Yung pakiramdam na pumasok ka na sa school kasi wala ka ng sakit tapos normal at maayos lang ang takbo ng lahat, pero pagdating ng uwian, BOOM!!! Confession ng taon!
Papalabas na kami ni Elene sa main gate nang madatnan na lang namin ang hingal na hingal na si Gray sa labas nito. Ito namang si Elene biglang natuwa at tumakbo papunta sa kanya para tanungin kung anong ginagawa niya dun. Ako naman, para lang akong nanonood ng live na teleserye sa harapan ko. Nang mabawi ni Gray ang normal na paghinga niya, sinabi agad niya kay Elene na nag-confess daw sa kanya si Jane na gusto daw siya nito bilang lalaki. Kaya humingi daw siya ng tawad dito at binasted ito. Well, hindi naman talaga binasted yung ginamit na salita dito ni Gray, pero ganun na din yun. Kasunod na nito yung confession niya para kay Elene, at ito yung eksaktong mga salitang binitiwan niya:
Gray: "Hindi ko tinanggap yung nararamdaman niya para sa akin hindi dahil may girlfriend ako, hindi dahil meron ka sa buhay ko. Hindi rin ako makikipagrelasyon sa kahit na sinong babae maliban sa 'yo hindi dahil hindi ako habulin ng mga babae, kundi dahil mahal kita, Elene! Ikaw lang ang para sa akin! Kaya magiging ayos lang ang lahat. 'Wag ka ng mag-alala dahil sa 'yo lang ako."
Hindi ko alam kung matatawa ako dito o papalakpak. Gusto kong matawa kasi nakokornihan ako. Pero gusto ko ring pumalakpak kasi alam kong napasaya ng mga salitang binitiwan ni Gray si Elene. Isa pa, ramdam ko rin na sincere talaga si Gray habang sinasabi niya yung mga salitang yun kay Elene. Sa huli, wala akong ginawa isa sa mga 'to. At sa halip, napaalam na lang ako na mauuna na para makapag-usap naman yung mag-jowa tungkol sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga mag-jowa.
Akala ko kanina dito na magtatapos yung kakaibang mga pangyayari sa araw ko na 'to. Pero hindi pa pala.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...