ENTRY 130: Choosing dating clothes

319 2 0
                                    

Sabado ngayon. Mga nine o'clock ng umaga nang tawagan ako ni Catharina para humingi ng tulong sa pagpili daw ng damit na isusuot niya para bukas sa triple date. Una ko agad naisip ang kawalan ko ng fashion sense. Kaya sinabi ko na lang kay Elene na lang siya magpatulong dahil wala rin akong alam sa pamimili ng mga damit. Isa pa, ayaw ko rin sumama. Sa tingin ko kasi, hindi ko makakayang tulungan ang isang kaibigan na magpaganda para sa lalaking gusto ko rin.

Kaso wala na naman akong lusot nang tawagan din ako ni Elene. Sabi niya sabay-sabay na lang daw kaming tatalo na bumili ng mga susuotin namin para bukas. Nagdahilan ako na may mga damit naman na ako kaya hindi na kailangan. At saka isang araw lang naman yun, kaya bakit pa ako gagastos para lang dun? Pero wala talaga eh. Kung may mga kahinaan man ako, isa na dun ay ang tanggihan si Elene. Kaya noong nagpumilit siya at sinabing alam naman daw niya kung ano yung mga nilalaman ng wardrobe ko at nasisiguro niyang hindi raw appropriate yung mga yun para sa pakikipag-date, hindi na ako nakatanggi pa. Hindi dahil dun sa sinabi niyang, well technically, hindi maganda yung mga damit ko, kundi dahil dun sa pamimilit niya. Pero bakit kasi kailangan pang magkaroon ng dress code pati sa pakikipag-date? Hassle naman oh. Masakit na naman 'to sa bulsa.

Ten o'clock na nang magkita-kita kaming tatlo sa mall. At dahil tungkol sa fashion ang gagawin namin, sila Catharina at Elene ang mostly na nag-usap. Basically, ang naintindihan ko lang sa usapan nila ay yung gustong magpa-cute ni Catharina kay Sean at baka sakaling magustuhan din daw siya nito. No comment ako rito. Kaso hindi nga lang daw niya alam kung ano ang susuotin para raw magkagusto si Sean sa kanya. Kaya nag-suggest si Elene na tanungin na lang daw si Gray dahil close naman ito kay Sean at tinext agad ito. Ganun pa man, hindi agad naka-reply si Gray. Kaya habang hinihintay namin ang reply nito---na sa totoo lang ay interesado rin akong malaman---nag-ikot-ikot muna kami sa mall nila Catharina at Elene para magtingin-tingin ng mga damit. Kahit papaano at kahit na hindi ako interesado sa ginagawa namin, nag-enjoy pa rin naman ako kasama sila. Actually, nagsukat rin ako ng ilang damit dahil sa pamimilit nila na i-try daw naming tatlo yung kung ano-anong damit na makita nila. Nagpicture pa nga kami eh. Tapos agad din nilang pinost sa instagram account nila. Buti na nga lang at nagreply na nun si Gray dahil napapagod na rin akong balik ng balik sa fitting room para lang mag-try ng damit.

Base sa reply nito, sinabi raw ni Sean na kahit anong normal daw na damit pwede na basta bagay daw dun sa nagsusuot. Well, kahit naman pala ano pwedeng isuot sa pakikipagdate. Depende na lang 'yan sa makaka-date mo kung magugustuhan niya yung suot mo o hindi. Sa lagay ko, hindi naman ako nagpapa-impress o nagpapaganda kaya hindi ko na kailangang bumili ng bagong damit. Pero dahil kasama ko na yung dalawa at nasa mall na rin lang kami, nakisama na lang ako sa kanila na itinuloy pa rin ang pamimili. At dahil mahilig sa light-colored dressess o skirts si Elene, isang two inches above the knee na skirt ang binili niya. Tinernohan din niya ito ng cute na blouse, at sandals. Ako naman, kulay puting three-fourths, sandals at light blue colored na off-shouldered na blouse ang napag-tripan. Natagalan din ako sa pamimili nito ha. Actually, si Elene talaga ang namili. Hehe. Ako lang yung taga-decide kung approve para sa akin. Kaso si Catharina, wala pa rin. Nakabili na kasi kami ni Elene pero siya hindi pa rin makapag-decide. Kaya pati rin tuloy ako napaisip na. At kapag napaisip na talaga ako, aba't seryoso na 'to.

Habang nag-iisip din si Elene, nilibot ko naman yung paningin ko sa paligid at saktong nakakita ng sa tingin ko ay cute na dress. Sinuggest ko na subukan ito ni Catharina. At paglabas nga niya mula sa fitting room, pati si Elene napa 'wow.' Simple lang naman yung nakita kong dress. Isang cherry print vintage dress na hindi ganun kaigsi at na nilagyan ng puting belt sa bandang bewang. Yung ganda lang naman talaga ni Catharina ang nagdala rito. Kaya dahil suot na rin lang niya yun, tinanggal ko na rin yung eyeglasses niya at sinuggest na mag-contact lense na lang siya bukas para mas lumitaw pa yung ganda niya. At yung buhok naman niya ilugay lang niya dahil sa totoo lang, maging ako nagagandahan din sa buhok niya. Hindi ko nga lang inaasahan yung mga sinabi niya matapos nun.

Catharina: "Kung lalaki ka lang, baka nagkagusto na ako sa 'yo."

Ako: (Nabigla sa narinig) "Huh?"

Elene: (Medyo natawa) "Akala ko ako lang yung nakaisip ng ganyan. Ikaw din pala."

Ako: "What the?!"

Catharina at Elene: (Tuluyang natawa)

Anyway, alam kong ang stupid ng move na ginawa ko dahil sa huli ako rin lang pala ang tumulong kay Catharina na magpaganda kay Sean. Oh, 'di ba? Stupid move talaga? Pero hindi ko mapigilan eh. Noong nakita ko lang talaga kasi yung dress na yun, may pakiramdam na talaga akong babagay yun sa kanya. At yung mga sinuggest ko na gawin niyang ayos sa sarili niya? Sincere din ako dun dahil nagagandahan din naman talaga ako sa kanya. Hindi ko lang talaga mapigilan. At saka parang may kamukha rin kasi siya sa doon fashion magazine na pinapakita sa akin dati ni Amber. Hindi ko lang nakalimutan yung ayos na yun kaya doon lang din nanggaling yung mga idea na sinuggest ko kay Catharina.

Ang hirap pala na kapag yung taong tinuturing mo sanang karibal mo ay kaibigan mo. Ang mas masaklap pa, hindi mo rin naman maaway yung tao dahil mabait din ito. Pero ang pinaka masaklap ay yung katotohanang tuluyan ka ng nawalan ng lakas ng loob na sabihin ang totoo sa tinuturing mo ng kaibigan dahil alam mong masasaktan mo lang ito kapag ginawa mo yun. At ayaw kong masaktan si Catharina dahil sa akin. Isa pa, thirteen years na siyang may gusto kay Sean. Ano namang laban ng nararamdaman kong 'to para kay Sean kumpara sa loyalty niyang yun para rito?

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon