ENTRY 28: Plano para sa birthday niya

529 9 0
                                    

Nakakagulat, tinawagan ako ni Sean para tulungan daw namin si Gray na magplano para sa birthday ni Elene. Pumayag ako agad, siyempre. Una, dahil excited din ako para tumulong na magplano para sa birthday ng kaibigan ko. Pangalawa, para alamin kung okay lang ba si Sean o hindi.

Ginawa namin yung pagpaplano sa kwarto ni Sean. Pagdating namin dun, ipinakita agad ni Gray yung nagawa niyang schedule. At tulad nga ng sinabi ni Sean, masyadong siksik yung ginawa niyang schedule, akala mo naman schedule yun ng presidente. Kaya yun yung ni-revise namin. Habang ginagawa namin 'to, pasimple ko ring inobserbahan si Sean. Pero lintik lang. Ang poker-faced niya. Shet nga eh. Ang hirap niyang basahin. Nakaka-frustrate. Kainis! Pero tumatawa din naman siya. Madalas kapag may naaalala siyang nakakatawang nangyari kay Gray noong elementary pa lang sila. Tulad noong nalaglag daw si Gray sa isang manhole na nirerepair dati sa pinuntahan nilang planetarium. Wala naman daw nangyaring masama kay Gray pero nung nagawa daw niyang makalabas ng mag-isa, napagkamalan daw siyang underground monster nung mga batang napadaan at nagsitakbuhan. Pati tuloy ako natawa nang na-imagine yung scenario na yun.

Sa tingin ko, pinakamadalas tumawa si Sean kapag tungkol na kay Gray ang pinag-uusapan. Hindi kaya bakla si Sean? Baka naman may gusto pala siya kay Gray? Biro lang. Pero paano kung totoo pala? Aba, ewan na lang. Anyway, habang inaayos namin yung schedule, puro flashback nga tungkol sa pagkabata nila Gray at Sean ang nangyari. Lahat daw kasi nung nakalistang mga lugar sa plano o schedule, napuntahan na raw nilang dalawa ng magkasama. Well, thirteen years na nga naman kasi silang magkaibigan.

Yun nga lang, noong napunta na sa regalo ang usapan, ito na ang talagang nakalimutang paghandaan ni Gray. Nung tinanong siya ni Sean kung may pambili siya, sinabi niyang wala. Kaya naisipan namin ni Sean na pahiramin na lang siya ng pera, kaso tinanggihan niya kasi hindi naman daw pwede na hiramin niya sa iba yung pambili ng regalo para sa girlfriend niya. So, magpapart-time job na lang daw si Gray para makaipon. Actually, si Sean ang nakaisip sa idea na 'to. Si Sean din ang naghanap through phone ng pwedeng pasukan ni Gray na part time job. Okay, sige na nga. Mostly, si Sean talaga ang nagplano para sa lahat. Ako tuloy ang nasasayangan dahil wala siyang girlfriend. Ang galing pa man din niyang magplano ng mga gagawin sa date.

Unang nakatulog si Gray sa sahig. Napuyat siguro kapaplano nung initial schedule. Kaya kami na ni Sean ang tumapos sa iba pa. For the first time, nahiya ako sa kanya. Gusto ko kasi siyang tanungin kung bakit parang sobrang abala yata siya nitong mga nakaraan pero hindi ko magawa. Tuloy, nanahimik na lang ako. Napakaraming beses kong ginustong batukan yung sarili ko o iuntog-untog sa mesa yung ulo ko dahil hindi ko matanong si Sean. Feeling ko kasi hindi pa kami ganun ka-close para tanungin ko siya ng ganun ka-personal na bagay. Kung kay Gray nga hindi niya masabi, sa akin pa kaya? Wala tuloy akong natanong hanggang sa pati si Sean nakatulog na rin sa kama niya. Pero ako, hindi na natulog. Sanay naman ako sa puyatan. Sanay din kasi ako sa movie marathon na walang tulugan.

Kaya noong malapit ng magbukang-liwayway, nagsimula na lang akong magluto ng agahan. Nung dumating kasi ako sa apartment nila Sean, agad kong napansin na parang mag-isa lang niya. Sabi niya, pareho raw kasing nasa ibang bansa si Amber at yung mom nila. Yung tungkol naman sa dad niya hindi ko na natanong dahil yun na yung time na pinakita ni Gray yung nagawa niyang initial schedule sa amin. Hindi na rin ako nagtagal nang maluto yung kanin at ulam. Nakikain lang ako ng kaunti, naghugas ng mga pinggan at ng mga pinaglutuan, saka umalis na nang hindi nagpapaalam kila Gray at Sean na natutulog pa. Naisipan kong iwanan ng sulat o simpleng note si Sean. Pero bigla akong nahiya kasi parang ang cheesy, kaya 'wag na lang. Yung ulam na lang siguro ang magsisilbing sulat ko. Hehe. Pwede ba yun?

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon