ENTRY 78: Hindi sinasadya o sinasadya talaga?

382 5 0
                                    

Sunod-sunod ang mga nangyaring aksidente sa akin sa araw na 'to. Well, aksidente nga ba o sinasadya talaga?

STRIKE 1

Umaga pa lang ng magsimula na ito. Kapapasok ko pa lang sa gate nun ng biglang may pumatid sa akin. Napatid din naman ako. Pero buti na lang at mabilis ko pa ring nabawi ang balanse ko sa katawan. Kaya sa halip na sumubsob ako, ligtas ko pa ring naihakbang yung paa ko sa daan. Doon ko nilingon yung dahilan kung bakit ako napatid. Nakaharang kasi yung paa niya sa daan. Sinasadya man o hindi, nakaharang pa rin.

"Ahy, sorry. Hindi kita napansin," sabi nung babae. Pero yung sorry niya labas sa ilong. At yung mga kasama naman niya nagsitawanan.

Kilalang-kilala ko kung sino silang apat. Hindi ko man alam yung pangalan ng tatlo, alam ko naman yung pangalan ng babaeng masama ang tingin sa akin. Pinagmasdan ko lang din sila saglit. Wala akong ebidensiya kung sinasadya yung gawin ng kaibigan ni Beatriz. Pero may ebidensiya man o wala, kapag pinatulan ko sila, ako pa rin ang talo. Kaya dineadma ko na lang sila. Kaso noong saktong pagtalikod ko at naglakad na ako paalis, may narinig akong nagsabi ng, "Mang-aagaw!"

STRIKE 2

Nangyari naman yung sumunod na 'aksidente' noong recess. As usual, kami ni Elene yung magkasama nun at kalalabas lang namin sa canteen. Habang nag-uusap kami, bigla na lang may bumangga sa balikat ko. Muntik pa kong mapa-aray dahil sa lakas nun. At nang tingnan ko kung sino yun, sinabi niyang, "Oops, sorry. Paharang-harang ka kasi." Isa na naman sa mga kaibigan ni Beatriz yung babae.

Katulad ng inaasahan, nagsalita din ulit dito si Beatriz. Pero sa pagkakataong 'to, yung kaibigan muna niyang bumangga sa akin ang unang kinausap niya, "Hala, ingat ka. Baka mahawaan ng pagiging," saka siya tumingin sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "...SULUTERA ng isa diyan."

Pagkaalis nila, tinanong agad ako ni Elene kung ayos lang ako. Na nakangiti ko namang sinagot ng, "kailan pa ba ako nagpatalo sa mga tulad nila?"

Obviously, hindi nila kayang makipagsagutan sa akin kaya ang sunod nilang ginawa ay ang siraan ako. Pero dahil hindi rin umobra ang mga tsismis nila tungkol sa akin dahil hindi ako nagpaapekto at marami ring nakakaalam sa tunay na kwento, mukhang pisikalan naman ang napili nilang gawin ngayon.

STRIKE 3

Nangyari na yung dalawang pamimisikal nila kaninang umaga at kaninang recess. Nangyari naman yung pangatlo bago mag-lunch.

Katatapos lang ng History class namin nun kung saan paborito ko yung teacher, si sir Reyes. Matanda na siya, pero magaling siyang magturo. And for the first time, hindi ako naboboring sa history class namin. Kung magturo kasi siya, nirerelate niya sa modern day situations na sinasamahan din niya paminsan-minsan ng pagpapatawa. Minsan corny yung jokes pero, at least, hindi boring yung klase at may natututunan din ako.

Anyway, hinabol ko kasi si sir Reyes nun para may linawin tungkol sa topic namin kanina na nakalimutan kong itanong bago siya umalis sa klase. Naabutan ko siyang patawid na sa quadrangle at papunta sa faculty office nila. Gumilid muna kami habang nag-uusap, at dahil nakikinig akong mabuti sa pagsagot niya sa tanong ko, hindi ko na lang napansin yung bola ng volleyball na biglang tumama sa akin. Sapul ako sa mukha. Medyo nahilo ako dahil dito at sumakit din yung ilong ko pero hindi naman dumugo. Isang babae ang lumapit sa akin at nagpaumanhin. Isang babae na isa ulit sa mga kaibigan ni Beatriz. At kahit pa genuine ang pagsasabi niya ng sorry, sa tingin ba niya maniniwala pa rin ako sa kanya?

May mga nakakita sa pagtama ng bola sa mukha ko kanina. Paano ko nalaman? Lunch pa rin nun pero malapit ng mag-time nang pumasok sa classroom si Renzo, deretsong pumunta sa kinaroroonan ko, at saka naupo sa tabi ko dahil seatmate ko siya.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon