Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon.
Hindi kasi ulit ako sumabay ngayon kay Elene papunta sa tambayan dahil kasama ako sa mga maglilinis ng classroom. Mabilis lang naman kaming natapos, kaya medyo marami pa din ang mga estudyante sa campus kanina. Ang nakapagtataka lang, ilan sa kanila nagkukumpulan sa may main gate. At ang mas nakapagtataka pa, puro sila mga babae. Well, may ilan din mga bakla at may iba ring naglabas pa ng phone nila para kuhaan ng picture ang kung ano mang pinagkakaguluhan nila. Wala naman akong kinalaman sa pinagkakaguluhan nila at hindi ako interesadong tingnan kung ano man yun kaya basta na lang ako lumabas sa may main gate para makauwi na. Kaso may pamilyar na boses na biglang tumawag sa pangalan ko.
Sean: "Verena."
Ako: (Napahinto, napalingon, at napatitig sa kanya) "Anong ginagawa mo rito?"
Epal na Bakla: "Ahy, girl. May girlfriend na yung gusto mong jowain."
Epal na Girl 1: "'Yan yung girlfriend niya? Mas maganda pa ako diyan."
Epal na Girl 2: "Uy, 'wag ka. Si Verena 'yan. Kung ayaw mong mapahiya o mapaaway, mas mabuti kung mananahimik ka na lang."
Epal na Bakla: "Si Verena? Yung kilalang warfreak sa higher year?"
Oh, 'di ba? Mga walang hiya sila. Balak pa yata akong pahiyain kay Sean. Well, hindi naman sa hindi pa alam ni Sean yung side kong 'to, pero yung marinig pa kasi niya mismo galing sa iba parang nakakahiya na yun para sa akin.
Ako: (Sinamaan sila ng tingin)
Sila: (Nanahimik at umalis na)
Sean: (Natawa nang makalapit sa akin) "Ganyan ka ba nila pag-usapan dito?"
Ako: "Oi, hindi naman. Well, minsan. Sige na nga, madalas. Nakikipag-away lang naman ako kapag may hindi katanggap-tanggap na nangyari para sa akin."
Sean: (Ngumiti) "Alam namin."
Ako: (Nagwapuhan sa ngiti niya kaya umiwas ng tingin) "Bakit ka pala napadaan dito? Akala ko ba magkakasama kayo ngayon nila Gray at Elene?"
Sean: "May date sila ngayon kaya dumaan ako dito."
Ako: "At bakit ka naman dumaan dito?"
Sean: "Para sumabay sa 'yo sa pag-uwi at para ihatid ka na rin."
Isip ko: "Walang malisya. Walang malisya. Ihahatid ka lang kasi magkaibigan kayo. 'Wag umasa. 'Wag assuming."
Ako: (Nagkibit-balikat) "Okay."
Habang naglalakad hanggang sa makasakay at makababa kami ng train, nagkwentuhan lang kami ni Sean ng kung ano-ano. Parang nagbalik lang yung tulad ng dati. Pinag-usapan din namin yung tungkol sa entrance exam namin para sa Oxgon College nitong katapusan ng buwan na 'to. Tulad kasi ng plano, sabay-sabay kaming mag-eexam na apat para rito. At sana nga pare-pareho rin kaming makapasa para rito.
Infairness, ang saya ko tuloy para sa araw na 'to. Sana ganito na lang palagi. Pero hindi ako pwedeng umasa, lalo na at nakapagdecide na ako. Sasabihin ko kay Sean ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa nga lang sa ngayon. Soon. Gusto ko pa kasing enjoyin muna itong pagkakaibigan naming 'to. Dahil pagkatapos kong magtapat sa kanya, wala ng kasiguruhan kung babalik pa ulit kami sa ganito.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...