Namasyal kaming apat sa town kanina at napadaan sa isa sa mga main branch ng Patisserie, ang paboritong cakeshop ni Elene at ang isa sa mga tinatangkilik na bilihan ng cake sa bansa.
Noon pa lang, gustong-gusto na talaga niya yung mga cake dito kaya minsan dito rin kami tumatambay para magmeryenda. Napaka-intricate daw kasi ng mga cake dito at wala siyang ideya kung paano ginagawa ang mga ito. Ito daw ang gusto niyang matutunan. Sakto namang napansin ni Sean yung nakapaskil na wanted job dito kung saan kwalipikado si Elene. Kaya in-encourage namin siyang subukan ito. Nag-alinlangan nga lang siya noong una dahil baka hindi na raw niya kami gaanong makasama ngayong bakasyon dahil dito. Pero sinabi namin sa kanya na ayos lang at na suportado namin siya sa bagay na gustong-gusto niyang gawin. Isa pa, maganda na rin itong pagkakataon para sa kanya na praktisin ang kursong kukunin niya para sa college. Kaya kanina lang din, tinulungan na namin siyang gumawa ng resume niya at nang maibigay na agad niya ito roon para hindi siya maunahan. Bukas na naka-set ang part-time job interview niya. Sana lang matanggap siya. Pero may tiwala akong matatanggap talaga siya.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...