May natutunan ako. Kapag palagi kang inaasar sa isang tao, 'wag ka lang mag-react. Deadma ka lang kahit na anong mangyari kahit na naiinis, natatawa, o kinikilig ka. Sa kaso ko, naiirita na ako. Sobra. Pero hindi ko na lang pinapahalata. Kasi sigurado ako na kung magrereact ako sa ano mang paraan, mas lalo lang nila akong aasarin. Kaya deadma lang. Eventually, may iba din namang tumigil sa pang-aasar. Ang kakapal nga ng mga mukha nila eh. Akala mo naman close kami para asarin nila ako ng ganun. Kaso may iba ring tuloy pa rin sa pang-aasar sa akin tulad ni Elene at nila Nathalie. Minsan nga gusto ko na silang hambalusin.
Ito namang gagong Renzo na 'to parang tuwang-tuwa pa yata. Papansin kasi. Palaging nag-gogood morning at nag-gogoodbye sa akin. Tapos kung magkakasalubong kami sa hallway, sa canteen, sa quadrangle o sa kahit saan pang parte ng school, magsasabi siya ng 'hello' o 'hi'.
Kaya yung pang-aasar tuloy sa aming dalawa hindi mamatay-matay. Tapos dagdag pa 'yang mga bwisit na barkada niya. Hindi lang sa section namin kundi pati rin dun sa isang regular section kung saan siya nanggaling. Kapag kasi nakikita na nila akong papalapit o paparating, bigla na lang nilang sasabihin kay Renzo na, "Uy, andyan na siya!" o "Tol, ayan na si Verena!" Tapos kapag pinansin na ako ni Renzo sabay-sabay na silang magsasabi ng "Uuuuuyyy!!!"
Feeling ko talaga 'yang Renzo na 'yan pinagtritripan lang ako eh. Sabi nila Elene crush daw kasi ako kaya raw nagpapapansin sa akin. Ang sabi ko naman, dahil madalas akong mag-isip ng negatibo sa kapwa ko, baka pinagpupustahan lang ako ng barkada niya kaya ganun. Ako kasi yung taong hindi basta-basta nalalapitan, lalo na kung ayaw ko talagang malapitan. Sabi nga ng mga nakakakilala na sa akin, warfreak daw ako at walang pinipili. Walang pinipili kasi mapa-babae man o mapa-lalaki hindi ko raw inuurungan. Well, no comment ako rito. Sabi rin nila suplada daw ako dahil hindi raw ako namamansin. Well, may comment na ako rito. Hindi ba pwedeng hindi lang talaga ako interesado? Namamansin naman ako kung alam kong may sense yung sasabihin sa 'kin. Pero kung wala, bakit ko naman sasayangin yung oras ko sa ganun?
Kaya naisip ko na baka na-chachallenge lang itong si Renzo sa akin kasi kakaiba ako. Minsan kasi, yung mga tulad niyang lapitin ng mga babae---sige na, cute din naman kasi siya---na-chachallenge kapag feeling nila wala silang epekto sa partikular na babaeng yun. At sa kinamalas-malasan ko, ako ang napansin ni Renzo. Baka nga yung pustahan nila ng barkada niya dapat mapansin ko siya at ma-fall ako sa kanya, at kapag nangyari yun, panalo na siya sa pustahan. 'Di ba nangyayari naman yung ganun? Kaya ang pinaka maganda, expect the worst para maging handa sa lahat ng sitwasyon. At ito ang gagawin ko ngayon. Kaya 'yang mga pagpapacute niyang 'yang sa akin? Wa-epek 'yan.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...