ENTRY 58: Meet the epal

413 8 0
                                    

Buti na lang!

Buti na lang talaga at nakapaglinis na ako sa buong boarding bago dumating sila Elene at Sean. Ang galing din kasi ng dalawang 'to eh. Pupunta na lang bigla sa boarding ko ng walang paalam. Mag-aaya lang naman palang lumabas. Bisitahin daw namin si Gray sa part-job nito sa Machos Brotherhood Cafe and Restaurant. Hindi ko naman na sila tinatanggihan ngayon kapag inaaya nila ako. Kaya pwede namang i-inform na lang nila ako through text, 'di ba? Kaso napansin ko lang din na madalas na akong napapagastos dahil sa kaaaya ng mga 'tong pumunta sa kung saan-saan. Bakasyon pa man din kaya wala akong allowance. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw ko ng mga kaibigan dati eh. Masakit sa bulsa.

Pero masakit man sa bulsa, sumama pa rin ako kila Elene at Sean papunta sa work place ni Gray. At tulad nga ng initial impression ko sa trabaho nito, classy itong tingnan. Maaliwalas tingnan yung lugar at semi-formal yung suot na uniform ni Gray. Mukhang nagulat siya sa biglaang pagbisita namin noong una, pero mukhang natuwa din siya sa huli. Siya pa kasi yung umasikaso at kumuha sa order namin. May nakita namang protein tea sa menu si Elene. Hindi ko alam kung anong klaseng inumin yun pero mukhang pampataba yata. Nagtataka raw kasi si Elene kung tataba raw ba siya kapag ito yung ininom niya. Kung nagkataon daw kasi baka kaya na niyang bumati ng walong egg whites sa loob lang ng isang minuto. Dito na rin niya tinanong si Gray kung magugustuhan pa rin daw ba siya nito kung sakaling tumaba nga daw siya. At seryoso naman itong sinagot ni Gray ng 'oo, magugustuhan pa rin daw siya nito.' Nag-iba na yung atmosphere sa paligid matapos nun. Naging full of love o kung ano mang ka-echosan yun. Sinira namin 'to ni Sean nang um-order siya ng orange juice, at cinnamon coffee naman sa akin. Kay Elene, milk tea na iced naman yung sa kanya.

Habang hinihintay namin yung pagbabalik ni Gray dala yung mga order namin, isang lalaki na lang ang biglang naupo sa tabi ni Sean na nasa tapat ko naman. May itsura naman yung lalaki, actually. Pero kung makapagsalita akala mo naman kakilala namin siya.

Lalaking may piercing sa tenga: "Pinakiusapan ng manager nitong cafe and restaurant ang lalaking yun na 'wag daw mag-quit sa part time job niya, kaya nagtratrabaho lang siya kapag may oras siya. Balita ko marami raw siyang mga tagahanga."

Obviously, si Gray ang tinutukoy ng epal na 'to. Kahit na hindi kasi gwapo si Gray, for some reason malakas yung appeal niya sa iba. Perfect example sila Elene at Amber dito.

Lalaking may piercing sa tenga: (Tingin kay Sean) "Ikaw ba si Gray Escobero?"

Sean: "At sino ka naman?"

Lalaking may piercing sa tenga: "Hmm.. Naiintindihan ko na. Gwapo ka. Maiintindihan ko siguro yun. Pero... ako pa rin ang panalo."

Gray: (Bumalik na dala yung mga order namin) "Ako si Gray Escobero."

Lalaking may piercing sa tenga: (Napatingala sa kanya at nagulat) "Ano? Ikaw yun?!"

Gray: "Kaibigan ko yan, si Sean Villareal."

Lalaking may piercing sa tenga: (Tingin ulit kay Sean) "Huh?! Villareal apelyido mo?" (Tingin kay Gray) "At ikaw si Gray?"

Gray: "Oo."

Lalaking may piercing sa tenga: "Escobero? Yung high-schooler?"

Gray: "Tama."

Lalaking may piercing sa tenga: "Gray Escobero?!"

Gray: (Sinamaan ng tingin yung lalaki) "Oo nga. Ako si Gray Escobero. Anong kailangan mo?"

Lalaking may piercing sa tenga: "Ah... Um. Wala naman akong balak manggulo. Heto, ito yung i.d. ko."

Gray: (Tiningnan yung i.d.) "Far City University? Harvey Oliveros?"

Sean: "Yun yung university na pinapasukan ng ate ko."

Lalaking may piercing sa tenga: "Huh? Ate mo?"

Bago pa tuluyang sumakit yung ulo ko sa lalaking gwapo sana kung hindi lang epal at magulong kausap, sakto namang may babaeng pumasok sa cafe and restaurant at dumeretso sa table namin. And guess what? Si Amber na hingal na hingal, napaghahalatang tumakbo pa talaga. Binati siya nila Elene at Gray nang mapansin nila siya. Samantalang ako tinanong ko naman kung anong nangyari sa kanya. Bilang sagot, binati lang din niya kami, humingi ng paumanhin kay Gray, nagpaalam, saka kinaladkad si Harvey palabas ng cafe and restaurant.

Hayun, parang may hangin lang na dumaan. Parang utot lang. May malakas na pasabog tapos maya-maya, wala na. Kaya kaming apat nganga lang sa mga nangyari hanggang sa unti-unti kaming naka-recover.

Gray: "Kung ganun kaibigan niya pala yun."

Elene: "Ibig sabihin, nandito ngayon si ate Amber?"

Ako: "Hindi, Elene. Wala siya. Imagination mo lang yung nakita mo kanina."

Sean: "Sinabi nga pala niya na uuwi raw siya rito para magbakasyon."

And that explains some of it. Pero ang gulo pa rin. Ano naman kaya ang problema ng Harvey na yun at pumunta pa talaga sa workplace ni Gray para lang hanapin ito? May something fishy tuloy akong naamoy na nangyayari rito. Hmm...

P.S.

Aaaaarrrghhh!!! Akala ko makakapagpahinga na ako. Pero tinawagan ako ni Amber. Sabi niya on the way na raw siya papunta rito sa boarding. Hindi ko alam kung bakit. Baka trip na namang manggulo. Tataguan ko nga sana eh, pero hassle lang.

Ano na naman ba kasi kaya ang trip ng isang yun?

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon