ENTRY 10: Pasasalamat ng bagong mag-jowa

736 13 0
                                    

Sinasabi ko na nga ba eh. Sinasabi ko na nga ba at deretso na lang dapat akong umuwi pagkatapos ng klase namin para napanood ko na yung Korean series na kabibili ko lang kahapon. Kasama pa tuloy ako sa napagtripan ng bagong mag-jowa.

After class kasi, pumunta kami ni Elene sa dating tambayan sa Park para makipagkita kila Gray at Sean. At kaya naman pala mapilit itong Elene na ito na isama ulit ako---although wala naman ng bago dito, may sorpresa pala kasi sila ni Gray sa amin ni Sean. Two-layered cake na may white icing at strawberry toppings. Sign of gratitude daw ito ni Elene dahil masaya raw sila ni Gray ngayon. Eh di wow, 'di ba? Sila na ang may lovelife. So, I'm out.

Ang nakakainis lang, tinanong din nila kami ni Sean kung kelan din daw kami magkakajowa. Wtf lang eh. Porke may lovelife sila, kailangan pati rin yung mga kaibigan nila meron? Buti na lang si Sean ang sumagot. Sinabi niyang okay na sa amin ang nakikita silang masaya. Sino naman daw ba kasi ang hindi gugustuhing makitang masaya ang kaibigan nila? Ang cheesy, actually. Pero maganda naman yung nilalaman. Kaso itong si Gray biglang naiyak saka niya niyakap ng mahigpit si Sean. Sobra yatang ma-touch kaya biglang nagkaroon ng bromance.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon