ENTRY 112: Little sis

301 4 0
                                    

Dumalaw ako ngayon sa puntod ni Tiffany dala ang white chrysanthemums na nakalagay sa paso. Palagi rin akong dumadalaw dito tuwing death anniversary niya. Kaso ngayon lang ako napadalaw dito ng hindi oras dahil bigla ko lang talaga siyang na-miss ng sobra.

Kaya little sis, kumusta ka na diyan? Masaya ka naman ba diyan sa langit? 'Wag ka lang masyadong nambubulabog diyan, ha? Baka mamaya dahil sa sobrang kakulitan at kadaldalan mo mapalayas ka. Sige ka. Pero sigurado akong hindi rin yung mangyayari. Dahil sigurado rin ako na mamahalin ka rin nila ng sobra dahil sa pagiging sobrang cute at malambing mo. Alam ko naman na lovable ka sa kabila ng katigasan ng ulo mo minsan.

Nga pala, may mga kaibigan na rin ako ngayon tulad ng palagi mong sinasabi sa akin dati na makipagkaibigan dapat ako. Nathalie, Tanya, Lauren, Mayumi at Renzo ang mga pangalan nila. Pero sila Elene, Gray at Sean ang pinaka close ko. Hindi ko nga lang sila kasama kasi biglaan yung pagbisita ko rito. Pero next time, baka isama ko na sila at nang makilala mo naman sila. Kaso 'wag mo silang bibisitahin pagkatapos nun ha? Takot kasi si Gray sa multo lalo na kapag ginugulat siya. Nakakabingi. Sobra.

Isa nga rin palang dahilan kung bakit ako bumisita dito ay dahil malapit nang manganak yung mama ni Gray. Hindi nga lang daw alam ni Gray kung babae o lalaki yung magiging kapatid niya. Pero babae man o lalaki, sana maging healthy. Yun naman ang importante, 'di ba? Kaya sana, kung pwede at kung hindi ka masyadong busy, ikaw sana ang maging guardian angel ng magiging kapatid ni Gray. Noon pa lang naman din kasi ikaw na talaga ang guardian angel ko at gusto man kitang sarilinin lang, mas gugustuhin ko pa ring i-share ka sa iba para naman malaman nila kung gaano ako ka-swerte na kahit sa limitadong panahon lang ay nagkaroon ako ng mapagmahal kapatid na tulad mo. Kaya nga mahal na mahal kita. Sobra. Tandaan mo 'yan palagi, little sis.

P.S.

Dalawin mo lang ako kung kelan mo gusto. Hindi naman ako takot sa multo kaya ayos lang kahit magparamdam ka sa akin ng kahit na minsan.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon