Sinamahan ulit namin ngayon ni Sean si Gray na magmuni-muni sa tabing-dagat. Hapon na sa mga oras na 'to, kaya laking ginhawa ko at hindi na ganun kainit. Pero laking pag-aalala ko rin dahil ang lalim ng iniisip ni Gray habang nakatanaw lang sa dagat.
Sinasabi naman niya sa amin ni Sean kung ano yung gumugulo sa isip niya, kaso hindi ko exactly alam kung anong sasabihin kaya si Sean na lang ang hinayaan kong kumausap sa kanya. Kaya ako, in-admire ko na lang yung itsura ni Sean dahil ngayon ko lang din siya nakitang nagsuot ng blue na baseball cap. Dahil tuloy dito, medyo mas naging mysterious pa yung dating niya. Yun nga lang, may mga pagkakataong gusto kong alisin 'to sa kanya dahil hindi ko masyadong nakikita yung mga mata niya. Nasanay na kasi akong natititigan ko yung buong mukha niya. Sa pasimpleng paraan, siyempre.
Sean: (Kay Gray) "Medyo naiintindihan ko naman yung ibig mong sabihin, pero hindi ko pa rin masyadong makuha."
Gray: (Walang imik na nakatanaw pa rin sa dagat)
Sean: "Hindi ba normal lang naman 'yan?"
Gray: (Lumingon) "Talaga?"
Sean: "Normal lang na hindi ka mapalagay o magselos ka sa mga lalaking nakikita mong pumapalibot sa girlfriend mo." (Muntik ng matawa)
Gray: "Bakit?"
Sean: "Sa tingin ko kasi lalaki ka lang din talaga."
Gray: "... Kung meron din bang aali-aligid na ibang lalaki kay Verena, magseselos ka rin?"
Ako: (Tumingin sa kung saan-saan maliban kay Sean)
Sean: "Oo, siyempre."
Ako: (Kinilig sa loob-loob at pasimpleng napangiti)
Sean: "Bakit ba kasi masyado kang nagmumukmok diyan, Gray? Isang linggo pa lang naman niyang nakikilala yung lalaking yun, at hindi naman ganun kabilis mahulog ang dalawang tao para sa isa't isa."
Well, hello isang linggong pag-ibig. Sasabihin ko sana ritong depende pa rin sa mga tao, pero nanahimik na lang ako. Baka kasi mas lalong ma-down si Gray. Mahirap na.
Gray: (Medyo nabuhayan ng loob) "Oo nga noh! Mahal ko si Elene kaya naisip ko na pwede ring magkagusto ang kahit na sino sa kanya. Kaya tama ka nga!"
Sean: "Kaya ang gawin mo lang dapat ngayon ay ang magtiwala sa kanya."
Gray: "Oo, tama. Magtitiwala lang ako sa kanya."
Tuluyan lang na nabuhayan ng loob si Gray nang makatanggap siya ng text galing kay Elene kung saan iniimbitahan na niya kaming pumasyal doon sa shop na pinagtratrabahuan niya dahil gamay na raw niya ang trabaho niya. Obviously, pinaka excited sa amin si Gray para rito.
Agaw pansin na pumasok sa Patisserie si Gray. Seryoso kasi siyang sumaludo kay Elene, na siyang nasa counter, habang ina-announce niya ang pagdating namin. Si Elene naman natawa na lang sa ginawa ni Gray. Pero ako, gusto kong magtago sa lugar kung saan hindi maiisip ng mga tao sa paligid na kasama ko si Gray. Anyway, maganda naman yung ambience sa loob ng shop. Malinis at maaliwalas tingnan. Pati yung mga cake na naka-display katakam-takam tingnan. Affordable din naman yung mga presyo, kaso medyo may kataasan nga lang. Pero normal na lang talaga 'to sa mga shop na nakakuha na ng pangalan.
Si Gray ang um-order. Tinanong niya kay Elene yung bestseller nila. Strawberry shortcake daw, kaya ito ang in-order ni Gray. Kaso habang umo-order si Gray, may napansin naman kami ni Sean na nakatingin sa gawi namin. Agad kong namukhaan yung lalaki. Si Daniel. At ng sundan ko yung mga mata niya kung kanino talaga siya nakatitig, nasiguro kong si Elene nga yung tinitingnan niya. Tapos yung paraan pa ng pagtitig niya parang na-starstruck pa siya. Aba't patay tayo diyan. Kung sa school hindi siya basta-basta nalalapitan ng mga lalaki dahil meron akong bantay niya, sa pagkakataon namang 'to wala na akong magagawa dahil hindi ako kasama sa workplace niya. Hindi ko na lang tuloy namalayan na napakapit na pala ako sa braso ni Sean hanggang sa makalabas kami sa shop.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...