ENTRY 155: Bowling day!

322 5 0
                                    

I looooooooove bowling!!! Hahaha!!!

Wala lang. Natutuwa lang ako sa bowling. Masayang laruin. Na-challenge lang siguro ako dahil kay Gray. Hinati kasi namin yung grupo namin. Boys versus girls. Infairness, magaling sila Sean at Carlos sa bowling. Pero kung sila magaling, halimaw naman si Gray sa galing. Noong nalalamangan na ng grupo nila yung grupo namin, hindi ko tuloy alam kung doon ko ibabato sa alley yung bola para patumbahin yung triangular group ng ten pins o kung doon na lang sa mukha ni Gray para hindi sila tuluyang makalamang.

Pero sa huli, tie lang din naman yung score. Salamat sa pagpapa-cute ni Nathalie sa jowa niyang si Kevin para hindi nito masyadong galingan. Salamat din sa todo effort ni Tanya kahit na first time lang daw niyang nasubukang mag-bowling. At salamat din sa pagiging competitive ko dahil ayaw ko lang talagang magpatalo. Mas gugustuhin ko na lang maging tie ang score namin kesa tuluyang matalo talaga kami. At ang maganda pa rito, wala talagang samaan ng loob dahil walang talo at walang panalo. Hehe.

Kaaalis namin sa Bowling Center nang mapag-usapan naman namin ang tungkol sa resulta ng college entrance exams na kahapon lang nilabas. Sa kabutihang palad, nakatanggap kami nila Gray at Sean ng mga sulat galing sa Oxgon College kaninang umaga para ipaalam mismo sa amin ang pagkakapasa namin dito. Yun nga lang, hindi raw nakapasa sila Nathalie at Tanya sa Oxgon College kaya doon na lang daw sila mag-aaral sa second choice nilang school kung saan sila nakapasa. Si Carlos naman, hindi siya nag-take ng entrance exam sa Oxgon College dahil hindi raw siya dito mag-aaral. Samantalang si Kevin, naipasa naman daw niya kaso gusto raw niyang makasama si Nathalie kaya doon na lang din daw siya sa kung saan man ito mag-aaral. Eh di wow. Relationship goals.

Nathalie: "Eh si Elene kaya?"

Ako: "Nakapasa rin daw siya sa Oxgon. Yun ang sabi niya kaninang tinawagan niya ako."

Kevin: "Nakakapanibago pa rin talagang hindi natin kasama ngayon si Elene."

Nathalie: "Oo nga eh."

Gray: (Napahinto sa paglalakad saka yumuko)

Kami: (Nagtaka kaya napahinto rin sa paglalakad)

Gray: "... Sa tingin niyo ba okay lang na naging kami ni Elene? Baka kasi may mas bagay na ibang lalaki sa kanya kesa sa akin. Siguro wala lang siyang gaanong kakilala."

Nathalie: "Siyempre naman, okay lang! At saka ano naman ang ibig mong sabihin na wala siyang gaanong kakilala? Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya sa school namin, yung iba gwapo, matalino, at sikat pa. Pero wala siyang natipuhan ni isa sa kanila. Kaya alam niya ang ginagawa niya." (Tumingin sa amin ni Tanya) "'Di ba?"

Tanya: (Tumango) "Oo nga."

Ako: (Bumuntong-hininga) "Ganito kasi 'yan, Gray. Ano naman ngayon kung may mas bagay nga sa kanyang ibang lalaki diyan kesa sa 'yo? Ano naman ngayon kung mas okay yung isa kesa sa 'yo? Ikaw ang pinili ni Elene eh. Eh ikaw, ano rin ba ang mas pipiliin mo, si Elene o 'yang insecurities mo?"

Gray: (Napaisip) "Ayaw ko siyang mawala sa akin."

Ako: (Ngumiti) "Yun naman pala eh."

Kevin: (Ngiting-ngiti na tinapik-tapik sa balikat si Gray) "'Yan tayo eh! True love!"

Sean: (Nakangiting hinawakan yung kamay ko) "Nice."

Ako: (Marahan na pinisil pabalik yung kamay niya)

Tanya: "Kayo na ba?"

Ako at si Sean: "Hindi."

Carlos: "Sa lagkit ng pagtitinginan niyong 'yan na may kasama pang hawak-kamay, hindi pa rin kayo? Ayos ah."

Kevin: "Basta ang mahalaga kasi true love, mga pards, true love."

Anyway, nauna nang nagpaalam si Gray na umalis nun kesa sa amin. May iba pa raw kasi siyang pupuntahan. Kahit papaano, mukha namang gumaan na ang awra niya. Sana nga at nahanap na niya ang resolve niya.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon