Sa isang apartment complex nakatira yung tagapagtanggol ni Elene. Yung nanay ata nito yung matabang babaeng bumungad sa amin sa may pinto noong nag-doorbell kami. Mukha namang mabait at motherly. Nagpakilala kami ni Elene sa matabang babae. Pagkatapos nun, saglit siyang nawala sa may pinto at pagbalik niya, pinapasok na niya kami.
Dalawang lalaki ang nadatnan namin sa pinuntahan naming kwarto. Yung isa nakaupo lang sa tapat ng isang mesa. Yung isa naman, abalang-abala sa pagsisisiksik ng kung ano-anong gamit at kalat (kasama na siguro yung porn magazines pati mga condom) niya sa kung saan-saang sulok ng kwarto niya. Base sa deskripsyon sa akin ni Elene kanina tungkol kay Gray Escobero (oo, tinandaan ko na yung buong pangalan niya), nasiguro kong siya na yun: ubod ng tangkad at malaki ang pangangatawan. Pero ako? Ang first impression ko, mukha siyang yung delinquent type na mahilig makipagbasag-ulo. Yung basta-basta na lang nang-uupak ng sino mang mapagdiskitahan niya sa tabi-tabi.
In-anounce ni Elene ang pagdating namin. Naestatwa naman bigla si Gray sa kinaroroonan niya. Well, ba't kasi ang daming kalat sa kwarto niya? Dito naman umeksena yung isang lalaki (kaibigan siguro ni Gray) na nakaupo sa tabi ng mesa. Nagpaalam na aalis na. Wala naman akong pakialam kung trip nung umalis o ano pero parang nabigla si Elene dito.
Elene: "Huh? Aalis ka na?!"
Kaibigan ni Gray: (Napatingin sa kanya pero walang imik)
Gray: (Parang biglang na-disappoint dahil sa reaksyon ni Elene)
Elene: (Humarap kay Gray at pinakita ang dala) "Um, heto pala..."
Cheese cake yung dala ni Elene. Kinain namin yun pagkatapos akong ipakilala ni Elene sa dalawa bilang kaibigan niya at pinakilala din niya yung dalawa sa akin. Habang kumakain kami, nagdala naman ng maiinom yung nanay ni Gray sa kwarto niya. Dito nilinaw ni Elene na kaya ayaw sana niyang umalis si Sean (yung kaibigan ni Gray) kanina ay dahil naisip niya na mas maganda kung mas marami kaming kakain sa dala niyang cake. Mukha namang sarap na sarap dito si Gray o baka gutom na gutom lang. Paano ko nasabi? Tig-iisang slice lang kasi ang kinain naming tatlo. Samantalang siya, inubos niya lahat yung natitirang five slices. Hindi na nahiya.
Inobserbahan ko si Gray base sa itsura. To be honest? Hindi siya gwapo. Pero hindi rin siya pangit. Sakto lang. Moreno at medyo matangos ang ilong. Ubod ng tangkad at puro muscles ang pangangatawan. Sa kabuuan, mature at athletic siyang tingnan. May halong angas nga lang sa kilos at tindig. Mukha tuloy siyang gang leader. Sa kabilang banda, kabaligtaran naman yung kaibigan niya na si Sean. Si Sean yung tipong masasabi kong popular type o yung type na gustuhin lalo na ng mga babae. Matangkad, gwapo, maganda ang kutis at pangangatawan, at may dating. Artistahin. Poker-faced nga lang. Hindi ko alam kung anong klaseng kalokohan ang tumatakbo sa isip. Delikado.
Habang kinakain namin yung cake, nag-usap lang kami ng konti (well, sila lang talaga yung nag-usap). Pero pagkatapos nito, nagpaalam ulit itong si Sean na kailangan na daw talaga niyang umalis. Buti na lang at sinabi niya yun dahil nagpaalam na rin si Elene na aalis na rin kami. Honestly, nabobored na rin ako. Kaso dito ako may napansing kakaiba kay Gray. May iba kasi sa ekspresyon niya. Sa tingin ko ayaw niyang ipahalata, pero nakita ko ang kakaibang paraan ng pagtingin niya kay Elene. Parang disappointed ulit siya sa kung anong dahilan.
Hinatid kami ni Gray sa main door ng apartment nila, at bago kami umalis ay nagpaalam ulit si Elene sa kanya. Kaya pati ako, ganun na lang din ang ginawa ko.
Ako: "Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa kaibigan ko."
Gray: "Whoa! Nagsasalita ka?!"
Ako: "Gago. Malamang nagsasalita ako."
Gray: "Hindi ka kasi nagsasalita kanina."
Ako: "... Anyway, thanks ulit. Bye."
Hindi ko pa rin nakalimutan yung pangyayaring yun hanggang sa makababa kami sa train ni Elene. Inakala ba ng hinayupak na yun na pipi ako? 'Langya! Gusto ko tuloy balikan yung isang yun at suntukin sa mukha. Pero kung kelan naman nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nito, bigla na lang akong niyakap ni Elene. Sa harap pa talaga ng maraming tao. PDA!
Elene: "First time mo akong tawagin na kaibigan kanina. Ang saya-saya ko!"
Ako: (Lumayo sa kanya) "Ewan ko sa'yo. At lumayo ka nga sa 'kin. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao sa paligid oh." (Nauna nang maglakad paalis)
Elene: "Oh my God, V!"
Ako: (Lumingon) "Ano na naman?"
Elene: "Naiwan ko yung phone ko!"
Ako: "Naiwan mo o iniwan mo?"
Elene: (Yumuko lang)
Ako: "At sa kwarto pa talaga ni Gray?"
Elene: "..."
Ako: (Pinaningkitan siya ng mga mata) "Sigurado kang hindi mo sinadyang iwan yun dun?"
Elene: (Nakayuko pa rin)
Ako: (Bumuntong-hininga at binigay sa kanya yung phone ko) "Heto, tawagan mo na lang yung phone mo gamit 'yan. Gabi na, at mas lalo pa tayong gagabihin kung babalik pa tayo dun sa kanila."
Elene: (Ngumiti, nagpasalamat, at tinawagan nga yung phone niya na mukhang sinagot naman agad ni Gray)
Ako: (Noong napansing tapos nang makipag-usap si Elene kay Gray) "Ano raw?"
Elene: (Ngumiti ng malapad) "Magkikita na lang kami sa harap ng fountain sa Park para makuha ko yung phone ko. Bukas ng 3pm. Samahan mo ulit ako ha, kaibigan ko?"
Ako: (Napa-face palm na lang)
Hayan, nababasa niyo 'yan? Kaya ayaw kong magkaroon ng kaibigan eh.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...