ENTRY 123: Messenger chat

335 2 0
                                    

Ngayon na lang ulit ako nag-check ng accounts ko sa internet. Siguradong inamag na kasi ang mga 'to, lalo na at last year pa nung huli akong nag-open ng facebook, messenger, at e-mail ko.

Wala namang gaanong bago sa facebook ko maliban sa palagi akong naka-tag sa mga picture na kinuha ng mga kaibigan ko kung saan meron ako. Sa e-mail ko naman wala rin masyado maliban sa mga powerpoint at notes na sinend ng mga kaklase naming nakapag-report na sa ibang subjects. Pero nang balikan ko ulit yung facebook ko para i-check yung mga nag-friend request, aba't may himala. Himala dahil may kilala akong isa sa kanila. Kaya may isang hindi rin na-decline ang friend request. Si Catharina Dela Torre. Sakto namang online din siya nun at minessage niya ako.

Catharina: "Hello, Verena! Um, may sasabihin sana ako."

Ako: "Ano yun?"

Catharina: "Um, I think I'll talk to Sean, after all."

Ako: "Ganun ba? Sige lang. Kaya mo 'yan."

Catharina: "Pero kakailanganin ko ng tulong mo."

Ako: "Oh." (Nag-isip saglit) "Ano ang gagawin ko?"

Catharina: "May naisip kasi akong paraan para makausap siya as naturally as possible. Hindi ba magkapit-bahay naman tayo dati? Pwede bang ipakilala mo ako sa kanya bilang kaibigan mo?"

Ako: "Sige."

Catharina: "Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya yung feelings ko, pero gusto kong i-acknowledge niya ako kahit minsan lang. Ni minsan hindi rin kasi nagtagpo yung mga mundo namin, kaya yun."

Ako: "Naiintindihan ko. Pero mukhang kakailanganin din natin yung tulong ni Gray. Naalala kong sinabi mo dati na hindi mo magawang kausapin yung normal guys. Kaya 'wag kang mag-alala kasi abnormal siya."

Catharina: "Abnormal si Gray?!"

Ako: "Ang ibig kong sabihin, abnormal siya hindi dahil abnormal talaga siya. Abnormal siya kasi medyo kakaiba lang siya sa normal guys. Kaya ayos lang ba kung hihingi din tayo ng tulong sa kanya? Nakakatakot siya sa una, pero mabait talaga siya kapag nakilala mo ng mas mabuti."

Catharina: (Medyo natagalan sa pagrereply) "Okay. So, does that also mean that I'll have to open up to him regarding my feelings for Sean?"

Ako: (Medyo na-nosebleed sa binasa) "Ikaw ang bahala."

Catharina: "Okay. If that's the case, ako na lang ang kakausap kay Gray mismo bukas sa school. Susubukan ko lang. And if okay lang din sa 'yo, pwede ko rin bang kunin yung cellphone number mo?"

Ako: "Sige, walang problema."

Hindi ko pa alam kung ano ang eksaktong plano. Pero sabi ni Catharina i-tetext o tatawagan na lang daw niya ako bukas during breaktime pagkatapos daw nilang mag-usap ni Gray. Well, sana nga malapitan niya si Gray, lalo na at halos palagi yata silang magkasama ni Sean pati sa school.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon