Nang magsimula yung surgery ng dad ni Sean kanina, naghintay lang kaming dalawa sa labas ng operating room. Nakayuko lang siya habang nakaupo. Ako naman hindi alam ang gagawin bilang kaibigan niya, kaya nanahimik lang ako sa tabi niya. Hanggang sa bigla na lang siyang nagsalita. At hinding-hindi ko 'to makakalimutan dahil for the first time, nag-open up siya sa akin.
Sean: "Noon pa lang, mahina na talaga ang puso ni dad. Kaya noong malapit na kaming ipanganak ni ate, sobra siyang nag-alala. Pero sinabi sa 'min ni mom na noong nalaman niyang malulusog kami, naiyak siya sa sobrang saya. Simula nun, ini-spoil kami ng sobra ni dad. Pagdating sa kanya wala kaming nagagawang mali. Hindi ko rin siya nakitang nagalit ni minsan. Ang totoo niyan, ito na ang second surgery niya. And to be honest, it isn't looking good. Noong araw na nag-collapse siya, nagbabakasyon nun sa malayong lugar sila mom at ate, kaya kaming dalawa lang yung nasa bahay. Dumaan ako sa bookstore at music store nun habang pauwi galing sa school." (Nagsimulang manginig ang mga kamay) "Pero pagdating ko nadatnan ko na lang siya sa sahig, nag-iisa. Ni hindi ko alam kung kailan yun nangyari. Kung... Kung umuwi lang sana ako ng mas maaga. Kung hindi sana ako kung saan-saan pumunta nun, hindi siguro sana umabot sa ganito... Kasalanan ko."
Ako: "Ikaw lang ang nag-iisip niyan."
Sean: "... Ako lang ba?"
Ako: "Oo naman, ikaw lang. Si Amber, yung mom mo, at yung dad mo, siguradong hindi nila iniisip ang ganyan. Pati rin ako. Sige, sabihin na nating matagal na yang kondisyon ng dad mo kaya dapat handa kayo ano mang oras sa pwedeng mangyari sa kanya. Pero kahit naman na sino walang makapagsasabi ng eksaktong oras at araw kung kelan mag-cocollapse ng ganun ang dad mo. Isa pa, wala ni isa sa atin ang ginustong mangyari yun sa kanya, lalo ka na. Kaya 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari."
Kung hindi ko inaasahan ang pag-oopen up niya sa akin, mas lalong hindi ko inaasahan ang nakita kong pagpatak ng mga luha niya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. I mean, kahit papaano may kung ano rin sa loob ko na masaya kasi ibig sabihin ganito siya ka-open sa akin para ipakita ang kahinaan niya lalo na at lalaki pa siya. Pero seriously, hahaplusin ko ba yung likod niya, tatapikin yung balikat niya, o wala lang akong gagawin at hahayaan lang siya? Kadalasan yung last option ang ginagawa ko kay Elene, lalo na kung wala naman akong masugod na umaway sa kanya. Pero iba ang sitwasyon ni Sean. Kaya iba rin ang ginawa ko sa kanya.
Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan niya. Saka ko siya marahang niyakap. Medyo matagal-tagal na rin noong may huli akong niyakap, kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng awkwardness. Pero dahil mukhang ayos lang naman kay Sean, hinayaan ko na lang. Saglit lang naman din yun dahil hindi naman masyadong umiyak si Sean. Mabuti na nga lang din dahil hindi ako yung tipo ng taong mahilig magpakita ng ganung klase ng affection.
Nang matapos yung surgery, lumabas agad yung doctor mula sa operating room ang at kung ano-anong medical jargons ang pinagsasasabi. Nganga. Wala akong naintindihan ni isa. Kaya pinrangka ko siya na sabihin na lang kasi ng deretsahan kung successful ba yung operation o hindi. At doon nga namin nalaman ni Sean yung resulta...
Successful daw yung operation.
Dito na rin saktong dumating si Amber kasama yung mom nila. Halata ngang galing sila sa bakasyon. May dala-dala pa kasi silang souvernirs kasama nung mga maleta nila at nakasuot din sila ng bulaklaking beach attire. Tapos may suot din silang mga bulaklak na ginawang kwintas at korona. Para galing sila sa Hawaii. At sa sobrang pagmamadali at pag-aalala nila, nakalimutan na nilang ayusin yung mga sarili nila. Agad na tumakbo si Amber papunta kay Sean, ilang beses na humingi ng paumanhin, at naiyak pa dahil mag-isa lang daw tuloy na hinarap ni Sean ang lahat. In-assure siya ni Sean na ayos lang ang lahat maging ang naging operasyon ng dad nila. Doon naman ako napansin ni Amber. Niyakap niya ako at sa hindi malamang dahilan, parang masyado ata siyang tuwang-tuwa na nandun ako. Siguro natutuwa lang siya dahil hindi ko hinayaang mag-isa yung kapatid niya. Anyway, sinabihan niya kami ni Sean nun na umuwi na, at sila na ng mom nila ang bahalang mag-aasikaso sa iba pa.
Palabas na kami ni Sean sa hospital nun nang makita na lang namin sa main hall sila Gray at Elene na magkatabing nakaupo. Mukhang sinabi din lang ni Gray kay Elene sa huli kung ano ang sitwasyon. Sabi nila sinunod at in-enjoy pa rin naman daw nila yung karamihan sa plano para sa birthday ni Elene. Pero nung nandun na daw sila sa may planetarium, hindi na daw nila maiwasang mag-alala kaya naisipan nilang sa hospital na lang pumunta. Ganun pa man, nagpasalamat pa rin si Elene ng sobra sa amin dahil alam daw niyang talagang pinaghirapan naming planuhin yung gagawing activities nila ni Gray sa birthday niya, kaya masayang-masaya pa rin daw siya at ito daw ang best birthday ever niya. Actually, may kasama pang tears of joy habang sinasabi niya 'tong mga 'to. Kaya ang resulta ng araw na 'to sa huli...
Happy ending.
P.S.
Sabay na umuwi sila Gray at Sean, samantalang sabay naman kami ni Elene. At habang naglalakad kami pauwi, may kinwento siya sa aking hindi ko matanggap. Sabi niya sa operating room daw talaga sila dumeretso ni Gray kanina. Kaso nadatnan daw nilang magkayakap kami ni Sean kaya hindi na raw sila tumuloy. Shet nga eh. Bwisit. At saka nakayakap ba sa akin si Sean nun? Parang wala naman akong maalala na niyakap niya ako. Exaggerated lang yatang magkwento 'tong Elene na 'to. Hindi nga niya ako tinigilan hanggang sa maghiwalay na talaga kami ng daan eh. Kilig na kilig pa siya. Sabi niya bagay daw kami ni Sean. Malala na ngay talaga yung saltik ni Elene. Kaya hindi ko matanggap na nakita nila kami ni Sean sa ganong posisyon eh. Nakakahiya kaya!
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Chick-LitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...