December twenty-four na. At ang daming chicks. Hehehe. Lima sila. Lahat kasi sila nag-ayos para sa araw na 'to. Naka-dress sila Elene, Nathalie, at Mayumi. Pero si Mayumi tinernohan niya ng leggings yung sa kanya. Naka denim shorts naman si Tanya na tinernohan niya ng off shoulder na blouse. At si Lauren, naka jeans tulad ko na tinernohan naman niya ng tube at heels. Ako? Well, tulad nga ng sinabi ko naka jeans din ako. Anong terno? The usual. Shirt na white at sneakers. Hehehehe. Pinagtinginan nga ako ng lima eh. Pero kiber lang. Hahaha. Si Renzo naman na sumabay sa akin papunta sa tapat ng Karaoke Bar kung saan kami magkikita-kita, adik lang kung makalagay ng pabango. Pinampaligo ata niya yung isang bote. Pormadong-pormado din siya at talagang may sunglass pa na suot. Inasar ko tuloy siya pagkakita ko sa kanya. Binigyan ko siya ng piso saka ko siya binati ng, "Maligayang pasko po, manong."
Nang i-meet namin yung iba pang boys sa tapat ng Karaoke Bar, lahat sila napansin kong may kanya-kanya ding porma. Pero dahil hindi ko pa rin nakalimutan yung naging pag-uusap namin nila Nathalie, si Kevin ang agad na hinagilap ko. At gusto ko siyang sapakin dahil sa mga unang salita na lumabas sa bibig niya na sinabayan pa niya ng pagtawa, "Wow, Nathalie, hindi ka ba giniginaw sa iksi ng palda mo?" Ang tanga ng gago. Hindi man lang niya na-gets na kaya ng nagsuot ng ganun si Nathalie ay para magpaganda sa kanya. Hay naku. Pinakilala rin namin si Renzo sa iba pang boys bilang kaklase namin. Ito namang si Renzo, abot-tenga niya silang binati. At ang masasabi ko lang, magaling siyang makisama. Hindi pa kasi kami nakakarating sa karaoke room pero kaibigan na agad niya yung mga barkada ni Gray. Maliban kay Sean na tahimik lang as usual.
Lahat kami namangha sa pinareserve na private karaoke room nila Elene at Gray pagkarating namin dito. Maganda kasi ito, malawak at eleganteng tingnan. Kapag titingin ka naman sa labas ng bintana, makikita mo sa courtyard ang isang ubod ng laki at taas na Christmas tree. Sinabi ni Elene na sa pinakatuktok daw nito ay may isang bituin na naiiba sa lahat. At kapag kinuha mo yung bituin na ito saka nagtapat sa taong mahal mo, sasagutin ka nito. Namangha dito si Nathalie. Si Kevin naman tumawa. Sobrang taas daw kasi nung Christmas tree at sa tingin niya si Gray lang yung makakaakyat dun. Eh di wow. Paano ngay kung nakaya ko rin? Haha. Pero wala naman akong balak.
Nang maupo si Nathalie sa mga sofa, napansin ko kung paano naging trying hard dito sila Gray at Elene na mapalapit sila ni Kevin sa isa't isa. Siniguro kasi ni Elene na wala ng iba pang tatabi kay Nathalie. Si Gray naman, pinaupo niya sa tabi ni Nathalie si Kevin. Si Kevin naman tuwang-tuwa. Ako? Hindi ko alam kung anong nangyari sa sitting arrangement. Pero napunta ako sa gitna nila Sean at Renzo. At kung gaano katahimik si Sean sa tabi ko, ganun naman kadaldal si Renzo. Pakiramdam ko tuloy pinaggitnaan ako ng dalawang magkaibang-magkaibang mga pwersa. Mga pwersa na hindi ko ma-imagine na magkakasundo. Kaya para hindi ako ma-stress, inabangan ko na lang yung pagdating ng mga pagkain. Worth it naman yung paghihintay ko. Katakam-takam kasi at artistic tingnan ang mga 'to. At kapag kinain na, hmmm, heaven! Haha!
Pagdating naman sa inumin, kanya-kanya kami ng mga order. May nag-iced tea, coffee, soda, wine, at iba pa. Cinnamon coffee sa akin, siyempre. At si Renzo ang um-order nito para sa akin. Naalala kasi niya na favorite ko 'to. Si Sean kape din ang in-order. Brewed coffee daw yung sa kanya noong tinanong ko. Si Renzo naman hindi ko tinatanong pero sabi niya three-in-one na coffee ang hilig niya. Sinabi ko sa kanyang alam ko na yun dahil nabanggit na niya yun dati noong nasa cafe kami. At yung loko, tumawa lang saka ginulo yung buhok ko. Pagkatapos pa nun, nagkaroon ako ng instant taga-silbi. Tanong kasi siya ng tanong kung ano pa raw yung gusto kong i-try sa mga pagkain para siya na lang daw ang mag-abot sa akin. Sanay na ako kay Renzo na ganito siya. Ganito rin kasi siya tuwing lunch at recess sa school. Kaso nga lang, hindi ko siya hinahayaan ng pagsilbihan ako. Para kasi sa akin, kung kaya ko, kaya ko. At ako ang gagawa nito. Kaya sinabi ko sa kanya na kumain na lang siya at ako na ang bahala sa mga kakainin ko.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...