ENTRY 137: Naiinis ako!

302 4 0
                                    

CONTINUATION...

Hindi pa rin nawala sa isip ko yung mga sinabi ni Elene tungkol sa pagkakaibigan namin ni Sean hanggang sa makahanap kami ng pwedeng makainan na may pizza. Hindi rin ito nawala hanggang sa um-order na kami at nagsimulang kumain. Tama naman siya at gusto ko ring kausapin si Sean. Sobra. Pero parang bigla ko na lang nakalimutan kung paano ko siya lalapitan; kung paano ko siya kakausapin. Anong sasabihin ko? Kumusta na? Pwede rin. Pero hindi interesting yung tanong. Boring. Kaya nanahimik na lang ako hanggang sa matapos kaming kumain. Noong tinanong nila kung bakit daw ang tahimik ko, sinabi ko na lang na nasasarapan kasi ako sa pizza. Noong tinanong naman nila kung bakit ang extra tahimik ko, sinabi ko na lang na extra sa sarap din kasi yung pizza.

Pero ang totoo, ayaw ko lang talagang makitang magkausap sila Catharina at Sean na para bang close na close na sila. Ayaw ko yung makita kasi naiinggit ako. Nagseselos. Naiinis. Naiiyak. Buti na nga lang at napigilan ko yung pagpatak ng mga luha ko hanggang sa oras na para umuwi at maghiwa-hiwalay kami ng mga daan. As usual, si Gray ang maghahatid kay Elene pauwi. Pero itong nangyaring ganito, hindi usual.

Catharina: "Sasabay na rin ako kila Gray at Elene. Pareho lang kasi kami ng direksyon na pupuntahan."

Sean/Renzo: "Ihahatid ko na si Verena/V." (Nagkatinginan yung dalawa)

Gray: (Pabulong) "Awkward."

Elene: "Um, Renzo. Sabay ka na lang sa amin. May itatanong din kasi ako sa 'yo tungkol sa... group assignment natin. Pag-usapan na lang natin habang naglalakad tayo pauwi."

Renzo: (Medyo na-disappoint pero ngumiti pa rin) "Ganun ba? Sige." (Humarap sa akin at ginulo yung buhok ko) "Ingat sa pag-uwi, V. Salamat sa araw na 'to. Sa uulitin!" (Kumindat)

Ako: (Ngumiti) "Sige, ingat din."

Renzo: (Tumingin kay Sean) "Paano ba 'yan, 'tol? Ikaw na ang bahala sa V natin... I mean, V nating lahat."

Sean: "Oo, walang problema."

Aaaaat... Naghiwa-hiwalay na nga kami ng mga daan. Tahimik lang kaming naglalakad ni Sean noong una. Kinakabahan kasi ako. Kinakabahan na kinikilig. Parang sobrang tagal na ng nagkasama kami ng ganito. Bakit ba kasi siya nag-volunteer na ihatid ako? May feelings man o wala, nakakakilig pa rin yung gesture na 'to, lalo na kung nagmula yun sa taong gusto mo. Mula sa peripheral view ko, tinitigan ko si Sean habang naglalakad kami. Yung haba ng mga pilik-mata niya. Yung tangos ng ilong niya. Yung pagkapula ng mga labi niya. Yung ganda ng kutis niya. Kahit nga yung buhok niya medyo humaba na. Pero mas lalo namang bumagay sa kanya. At dahil sa katititig ko sa kanya ng ganito, hindi ko na tuloy napansin na may sinabi na pala siya.

Ako: "Huh? Ano ulit yun?"

Sean: "Bakit hindi ka na pumupunta sa tambayan nitong nakaraang linggo?"

Ako: "Wala lang. Busy."

Sean: (Sa daan lang nakatingin) "... Busy."

Ako: "Except kanina. Nauna na kasi akong inaya ni Renzo bago pa ako ayain ni Elene kaya hindi na ako nakasama sa inyo." (Iniba yung topic) "Eh kayo, kumusta na kayo nila Catharina? Balita ko madalas na rin siyang sumasama sa grupo."

Sean: "Oo, madalas na nga."

Ako: (Pilit na ngumiti) "Eh di maganda. At least meron na siya sa grupo. Ang cute niyo nga na apat eh. Para kayong nagdo-double date. Kaya kahit na wala ako, at least alam kong nag-eenjoy kayo."

Sean: (Napahinto sa paglalakad saka ako tiningnan)

Ako: (Huminto rin) "Bakit?"

Sean: "Iniisip mo ba talagang nag-eenjoy kami na wala ka?"

Ako: (Umiwas ng tingin) "Oo. Siguro. Medyo." (Bumuntong-hininga) "Basta."

Sean: (Saglit na natahimik) "... Verena, nagseselos ka ba kay Catharina?"

Ako: (Natigilan) "Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Sean: (Nagkibit-balikat) "Baka kasi iniisip mo na may pumalit na sa 'yo sa grupo."

Ako: (Napasimangot) "Ang babaw naman niyan. Kung iiwas man ako, siguradong may mas malalim pa akong dahilan para gawin yun. Tara na. Gusto ko ng umuwi."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita nun at nauna ng naglakad. Pagkarating namin sa tapat ng boarding house ko, nagpasalamat lang ako sa paghahatid niya sa akin at agad ng pumasok sa loob. Naiinis ako. Naiinis ako kasi akala ko nahulaan na niya kung bakit ako umiiwas. Naiinis ako kasi gusto kong mabasa niya yung iniisip ko. Naiinis ako kasi gusto kong malaman niya yung totoong nararamdaman ko ng hindi ko sinasabi sa kanya. At higit sa lahat, naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko namang hindi siya mind-reader para magawa ang gusto ko. Imposibleng mangyari yung mga gusto ko ng hindi ako nakikipag-usap sa kanya ng maayos at ng hindi sinasabi sa kanya ng deretso ang nararamdaman ko. Pero ang problema, hindi ko naman yun magawa. Kaya naiinis ako!

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon