CONTINUATION...
Papalayo na ako sa school gate nang may tokmol na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Abot-tenga yung ngiti niya tapos kumaway pa talaga siya sa tapat ng mukha ko.
Renzo: "Hi, V! Anong nangyayari dun?"
Ako: (Iniwasan siya at nagpatuloy sa paglalakad) "Wala. Confession lang ng taon."
Renzo: (Sumunod sa akin) "Ha? Ibig sabihin, yun yung boyfriend ni Elene? Pero akala ko ba sila na? Bakit ngayon lang yun magcoconfess?"
Ako: "May issue lang kasi sa pagitan nila na sa tingin ko naayos na nila."
Renzo: "Ah, ganun ba yun? Eh ikaw, saan ka na pupunta?"
Ako: "Uuwi."
Renzo: "Agad? Maaga pa ah."
Ako: "..."
Renzo: "Baka gusto mo akong samahan? Para hindi naman ako masyadong malungkot. Kahit tambay lang tayo diyan saglit sa Park oh. Sige na. Prize mo na lang sa akin kasi pumasok na ulit ako sa klase." (Humarang sa harap ko, pinagdaop yung dalawang palad saka ako tinitigan sa mga mata) "Please?"
Oo nga pala. Pumasok na rin ulit siya kanina sa school. Kaya yung tahimik na school days ko, umingay na. Bukod kasi sa seatmate ko siya, nakikisabay na ulit siya sa amin ni Elene tuwing recess at lunch. Pati tuloy sila Nathalie tinanong ako kung ayos na daw kami ni Renzo. Ang sabi ko naman, hindi naman kami nag-away at wala naman kaming dapat na pag-awayan kasi wala namang namamagitan sa amin. Pinaliwanag nila Nathalie na may mga narinig daw kasi sila na ngayong kasabay na daw ulit namin si Renzo, parang pinapatunayan lang daw namin yung tsismis dati na ako nga ang dahilan ng break-up nila ni Beatriz. Ang sabi ko naman ulit dito, wala akong pakialam sa iisipin ng iba kasi wala din akong pakialam sa kanila. Wala lang sila sa buhay ko, kumbaga hangin lang sila. Kaya bakit ko pagtutuunan ng pansin yung mga sasabihin nila kung wala naman akong ginagawang masama? Kung tutuusin, sila pa nga itong nakakaawa. Wala na ata talaga silang magawang matino sa buhay nila kaya pati buhay ng iba pinapakialaman na rin nila. 'Di ba nakakaawa sila? Ganun na ba kaboring at kawalang kwenta ang mga buhay nila para mangialam sila sa buhay ng iba?
Anyway, madadaanan lang din namin ni Renzo yung Park kaya pinagbigyan ko na lang siya. Tama din naman kasi siya na maaga pa. Ala-singko pa lang ng hapon. Ayos lang kahit na tumambay muna ako sa Park ng kahit thirty minutes lang. Ito namang si Renzo, tuwang-tuwa. Sa sobrang tuwa niya, nilibre pa niya ako ng ice-cream na nabili niya mula sa isang ice cream vendor na nandun. Kaso noong naghahanap na kami ng mauupuan, nakita ko na lang si Jane sa isang bench na hindi kalayuan sa amin na mag-isang nakaupo habang umiiyak. Si Renzo naman, iba ang nakita niya. Si Sean na paparating habang may bitbit na plastik. Dahil tokmol si Renzo, muntik na niyang tawagin si Sean na akala mo naman mag-bestfriend sila. Pero agad kong hinila si Renzo papunta sa likuran ng isang malaking puno na nasa bandang gilid. Paano naman kasi, hindi pa ako handang makaharap si Sean dahil dun sa nangyari sa boarding ko.
Renzo: "Bakit, anong meron? Bakit tayo nagtatago?"
Ako: "Sshh... 'Wag kang maingay."
Renzo: "Sige. Sabi mo eh." (Itinuloy ang pagkain ng ice cream)
Ako: (Sinilip sila Sean at Jane mula sa likuran ng puno at nakinig sa usapan nila)
Sean: (Nag-abot ng isang box ng tissue kay Jane) "Oh. Parang kailangan mo pa ng extra."
Jane: (Kinuha yung box) "Thank you."
Sean: (Naupo sa kabilang dulo ng bench)
Jane: (Tuloy pa rin sa pag-iyak at paggamit ng tissue) "Alam mo, Sean... Napakamaunawain mo. Sobrang nakakairita tuloy."
Sean: (Inabot yung isa bang box ng tissue na naka-plastic bag kay Jane)
Jane: "I mean, noong una ko siyang tinawag... *singhot* hindi niya alam na magcoconfess ako. Kaya paano ko naman sasabihin yung totoong nararamdaman ko sa kanya? At alam ko na may girlfriend siya... *singhot ulit* I mean, tingnan mo naman yung cellphone niya. Doon pa lang, halatang wala na akong pag-asa... *singhot na naman* Ang pathetic nung ginawa kong pagtatanong sa kanya kung pwede ko ba siyang tawagin na master. Ang gusto ko lang naman matawag ko rin siyang love o babe o hon o honey pie kasi ganun ko siya kagusto!" (Humagulgol ulit ng iyak)
Renzo: (Bumulong sa akin) "Hala, bakit siya nagwawala?"
Ako: "Sshh!"
Jane: "Magkano pala 'tong mga box ng tissue?"
Sean: "Ayos lang. Ang sakit sigurong masaktan ng ganyan, kaya hindi mo na kailangan pang alalahanin yung maliliit na bagay."
Jane: "Magkakagusto pa kaya ulit ako sa iba?"
Sean: "Oo naman."
Jane: "Kailan?"
Sean: "Hindi rin masyadong magtatagal."
Jane: "Sawa na ako sa ganito! Gusto ko ngayon na! Pero hindi ko pa kaya sa ngayon!"
Ako: "Tara na."
Renzo: "Hindi mo na sila pupuntahan?"
Ako: (Pasimple nang umalis mula sa pinagtataguan) "Hindi na."
Renzo: (Sumunod sa akin) "Bakit naman?"
Ako: "Kasi hindi na kailangan."
Renzo: "Bakit naman? Akala ko ba kaibigan ka nila?"
Ako: "Si Sean, oo. Si Jane, hindi."
Renzo: "Ahh. Kaya na ba tayo aalis kasi nagseselos ka kay Jane?"
Ako: (Poker-faced) "Ha-ha. Nakakatawa."
Renzo: "Kung ganun, hindi ka nagseselos?"
Ako: "..."
Renzo: "Silence means yes."
Ako: (Binilisan yung paglalakad) "Argh! Walang nagseselos, Renzo. Tumahimik ka na nga."
Renzo: (Binilisan din yung paglalakad) "Malay ko ba kasi kung may gusto ka dun."
Ako: (Napahinto sa paglalakad) "Kanino?"
Renzo: "Kay Jane."
Ako: "Bwisit ka."
Renzo: (Humagalpak ng tawa)
Sinabi ko ngang walang nagseselos. Pero noong nakita ko kung paano damayan ni Sean si Jane, medyo---medyo lang naman---nairita ako. Parang nainis na rin. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw kong may nakikitang ibang nilalapitang babae si Sean. Gusto ko ako lang. Lintik! Ang selfish at ang possessive pakinggan. Ano bang problema sa akin? Selos nga ba 'to? Siguro. Ganito rin naman yung naramdaman ko dati noong na-realize ko na meron na si Gray sa buhay ni Elene at na si Gray na ang aasahan ni Elene sa maraming bagay, hindi na ako. Kaya siguro, ganito lang din yung naramdaman ko noong nakita kong magkasama sila Jane at Sean sa Park. Kasi kaibigan rin ang turing ko kay Sean, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...