WHAT THE F?!
Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Seryoso ba talaga yung mga scores ko sa exams? I mean, oo. Nagreview nga ako. Pero seryoso?
Over one hundred kasi yung total ng bawat exam sa lahat ng subjects. At ang resulta ng mga exam ko? Puro line of nine lang naman lahat yung scores. Kaya sa tuwing tatawagin ng teacher yung pangalan nung nakakuha ng highest sa bawat exam, halos pangalan ko palagi yung nababanggit. Maliban lang dun sa History kung saan saktong ninety lang yung nakuha ko. Pero infairness, in general, ako pa rin yung highest sa buong klase namin. Thank you very much kay Sean. Nyahaha!
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...