ENTRY 47: Paano nga ba niya nalaman?

477 8 0
                                    

CONTINUATION...

Si Elene... ang manyak.

Pinagnasahan kasi niya si Gray habang kumakain kami ng lunch. Paano ko nasabi? Doon lang siya nakatingin sa gawi ni Gray at nakita ko kung paano hagudin ng mga mata niya yung katawan nito. Oh, 'di ba, manyak?

Noong natapos kaming mag-lunch, inaya ni Elene si Gray, kaya umalis sila at namasyal sa kung saan. Ako naman in-enjoy ko pa yung pagkain ng pakwan. Ang sarap kasi, lalo na at pulang-pula. Kaso matapos nito, wala na akong gaanong magawa. Tuloy, boring na naman. Kaya naisipan ko na lang maglakad-lakad sa tabing-dagat. Progress din 'to. Dati-rati hindi ko magawang makalapit dito dahil sa sobrang takot ko. Pero ngayon, well, takot pa rin ako. Pero ayos na sa akin kahit na mabasa na ng tubig yung mga paa ko. Hindi ko nga lang alam kung magkakaroon ulit ako ng lakas ng loob na lumangoy dito tulad ng dati. Kung subukan ko kaya ngayon?

Sa sobrang lalim ng pagmumuni-muni ko habang naglalakad-lakad, hindi ko tuloy napansin yung taong nakaharang sa nilalakaran ko at nabangga ito. Actually, natadyakan ko nga ata sa likod. May ginagawa kasi siyang sand castle kasama yung dalawang batang babae na titig na titig sa kanya kaya naka-squat lang siya. So, hayun. Nag-sorry naman ako agad. Pero nung lumingon yung lalaki, doon ko lang na-realize kung sino siya.

Ako: "Oh, ikaw pala. Anong ginagawa mo diyan?"

Isip ko: "Malamang gumagawa ng sand castle. Halata naman, 'di ba? Tanga lang, Verena?"

Sean: "Inaayos ko 'tong ginawang sand castle ng mga bata. Natapakan kasi ni Gray kanina."

Ako: "Ahh. Eh bakit ikaw ang nag-aayos? 'Di ba dapat siya, kasi siya yung nakasira?"

Sean: "Pinuntahan niya si Elene."

Ako: "Akala ko ba magkasama sila. Bakit, nagka-problema na naman?"

Sean: "Medyo."

Ako: "Hay naku. Buhay lovelife. Ang daming problema. Pero I'm sure maaayos din nila 'yan. Normal lang naman 'yang mga ganyan sa mag-jowa, 'di ba?"

Sean: (Tumango lang)

Bata na naka-pigtails ang buhok: "Kuya, kuya, sino po siya?"

Bata na naka-clip: "Girlfriend niyo po ba siya?"

Ako: "Hindi niya ako girlfriend. Itong mga batang 'to. Girlfriend kayo diyan. Mag-aral muna kayong mabuti bago niyo iniisip 'yang mga ganyang bagay."

Bata na naka-clip: "Kung hindi ka po niya girlfriend, eh di mag-ano po kayo?"

Ako: "Magkaibigan."

Bata na naka-pigtails ang buhok: "Eh bakit hindi niyo po siya boyfriend?"

Ako: (Napakurap-kurap) "... Um, huh?"

Bakit kaya yung mga bata ngayon kakaiba yung mga tanong? Tinanong pa talaga sa akin kung bakit hindi ko raw boyfriend si Sean? Aba, malay ko. Ewan ko rin. Ahy, kainis! Pati tuloy ako napaisip tungkol dito. Hindi ko siya boyfriend kasi hindi ako interesado? Sa kanya?

Pero interesting naman siya. I mean, argh! Bwisit! Buti na lang natapos na din nun ni Sean yung ginagawa niyang sand castle kaya yung mga bata tuwang-tuwa at tuluyan ng nalimutan yung tanong sa 'kin. Pero dahil napaisip ako dun sa tanong sa akin nung bata, pasimple kong tinitigan tuloy dito si Sean.

Una kong napansin yung tangos ng ilong niya, tapos yung pagka-pinkish ng mga labi niya, tapos yung puti at kinis ng kutis niya, tapos yung katamtaman na kapal ng mga kilay niya, tapos yung haba ng mga pilik-mata niya, tapos yung mga mata niya... yung pagiging kulay dark brown ng mga mata niya. Kaya pala sinasabi nilang ang gwapo niya, lalo na kapag tinititigan mo siya ng matagal. Ang feminine ng dating ng mga mata at ng labi niya. Pero yung iba pang features ng mukha niya, lalaking-lalaki na. Tapos, hindi ko alam pero parang may kung anong nakaka-attract sa mga mata niya... At huli na nang mapansin kong nakatitig na rin pala siya sa akin.

Sean: "Bakit?"

Ako: "Paano mo pala nalaman kanina na takot ako sa dagat?"

Isip ko: "Sheeeeet! Lunurin niyo na ako!"

Sean: "Napansin ko lang."

Ako: "Paano nga?"

Sean: "Naalala mo ba noong napadaan tayo nila Gray at Elene sa may sinehan sa mall?"

Ako: "Yep. Anong meron dun?"

Sean: "May tinitingnan tayong movie poster nun na may kinalaman sa dagat. Tapos sinabi mo kay Elene na parang nakakatakot tingnan yung dagat, lalo na kung bumabagyo."

Ako: "Tapos dahil lang dun, nalaman mo ng takot ako sa dagat?"

Sean: (Umiling) "Napansin ko rin kanina na ayaw mong sumama sa aming maligo sa dagat. Tapos noong naglalaro na tayo ng volleyball, lumalayo ka sa tubig. At noong parang natulala ka na nga noong medyo nabasa ka, doon ko na napag-connect ang lahat."

Ako: "Whoa. Napansin mo talaga lahat yung mga yun? Ang galing."

Ang weird ng naramdaman ko sa mga oras na 'to. Para kasi akong nahihiya na... kinikilig? Nahihiya kasi hindi ko akalaing may makakapansin sa akin ng ganito? At kinikilig dahil yung nakapansin pa sa aking ng ganito ay isang gwapo na tulad ni Sean? Siguro nga ganito yung explanation ng naramdaman ko nun. Pero nakakainis din kasi parang medyo natuwa din ako. Ano naman kaya ang dapat kong ikatuwa dun? Dapat nga mahiya pa ako dahil may nakaalam ng kahinaan ko, 'di ba? Ahy, ewan.

Nagpasalamat na lang ako noon kay Sean sa pagpapakalma sa akin nun, at na kung hindi niya ginawa yun, malamang na kung hindi ako naiyak, baka hinimatay naman ako. Tinanong din niya kung ano raw bang dahilan at takot ako sa dagat. Kaya kinwento ko na lang sa kanya yung naging karanasan ko noong bata pa lang ako. Na ang saya-saya ko nun dahil natutunan ko na sa wakas kung paano lumangoy, kaya hindi ako nakinig sa mommy ko na 'wag pa ring pumunta sa masyadong malalim na parte ng dagat. Na dahil sa kalalangoy ko, hindi ko na lang namalayan na napalayo na pala ako sa pampang. Na nung sinubukan ko nang lumangoy pabalik, doon na humampas sa akin ang isang malaki at malakas na alon. Na namulikat yung paa ko. Na hindi ko na nagawa pang lumangoy dahil dun, kaya muntik na akong malunod.

Sa totoo lang, sobrang weird ng feeling ko noong ikinekwento ko ito kay Sean. Ako kasi yung klase ng taong hindi nagkwekwento tungkol sa nakaraan ko sa kahit na kanino. Kahit nga kay Elene hindi ko pa nababanggit ang tungkol dito. Hindi ko rin alam kung bakit, pero hirap siguro kasi akong magtiwala sa iba pagdating sa ganitong mga bagay. Ayaw ko rin kasing ipinapaalam sa iba ang tungkol sa kahinaan ko. Pakiramdam ko kasi, pwede itong gamitin laban sa akin ng iba kapag nagkataon, kahit pa na kaibigan ko ang taong ito. Kaya dapat lang na binabahagi ang ganitong bagay sa taong talagang malapit sa 'yo at tiyak na pinagkakatiwalaan mo. Sa kaso kasi ni Sean, utang-na-loob ko sa kanya yung pagpapakalma niya sa akin kanina. Isa pa, good listener din naman siya at hindi madaldal, kaya sa tingin ko, ayos lang na nai-share ko ang parte na yun ng nakaraan ko sa kanya.

P.S.

Pero bakit nga ba hindi ko boyfriend si Sean? Simple lang ang sagot: hindi ako in-love sa kanya at hindi rin siya in-love sa akin. Tapos!

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon