Tulad ng inaasahan, pagkarating na pagkarating ko pa lang sa classroom, binati na agad ako ni Renzo saka niya tinanong sa harap ng mismong buong klase kung bakit hindi raw ako nagrereply o sinasagot ang mga tawag niya kagabi. Siyempre, tuksuhan na naman 'to. Pero dineadma ko lang sila saka ko na lang sinabi kay Renzo na wala akong load at tulog na ako nun kahit na hindi naman totoo. Kung yung about naman sa pagrereport ang pag-uusapan, sinabi ko sa kanya na gawin na lang namin ito sa school kapag free time namin para wala na kaming masyadong gagawin pa pag-uwi namin sa mga bahay namin. Buti na lang at pumayag siya.
P.S.
Pumayag nga. Kaso hindi pa rin tumigil sa pagtetext sa 'kin noong nakauwi na ako. Tss.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...