Bumisita kahapon sa boarding house ko si Elene. Ang dami niyang dalang scones. Tatlong malalaking paper bags. Balak niya ata akong gawing baboy. Biro lang.
Kaso hindi ko kasi yun kayang ubusin dahil mag-isa ko lang namang nakatira sa boarding house, kaya ibinigay ko na lang yung iba kay Sean kanina. Kay Sean ko binigay kasi wala pa si Gray nung dumeretso ako sa apartment nila---nasa basketball practice pa yata---kaya kila Sean na ako pumunta. At sa kauna-unahang pagkakataon, doon lang talaga kami nakapag-usap ng masinsinan ni Sean, na-realize ko lang kaninang nakauwi na ako.
Ganito kasi ang nangyari. Hindi na ako pumasok sa apartment nila Sean kaya siya na lang ang lumabas para kunin yung mga ibibigay ko.
Sean: "Bakit? Ano 'yang mga 'yan?"
Ako: "Scones. Gawa ni Elene. Na-realize daw kasi niya na naparami yung gawa niya noong iniisip niya si Gray. Hindi ko naman 'to kayang ubusin ng mag-isa at sayang din naman kung itatapon ko lang kaya ibibigay ko na lang sa'yo 'tong iba." (Binigay yung dalawang paper bags na kinuha naman ni Sean) "Pasensiya na raw kung parang leftovers ang dating ng mga 'yan---well, leftovers talaga 'yang mga 'yan---pero yun yung sinabi niya sa akin."
Sean: "Bakit hindi na lang niya binigay lahat kay Gray? Hindi naman problema sa kanya kung kakainin niya lahat 'to."
Ako: (Medyo nag-alinlangan) "Well, 'yan din actually yung sinabi ko kay Elene pero... sabi niya hindi daw kasi niya alam kung gusto pa rin daw siya ni Gray."
Sean: "Imposible 'yan."
Ako: "Ewan ko rin ba. Pero sinabi daw kasi sa kanya ni Gray na 'wag daw muna siyang bibisita. After ata yun nung pumuslit kami sa school niyo. Inabangan pa kasi ni Elene nun si Gray pagkatapos ng practice nila ng hindi na ako kasama. Siguro daw kasi masyado niyang pinangunahan yung sarili niya at nagpakita kay Gray na may dala-dalang pagkain. Baka daw sumobra na yung ginawa niyang yun."
Sean: "Nope. Sa tingin ko misunderstanding lang yun at masyado lang siyang nag-isip. Hindi naman si Gray yung klase ng tao na magagalit nang dahil lang sa ganung bagay."
Ako: "Dapat pala sinama ko si Elene dito noh? Mas alam mo kasi yung sasabihin mo. At saka mas kilala mo rin si Gray."
Sean: "Sabihin mo na lang sa kanya na hindi na niya kailangang mag-alala masyado tungkol sa ganung bagay."
Dito ko lang aaminin, namangha ako rito kay Sean. Na-appreciate ko rin ng sobra yung mga binitiwan niyang salita. Para kasing ang understanding at ang open-minded niya. Andun din yung sign ng maturity. Hindi ako masyadong nakiki-interact sa iba pero alam kong bihira lang ang ganitong klase ng mga tao. Tuloy, hindi ko naiwasang mag-open up sa kanya ng kaunti.
Ako: (Humarap sa railing kung saan kita yung mga may ilaw na mga gusali) "First time ma-in love ng ganito ni Elene. Dati kasi, puro hanggang crush lang siya, pero ngayon talagang nagka-boyfriend na. Madalas si Gray ang bukambibig niya, at madalas sa akin siya lumalapit para magsabi ng saloobin niya o humingi ng advice tungkol sa mga bagay-bagay. Pero sa totoo lang, minsan hindi ko alam ang sasabihin sa kanya lalo na kung tungkol sa lovelife ang usapan. I mean, ano namang sasabihin ko sa bagay na hindi ko pa naman nararanasan? Sakit nga sa ulo eh. Pero ginagawa ko na lang yung makakaya ko para ibigay sa kanya yung pinakamagandang advice na alam ko. Siya kasi yung pinakaunang kaibigan ko. Balak ko nga dati 'wag nang makipagkaibigan sa kahit na kanino. Kung kailangan ko mang maki-interact sa iba, hanggang casual conversation lang. Pero simula nang naging kaibigan ko si Elene, na-realize ko kung gaano ka-boring ang buhay kapag hindi ko siya nakilala at naging kaibigan."
Ito na yata ang pinakamahabang mga salitang binitiwan ko sa buong-buhay ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit kay Sean ko sinabi 'tong mga 'to.
Sean: "Ako, si Gray naman ang pinakaunang naging kaibigan ko."
Ako: "Three years old pa lang daw ata kayo noong nagkakilala kayo, 'di ba?"
Sean: "Oo. Halos thirteen years na kaming magkaibigan pero hanggang ngayon hindi pa naman ako nagsasawa sa kanya."
Ako: (Natawa) "Maganda 'yan. Kung ganun, baka habang-buhay na hindi magsasawa sa kanya si Elene."
Sean: "Baka ganun din si Gray sa kanya."
Ako: "So, in short, baka sila na nga talaga ang para sa isa't isa... Eh ikaw, nagka-girlfriend ka na?"
Sean: "Hindi pa."
Ako: "Weh, 'di nga? Ilang taon ka na ba?"
Sean: "Seventeen."
Ako: "Sa panahon ngayon, kahit elementary students pa lang nagkaka-lovelife na. Ang babata. Pero base sa kwento ni Gray kay Elene na kinwento sa akin ni Elene, noon pa lang naman daw sikat ka na daw sa mga babae. So, nagtataka lang ako, bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend?"
Sean: "Sino namang lalaki ang gugustuhing magkipagrelasyon sa mga babaeng kung ano-ano ang sinasabi tungkol sa kaibigan niya?"
Ako: "... Anong ibig mong sabihin?"
Sean: "Kung ano-anong sinasabi nila tungkol kay Gray kapag nakatalikod siya. Kaya bakit ko papatulan ang mga tulad nila?"
Ako: "Oh..."
One time, may naikwento sa akin si Gray dati na palagi daw ni-rereject ni Sean yung mga babaeng nagcoconfess sa kanya. Hindi din daw niya alam kung bakit. Pero ngayon, alam ko na ang sagot.
Ako: "Pero alam mo, may mga lalaking papatol sa ganyang klase ng mga babae, yung mga desperado at hindi totoong kaibigan."
Online Diary, I have a confession to make. Hindi ako mabuting tao, alam ko. Minsan masyado akong judgmental. Minsan gene-generalize ko ang lahat ng tao. Tulad na lang ng gwapong mga lalaki. Kadalasan, hindi ko sila gusto. Sa halos lahat kasi ng naoobserbahan ko sa kanila, mayayabang sila. May maipagmamayabang naman sila dahil gwapo nga naman sila pero sila kasi kadalasan yung matataas ang tingin sa sarili. Dahil alam nilang gwapo sila, ang aarte din nilang pumili ng babae. Kailangan maganda rin, kailangan sikat din. Kahit na yung ugali naman, nilalangaw na sa sobrang kabulukan. Kaya reject lang sila nang reject hangga't hindi pumapasa sa standards nila ang isang babae. O minsan, papatulan lang nila yung isang babae dahil alam nilang magiging useful sa kanila. Kunwari, taga-gawa ng assigments o mayaman kaya pwedeng mahuthutan.
Pero itong araw na ito, pinatunayan sa akin ni Sean na hindi lahat sila ay ganun. Itong araw na 'to, pinatunayan niya sa akin na pwede rin palang magsama ang kagwapuhan at kabutihan ng kalooban sa iisang pagkatao lang. At itong araw na 'to at sa mga susunod pa, alam ko sa sarili ko na mas nirerespeto ko na siya.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...