Nakakapagod!
Nakakapagod dahil matapos yung outing namin last weekend sa beach, ice skating naman ang naisipang gawin ngayon nila Nathalie, Tanya, Lauren, at Mayumi. Kaya, siyempre, automatic na tinawagan ni Elene si Gray para imbitahan ito at yung iba pang boys---na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang mga pangalan---kung saan agad naman silang pumayag. Ang nakakainis lang dito, hindi na talaga ako tinatanong nila Nathalie kung gusto kong sumama o hindi. Nang magreklamo ako tungkol dito, sinabi nilang alam daw kasi nila na tatanggi ako kapag tinanong nila ako, kaya mas maganda daw na hindi na lang ako tanungin at basta na lang daw isama. What the f?!
Pagkatapos ng klase, dumeretso na kaming girls sa mall kung saan naghihintay na yung boys. Medyo na-late talaga kami ngayon dahil sa very long quiz namin sa last subject namin. Pero ayos lang yan, humingi naman kami ng pasensiya, ang ibig akong sabihin, si 'Elene' ng pasensiya. Anyway, dumeretso na kami sa ice skating ring. At lahat, maliban kay Sean, ay nag-skate. Nang tanungin ko si Gray tungkol dito, sinabi niyang ayaw daw kasi ni Sean sa malalamig na lugar at hindi pa raw nito nasusubukang mag-skate. Actually, pati rin naman si Gray first time daw niyang mag-skate. Pero dahil magaling sa sports si Gray, madali niya itong natutunan.
Ako? Well, sumasali ako dati sa figure skating competitions noong nasa elementary pa lang ako. Pero napakatagal na nun. Ni hindi nga ako sigurado kung maaalala at magagawa ko pa ngayon yung mga nagawa kong figures noon. Kaya sinubukan ko. Ang resulta? Sobra akong natuwa, lalo na nung nagawa ko yung triple axel. Naalala ko kasi na ito yung parte kung saan pinapalakpakan ako ng kapatid ko, si Tiffany, sa tuwing nagagawa ko ito. Kaya nga lang din ako sumali sa figure skating competitions dati dahil sa request niya. Paborito kasi niya noon yung panood ng Disney na Frozen. At sabi niya ako raw si Elsa at siya raw si Anna. Ito rin yung dahilan kung bakit niya ni-request sa akin na sumali ako sa figure skating competitions. Kaya tuwing may competition, nagmamala-Elsa get up ako, at siya naman nagmamala-Anna. Maraming nagsasabi noon na ang cute daw naming dalawa. Pero ang totoo, naging cute lang naman ako noon dahil kasama ko siya.
Sa sobrang pag-eenjoy ko sa pag-fifigure skating sa ring, hindi ko na naman namalayan na may ilang tao na pala ang nanonood sa akin. Mukhang napapadalas na itong nangyayaring 'to sa akin, bigla ko na lang makakalimutan yung paligid ko dahil sa pag-alala ko sa nakaraan. Nawalan na tuloy ako ng gana nang ma-realize ko itong bagay na 'to, kaya tinigil ko na agad ang pag-skate at umalis ng tuluyan sa ring. Pinanood ko na lang yung mga kasama ko na nag-eenjoy din sa skating at ginawa itong entry na 'to sa cellphone ko. Nakaka-enjoy din naman silang panoorin, lalo na si Elene na nakikita kong masaya dahil tinuturuan ni Gray kung paano mag-skate. Hanep, 'di ba? Kanina lang niya natutunang mag-skate, pero matapos nun naging teacher na siya ni Elene sa skating. Hanep, talaga. Siya na.
P.S.
Binilhan ako ni Sean ng kape. Magkatabi lang kasi kaming pinapanood yung mga kasama namin kanina nang bigla na lang niya akong binigyan ng kape. Napansin ata niyang medyo giniginaw na ako nang makapagpahinga ako mula sa pag-i-skate ko. Pero ang sarap nung kape ha. Nang tanungin ko si Sean, cinnamon coffee daw ang tawag dito. Iisipin ko na nga sana na ang bait niya. Pero bigla na lang niya akong tinawanan. Sabi niya para raw kasing nanalo sa lotto yung itsura ko habang enjoy na enjoy kong hinihigop yung kape. Eh sarap nga kasi eh! Bwisit ngay din siya minsan.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...