ENTRY 39: Ba't kaya hindi ko siya ma-contact?

478 7 0
                                    

Katatawag lang ng momma ni Elene. Hinahanap siya sa akin. At what the f lang dahil pati ako nabigla rito. Sunday kasi ngayon. Kaya yung mag-jowa, nagset ng picnic date. Pero dapat kaninang umaga pa yun. Kaya bakit hindi pa nakakauwi si Elene sa kanila? Tuloy, kailangan ko pang magpalusot sa momma niya. Sinabi ko na lang na nandito siya ngayon sa boarding house. At nung nag-request na kakausapin daw si Elene, sinabi ko naman na naliligo pa. Kaya sa huli, pinaalam ko na lang din na kunwari makiki-sleep over dito ngayon si Elene.

Pero nasaan na nga ba kasi yung babaeng yun? Wala man lang reply sa akin. Tapos hindi rin matawagan. Kahit si Sean tinanong ko rin. Sabi niya wala pa din daw si Gray sa bahay nila at hindi rin daw niya ito ma-contact. Ano kayang nangyari sa mag-jowa na yun? Don't tell me may ginagawa silang kababalaghan ngayon? Ahy, kung ganun ang nangyari sisiguruhin kong makakatikim sa akin ng batok yung dalawang yun.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon