Wala ngayon si Sean.
Hindi siya kasamang dumating ni Gray sa meeting place namin kanina sa Park. Sabi ni Gray, nagpaalam daw siya na may gagawin pero hindi daw sinabi kung ano. Hindi ko tuloy alam kung bakit pero parang na-disappoint ako. Siguro nasanay na kasi akong laging magkasama sila Gray at Sean. O siguro kasi nasanay na akong magkakasama kaming apat at parang hindi na masaya kapag kulang ng isa.
Pero parang hindi naman ganito ang kaso kila Gray at Elene. Ginawa pa rin namin ang usual routine: kumain ng gawa ni Elene at nagkwentuhan. Chill-chill lang. Masaya pa ring tingnan sila Gray at Elene. Siguro kasi pinag-uusapan nila kung anong gagawin nila sa nalalapit na birthday ni Elene. Masaya rin naman ako para rito, pero may parte sa puso ko na bigla na lang nalungkot. Ang corny, 'di ba? Pero yun talaga yung naramdaman ko. Na-realize ko lang kasi na ang dami na palang nagbago. Maganda naman yung nangyaring pagbabago pero minsan kasi hindi mo maiwasang hanap-hanapin yung dati. Dati kasi kaming dalawa lang ni Elene yung magkasama. Dati palaging ako lang yung kinukulit niya. Dati madalas na ako lang yung kinakausap niya. Dati madalas na ako lang yung dinidikitan niya. Pero ngayon may Gray na siya.
Sa tingin ko, medyo namimiss ko lang yung ganun. Na yung kaming dalawa lang ni Elene. At sa tingin ko, dahil lang ito sa pagiging medyo possessive ko bilang kaibigan kaya kailangan ko itong pakawalan agad. Kailangan kong tanggapin na mas may nagpapasaya na ngayon kay Elene. Kailangan ko na ring sanayin ulit kung paano ang maging mapag-isa dahil alam ko na hindi pwedeng lagi na lang akong sumasama sa kanila ng ganito. May iba nang mundo ngayon si Elene at alam kong masaya siya rito. Kaya kailangan ko na ring mag-adjust at medyo dumistansya ng konti. Dahil yung pagkakaibigan namin, alam ko na kahit anong mangyari nandiyan pa rin 'yan at hindi mawawala.
P.S.
Na-realize din ba kaya ni Sean ang mga bagay na 'to kaya hindi siya sumama ngayon kay Gray? Pero meron na kaya ulit siya sa susunod naming pagkikita-kita? Ang hirap naman pala kasing maging third wheel. Dapat kasi meron siya para balance, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Literatura KobiecaVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...