mahalata ni Catharina. Kaya nang lumingon si Gray, agad kaming nagtago. Sa likod ng mga halamanan nagtago si Catharina. Ako naman sa pinakamalapit lang na poste kung saan umikot lang ako para hindi ako makita noong dumaan si Gray. Nakahinga ako ng maluwag noong nakalusot ako, siyempre. Well, nakalusot lang kay Gray.
Sean: "Anong ginagawa mo diyan, Verena?"
Ako: (Nagulat) "Anak ng!" (Kumalma) "Sean, ikaw pala. Napadaan lang ako rito. Ikaw, kumusta?"
Sean: "Ayos lang."
Ako: (Nag-isip ng iba pang pwedeng pag-usapan) "Buti pala hindi mo ni-reject si Catharina noong nag-confess siya sa 'yo?"
Sean: "Ah, oo."
Ako: "Bakit nga ba hindi mo siya ni-reject? Na-persuade ka niya?"
Sean: "Sa tingin ko. Siguro mas madali pa pala kasi akong pakiusapan kesa sa inaakala ko. Ikaw, bakit mo kasama si Catharina nun?"
Ako: "Kasi... Kasi magkapit-bahay kami dati noong elementary pa lang kami. Tapos nagkita lang kami ngayon-ngayon. Tapos nagkaroon kami ng get-together, ganun."
Sean: "I see."
Gray: "Sean!"
Ako at si Sean: (Napatingin kay Gray na kasama na ang namumulang si Catharina)
Gray: "Si Catharina oh. Ihatid mo na lang siya pauwi."
Sean: "Ah, sige." (Tingin kay Catharina) "Tara. Dito rin ba ang daan mo pauwi?"
Catharina: (Mas lalong namula) "O-oo."
Gray: (Habang pinapanood sila Sean at Catharina na naglalakad palayo) "Sinamahan mo ba si Catharina papunta dito?"
Ako: "..."
Gray: "Sana mag-workout silang dalawa. Boto ako para kay Catharina."
Ako: (Kunwari may naalala bigla) "May papanoorin pa pala akong teleserye sa tv. Sige, mauna na ako."
Gray: "Ganun ba? Sige, ingat."
Dumeretso nga ako pauwi sa boarding ko. Pero wala talaga akong inaabangang teleserye. Sa halip, nahiga lang ako agad sa kama ko at ginawa agad itong entry na 'to. Ngayong patapos na ito, balak ko ng magkumot at matulog. Sa kung anong dahilan, nawalan na ako ng ganang magbihis at kumain ng hapunan.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Genç Kız EdebiyatıVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...