Nauna kaming dumating ni Elene sa meeting place na napag-usapan nila ni Gray kagabi. As usual, may bitbit na naman siyang bag ng pagkain. Hindi rin naman nagtagal ay dumating din agad si Gray. Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya yung kaibigan niya, si Sean.
Elene: (Lumapit sa kanila) "Pasensya na sa abala. At thank you ulit."
Gray: (Inabot yung pink na smartphone kay Elene) "Nakalimutan ko pa lang itanong. Nasa same grade lang tayo, 'di ba? Pareho ring senior high students?"
Elene: "Oo, grade eleven din kami ni V. T-thank you dito sa phone ko. At saka, um, heto pala." (Pinakita yung dala niyang naka-bag na pagkain) "Thank you very much talaga this time sa pagbabalik mo sa akin nitong phone ko. At kung okay lang sa inyo, pwede tayong humanap muna ng mauupuan para kainin 'tong dala ko."
Gusto kong batukan si Elene. Akala ko kasi saglit lang kami. Pero ngayon, heto? Tss. Kainis! Kung tutuusin, pwede ko namang iwanan na lang siya. Pero wala akong tiwala sa dalawa. Baka mamaya may masama pala silang balak kay Elene. Mahirap na. Kaya kahit na ayaw ko, kasama nila akong naghanap ng bench na mauupuan kung saan pinaggitnaan ako nila Elene at Sean. Samantalang si Gray naman, nakaupo sa kabilang side ni Elene. Nang kumain na kami, nasarapan na naman si Gray sa dalang macaroons ni Elene. Baka hindi na naman kumain. Biro lang. Actually, natuwa ako. Si Elene kasi ang gumawa sa pagkaing dala niya. Mahilig kasi siya sa baking. At noon pa lang, gustong-gusto ko na ang kahit na anong gawa niya. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Pero hindi ko 'to sasabihin sa kanya.
Gray: "Ang sarap pala ng macaroons!"
Ako: "Siyempre, lalo na at si Elene ang nag-bake. Pati rin yung cake na dinala niya sa inyo."
Gray: "Homebaked 'tong mga 'to?!"
Sean: "Baka 'homemade' ang ibig mong sabihin."
Ako: "Halos pareho lang naman. Homebaked o homemade."
Sean: "Sigurado akong mali 'yan."
Ako: "Talaga? Pero meron naman dun sa dictionary."
Sean: (Tinitigan lang ako)
Ako: (Nanahimik na lang at itinuloy ang pagkain)
Elene: "Siguro magaling lang talaga ako sa baking."
Ang 'humble' ni Elene dito. Note the sarcasm, please.
Sean: "Totoo bang kailangan mo raw ng stamina para makagawa ng sweets?"
Elene: (Na-excite bigla) "Oo! Kailangan mo kasing mag-mix nang mag-mix!"
Gray: (Bigla namang tumitig ng harapan kay Elene)
Elene: (Namula tuloy ang buong mukha)
Ako: "Hoy, Gray. Tigilan mo nga 'yan. Ang creepy."
Sean: "Huwag mo siyang titigan ng ganyan. Nai-invade mo na ang personal space niya."
Gray: (Tumayo) "Magbabanyo lang ako."
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nasa isip ni Gray dahil hindi naman ako mind-reader. Pero isa lang ang nasisiguro ko. May gusto siya kay Elene. At may feeling---feeling lang--- ako na iniisip niyang may gusto si Elene kay Sean. Ako? Ako hindi ako sigurado rito. Hindi ko din naman kasi tinatanong si Elene kung sino yung mga lalaking nagugustuhan niya. Para kasi sa akin 'it's none of my business' na yung mga ganung bagay. Pero ngayon, mukhang nakaka-curious kung may gusto nga siya sa isa sa mga lalaking 'to.
Nag-usap lang sila Sean at Elene habang wala pa si Gray. Ako? Wala. Nag-earphones lang at hindi nakinig sa ano mang usapan nila. Hindi ako interesado. Wala ring gaanong nangyari pagbalik ni Gray. Nagsisi tuloy ako. Sana pala maaga na lang akong umuwi at nag-movie marathon. At least dun, hindi pa ako na-bore.
Bago kami umuwi, nag-request si Gray na kung okay lang ay mag-bake ulit ng cake si Elene. Gusto raw kasi ulit niyang matikman yung gawa niya. Tuwang-tuwa naman si Elene. Excited pa nga eh, sinabing gagawa raw ng sachertorte dahil isa din daw ito sa forte niya. Hayun, dito nagtapos ang lahat saka kami naghiwa-hiwalay. Pero nang akala kong makakahinga na ako ng maluwag sa wakas, bigla na namang napahinto si Elen. May nakalimutan na naman, siyempre. Minsan, pauso din 'tong babaeng 'to eh. Palagi na lang may nakakalimutan.
Ako: "Ano na namang problema?"
Elene: "Nakalimutan kong kunin yung phone number niya o e-mail add niya. Paano ko siya i-cocontact?"
Ako: "Ahy, ewan ko sa'yo. May tinatawag naman tayong facebook at messenger."
Elene: "Saglit lang. Hahabulin ko na lang sila."
Si Elene, pa-obvious. Ilang minuto ko rin tuloy siyang hinintay. Pagkabalik niya, may dala na siyang isang face towel at isang kapiraso ng papel. Binigay daw sa kanya ni Gray yung face towel dahil pawis na pawis daw siya noong hinabol niya sila. Yung kapiraso naman ng papel, pinagsulatan daw ito ni Gray ng number niya. Masaya naman ako. Masaya dahil makakauwi na rin kami sa wakas!
P.S.
May nag-text sa akin kanina lang na unknown number. Usually, wala akong pakialam sa mga ganito. Minsan nga sinusupladahan ko pa dahil mga wala silang magawa sa buhay. Pero ngayon, tinanong ko kung sino ito dahil na-curious ako sa kung anong dahilan.
At shet lang...
Si Gray.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...