I hate this day!
But I also looove this day!
Nai-stress kasi ako ngayon sa school lalo na at lumelevel-up ni Renzo sa pangungulit sa akin. Sinusundan-sundan na rin niya ako pati kapag recess at lunch. Minsan nga manlilibre pa pero hindi ako pumapayag. Baka mamaya bigla pa niya akong singilin kapag nakarami na siya ng nilibre sa 'kin. Eh di ako pa ang nagkaproblema. Tapos ito namang sila Elene, Nathalie, Tanya, Mayumi at Lauren iniiwan din ako kapag alam nilang papalapit na si Renzo sa akin para may privacy 'daw' kami. What the f?! Minsan naiiyak na ako dahil sa pagkairita at sa galit. Kasi naman masyado na akong nagugulo at nawawalan na rin ako ng privacy. Kapag hindi ako nakapagtimpi, may babangasan na talaga ako.
Pero pagkatapos ng klase namin, nag-iba na ang mood ko. Naging tuwang-tuwa na ako nang magkasama-sama na ulit kaming apat nila Elene, Gray, at Sean. Kapag kasama ko lang kasi sila saka ako nakakapagrelax. Magaan din kasi sa pakiramdam. At saka masaya. Siguro kasi napalapit na ako sa kanila. Ganito ang gusto ko. Ganito ang hinahanap-hanap ko. Sana palagi na lang ganito.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...