ENTRY 142: Pagpapaubaya?

345 6 0
                                    

Inabangan ko si Catharina sa main gate ng Camvard Senior High kung saan siya nag-aaral kasama sila Gray at Sean. Sinadya kong agahan yung pagpunta ko rito para hindi ko siya makaligtaan. At sinwerte naman ako dahil nakita ko nga siyang dumaan dito ng mag-isa saktong pagpatak ng alas singko. Yun nga lang, tinakbuhan niya ako nang lapitan ko siya. What the f lang eh. Akala mo naman snatcher o magnanakaw yung lumapit sa kanya. Tss. Tuloy, hinabol ko siya. At habang tumatakbo, tinawagan ko sila Elene at Gray, na kakuntsaba ko sa paghahanap kay Catharina, na sa Park siya patungo.

Pagkarating namin sa Park, mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa nahila ko yung braso niya at napahinto siya sa may mismong tapat ng fountain.

Ako: "Bakit ka ba tumatakbo?! Hindi mo naman kailangang mawala sa mga buhay namin ng ganun-ganun na lang."

Catharina: (Hinila yung braso niya mula sa pagkakahawak ko) "Ano pa bang magagawa ko? Just leave me alone."

Ako: "Mabait lang sa 'yo ngayon si Sean, pero 'di ba nagsisimula ka pa lang naman kaya magandang sign na rin yun?"

Catharina: "I can't think like that! Paano ko pa magagawang patuloy na kausapin siya kung alam ko namang wala siyang nararamdaman para sa akin? Hindi ako ganun katatag na tulad mo!"

Ako: "Ano naman ngayon kung wala siyang nararamdaman para sa 'yo? Nagbabago naman ang feelings ng mga tao. At saka maswerte ka nga at nagiging ka-close mo na si Sean to the point na nagseselos na ako."

Catharina: (Saglit na natahimik) "A-anong sinabi mo?"

Ako: (Bumuntong-hininga) "Oo, Catharina. Nagseselos na ako sa closeness niyo ni Sean dahil gusto ko rin siya. Hindi ko pa muna sinabi sa 'yo dati kasi akala ko rin wala akong balak ipaalam sa kanya. Akala ko kasi ayos na lang para sa akin ang makasama ko lang siya tuwing uwian o tuwing may mag-aaya na magbonding kami bilang grupo. Akala ko kasi kontento na ako na nasa tabi lang niya bilang kaibigan ng hindi pinapaalam na gusto ko pala siya. Pero nagbago ang lahat ng akala kong 'to sa mabuting paraan ng dumating ka. Noong nakita ko yung letter mo para kay Sean dito mismo sa fountain na kinalalagyan natin ngayon, ang totoo, na-impress talaga ako noong nakita ko yun. Kasi hindi ba ganun naman talaga dapat kapag may gusto kang tao? Hanggang ngayon nga namamangha pa rin ako sa letter na yun. Kaya sigurado ako na pati si Sean naalala pa rin niya yung mga sulat mo simula pa noon. At sa tingin ko, hindi siya basta-basta nagpapakita ng kabaitan sa kung kani-kanino lang. Kaya nakakalungkot naman kung sa ganito mo na lang tatapusin ang lahat."

Elene: (Medyo hinihingal na dumating kasama si Gray) "Catharina..."

Gray: (Tingin sa akin) "Buti nahabol mo siya."

Ako: "Nakausap ko na rin."

Catharina: "So my letter was impressive?"

Ako: (Ngumiti) "Yep!"

Catharina: (Naluha) "Sa totoo lang, malulungkot din ako kapag hindi ko na makakausap pa ulit si Sean."

Ako: "Ako rin malulungkot kahit na pareho pa tayo ng nararamdaman para sa kanya."

Gray: (Naubo) "A-ano?!"

Hayun, habang inaamin ko na rin kay Gray na gusto ko si Sean, nakatanggap naman ng tawag si Catharina. Nang tingnan niya yung screen ng phone niya, nataranta siya bigla at sinabi sa aming si Sean daw yung tumatawag at kung anong gagawin niya. Siyempre, sinabi namin na sagutin niya yung tawag. Pagkatapos niyang kausapin si Sean, sinabi niya sa aming gusto raw nitong makipagkita sa kanya kaya pupuntahan daw niya ito. Sinabihan naman namin siya na hihintayin na lang namin na bumalik siya sa may fountain na kinalalagyan namin at na ingat siya sa pagpunta sa meeting place nila. Nang wala na siya, pinagmasdan naman ako nung dalawa.

Ako: "Bakit?"

Elene: "Buti ayos lang para sa 'yo na magkikita sila ng ganun?"

Gray: (Tumango) "Oo nga."

Ako: (Ngumiti) "Ayos lang. At least, ngayon, mas magaan na yung kalooban ko."

Elene: "Pero ano kayang meron at gustong makipagkita sa kanya ni Sean?"

Gray: "Hindi ko rin alam. Pero mabait naman si Sean kaya siguradong magiging ayos lang ang lahat."

Pagkabalik ni Catharina makalipas ang ilang minuto, pinakita niya sa amin yung mga binigay ni Sean sa kanya. Planner tapos mga bookmark na magaganda ang design. Pinuri ni Catharina yung taste ni Sean dahil yun daw exactly yung mga bagay na gusto niya. Binigay daw ni Sean sa kanya yung mga yun bilang pasasalamat sa mga letter na binigay niya rito sa loob ng thirteen years. Nag-sorry din daw ito sa kanya. Pero kahit na naluluha si Catharina sa mga oras na yun, nagawa pa rin niyang ngumiti.

Catharina: "I had fun. Yung nakipagkwentuhan ako sa inyo hanggang sa lumalim na yung gabi. Yung pagsho-shopping namin nila Elene at Verena. Yung pag-uwi ko kasabay si Sean kahit na hindi ko siya makausap noong una. Yung pagpunta natin sa zoo kasama si Sean. At yung pagtambay natin dito sa Park tuwing uwian. I have a lot of happy memories! Lalo na at nagtagpo din yung mga mundo namin sa wakas. Masaya ako at nagtapat ako kay Sean ng feelings ko!"

Gray: (Tinitigan saglit si Catharina saka niya ito tinapik ng malakas sa likuran)

Catharina: (Naubo sa lakas ng hampas sa kanya) "Ouch, ang sakit nun."

Gray: "Sorry."

Ako: (Hinimas yung likod ni Catharina at sinamaan ng tingin si Gray) "Hoy, Gray! Ingat naman! Balak mo ba siyang patayin?!"

Gray: (Napayuko) "Sorry."

Catharina: (Napangiti) "Gusto ko talagang maging katulad mo, Verena."

Ako: (Napahinto sa paghimas sa likod niya) "Bakit naman?"

Catharina: "Gusto ka ni Sean, alam mo ba yun?"

Ako: (Napaatras) "Huh?!"

Catharina: "Naiinggit ako kay Gray dati kasi napapatawa niya si Sean. Pero noong nasa zoo tayo, ikaw lang yung babaeng nakapagpatawa ng ganun kay Sean. Hindi lang doon sa zoo, pati rin sa ibang mga pagkakataon. And I like how he laughs when he's with you the most. Pero hindi ako ganun katapang na tulad mo."

Ako: (Umiling) "Hindi 'yan totoo. Matapang ka, Catharina, kasi nagawa mong ipagtapat ang nararamdaman mo para sa kanya. Matapang ka kasi nagawa mong magsulat at magbigay ng mga love letter sa kanya sa loob ng thirteen years. Isa pa, hindi ko kayang sumulat ng love letter na tulad ng sa 'yo, kaya kung tutuusin, mas nabibilib ako sa 'yo."

Catharina: "Kaya nga gusto kita bilang kaibigan, Verena. Buti na lang at nagkita tayo ulit."

Gray: "Nasabi mo na ba kay Sean lahat ng gusto mong sabihin?"

Catharina: (Tumango) "Oo. Sinabi ko na sa kanya lahat. I've been telling him for the last thirteen years. I don't need anything in return, so I want him to like me. Yun lang. Pero sa tingin ko, mukhang yun yung bagay na pinakamahirap hilingin." (Tumingin sa akin) "Sana kapag nagtapat ka na sa kanya, mas maging maganda ang resulta kumpara sa akin. Alam ko kasing mabait, maganda, at napakabuti mong tao, kaya kung may makakarelasyon man siya, gusto kong maging ikaw yun. Magiging panatag lang ako kapag ikaw ang babaeng yun."

Ako: (Namula) "Uh... Anong ibig mong sabihin? Pinapaubaya mo na siya sa akin, ganun?"

Catharina: "Oo, ganun na nga. Dahil kahit hindi man niya i-reciprocate ang feelings ko, at least alam kong higit na mas mabuti at mas maganda kesa sa akin yung babaeng nagustuhan niya at na gustong-gusto rin siya."

Ako: "Uh... Salamat?"

Well, hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sa ganung sitwasyon. Anyway, hindi ko rin inaasahan yung kinalabasan ng mga pangyayari para sa araw na 'to, pero masasabi kong mas naging maganda pa ito kesa sa inaasahan ko. Pagkatapos naming magkwentuhan sa Park, nagpaalam si Elene kay Gray na sa amin na lang muna siya sasabay na umuwi ngayon. Kahit papaano, naging masaya rin ako sa araw na 'to dahil naging open na ako sa wakas kila Elene at Catharina, hindi tulad dati na naglilihim lang ako sa kanila at nagmumukmok ng mag-isa. 

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon