Nagkita-kita muna kami nila Elene at Catharina para sabay-sabay na kaming pupunta sa talagang meeting place naming anim. Pagkarating nga namin dun, nadatnan na namin yung tatlo na naghihintay doon. At tulad ng inaasahan, si Renzo yung kwento ng kwento kila Sean at Gray. Maging sa pagtawa, siya rin ang nangunguna. Ang daldal talaga. Hay naku. Nang makita nila kami, agad na lumapit si Elene kay Gray. Si Renzo naman, ako ang agad na nilapitan at tanong ng tanong kung ano raw nakain ko at niyaya ko siyang makipagdate sa akin. Sinabi ko na lang na para hindi naman ako ma out-of-place dahil yun naman talaga ang totoo. Well, sa tingin ko. Tapos tinama ko rin yung sinabi niya na friendly date lang yung sa amin at wala yung kung anong meaning. Pero sinabi niya na date pa rin daw yun. May point nga naman siya.
Kung kaming apat nag-uusap-usap na, si Catharina nalunok namn yata bigla yung dila niya. Nanigas na lang kasi siya sa kinatatayuan niya nang makita yata niya si Sean. Masyado nga naman kasing gwapo si Sean, kaya siguro na-overwhelm siya at na-paralyzed nang makita niya sa malapitan si Sean. Ganito rin kasi ang nararamdaman ko, lalo na nung na-realize ko na gusto ko si Sean. Ang pinagkaiba lang, mas nasanay na ako sa presensiya ni Sean dahil maraming beses ko na siyang nakasa-kasama. Nagawa rin namang magsalita ni Catharina sa huli at inaya si Sean na pumunta sa zoo. Yun nga lang, bukod sa pulang-pula ang buong mukha niya, medyo tumaas din yung tono ng boses niya at pumiyok pa siya dahil sa sobrang kaba.
Habang nag-iikot-ikot sa zoo, kinwento sa amin ni Catharina kung bakit ito ang napili niyang lugar para pasyalan namin. Base sa kwento niya, noong nagkaroon daw kasi sila ng field trip noong kinder sila, nagtanong si Sean kung bakit daw nila tinatawag yung hippopotamus na 'Nessie.' Wala raw nakakaalam ng sagot kaya doon na raw nagtapos yung usapan. Ganun pa man, alam daw ni Catharina ang sagot sa tanong. Gusto raw talaga niyang sabihin kay Sean na dahil pinangalan daw ito sa nickname ng lake monster na matatagpuan sa Loch Ness lake sa Scotland, kaso wala lang daw talaga siyang lakas ng loob na sabihin ito sa kanya. Kaya gusto raw niyang gumawa ng magagandang alaala sa zoo ngayong araw. At dahil sa amin niya ito kinekwento, napagsabihan tuloy siya ni Gray na dapat si Sean daw ang kausap niya.
And speaking of Sean, nang hanapin ko siya, nakita kong may mga babae nang nagpapakuha ng pictures sa kanya. Ang galing. Ito namang si Renzo may kalokohang naisip. Bigla na lang siyang naglakad papunta sa kanila tapos binati yung mga babae ng may kasama pa talagang ngiti. Nang kunin niya yung camera kay Sean, hindi ako sigurado pero para kasing tumingin sa direksyo ko si Sean at nang harapin niya si Renzo, hindi siya pumayag na ibigay dito yung camera. At tulad ng dati noong na-sprain yung paa ko, nagtalo na naman sila. Napa-face palm na lang ako at sumunod na lang kila Gray, Elene at Catharina. Bahala na yung dalawa. Pero mukhang nagpaubaya ata si Sean kay Renzo dahil makalipas ang ilang segundo, namalayan kong naglalakad na siya sa tabi namin.
Sean: "Anong pinag-uusapan niyo?"
Catharina: (Nagulat, namula at biglang nagtago sa likuran ko) "Wala. Wala naman."
Ako: "Saang parte raw ng zoo ang gusto mong puntahan?"
Sean: "Sundan na lang natin yung ruta."
Ako: "Sige." (Kila Gray, Elene at Catharina) "Oh, guys. Sundan na lang daw yung ruta."
Hindi lang ito ang pagkakataon kung saan pasimpleng iniwasan ni Catharina si Sean dahil sa sobrang hiya niya. Minsan pa ulit yung nangyari, actually. Nagulat pa nga ako sa kanya kasi bigla na lang niya akong hinila palayo para tingnan daw yung next attraction. Napaisip tuloy ako. Kung sinabi ko ba sa kanyang may gusto rin ako kay Sean, papalampasin pa kaya niya yung mga pagkakataong kung saan sinusubukan siyang kausapin nito? Sayang lang kasi talaga yung chance. Samantalang ako inggit na inggit na dahil nakikita kong nag-eeffort din si Sean na kilalanin siya. Sa kabilang banda, ito namang si Renzo panay ulit sa kwento ng masabayan na niya kami. Nadadaldalan ako sa kanya noong una, pero noong nagtagal na-appreciate ko rin ito dahil palaging nawawala yung awkward moments, lalong-lalo na nung hinila ako ni Catharina palayo kila Sean. Hanggang sa may nangyari tuloy na ganito habang nasa birds attraction na kami ng zoo.
Sean: (Kay Catharina) "Ang ganda nung peacock na yun."
Catharina: (Biglang namula) "Um... Uh..." (Hinawakan ako sa kamay) "Tara dun!"
Renzo: (Bigla naman akong hinila sa braso ko dahilan para mapahinto kami ni Catharina) "Teka, saan mo dadalhin yung V ko?"
Elene at Gray: (Nagulat) "V mo?!"
Elene: (Tingin sa akin) "V, kayo na ba?"
Ako: "Huh?"
Renzo: "Oo, kami na. Kami na ang magkaibigan ni V. Nilinaw na niya yun sa akin. Pero kung pwede talaga maging 'kami,' bakit hindi? 'Di ba, V?" (Sabay kindat sa akin)
Catharina: (Binitiwan yung kamay ko) "P-pasensiya na kung nilalayo ko si Verena sa 'yo."
Ako: "Okay lang yun, Catharina. Tinopak lang 'yan kaya 'yan ganyan."
Elene: (Ngumuso) "At saka, Renzo, bakit ba V na rin ang tawag mo sa kanya? Hindi ko yun sinisita dati pero na-bobother na ako ngayon. Ako lang kasi ang dapat na may tawag nun sa kanya."
Gray: "Narinig mo yun? Si Elene lang daw dapat ang nagtatawag ng V kay Verena."
Renzo: (Umakbay sa akin) "Paano ba 'yan? Beshies na rin kasi kami ni V, kaya V na rin ang tawag ko sa kanya. 'Di ba, V?"
Ako: "Beshie ka diyan? 'Wag ka, mas close pa rin kami ni Elene. At saka manahimik na nga lang kayo. Ang mabuti pa, punta na lang tayo doon sa petting zoo."
Renzo: "Leggo!"
At dahil aware akong si Sean lang ang hindi nagsalita sa amin, parang magnet na lumipad yung mga mata ko papunta sa kanya kung saan nakita ko siyang nakatitig lang sa braso ni Renzo na nakaakbay sa akin. Yung titig na para bang wala dapat sa mga balikat ko yung braso ni Renzo. Kaso sandali lang yun. Sa tingin ko nga na-imagine ko lang yun eh. Nagiging desperada na ata ako. Bigla na lang din kasi siyang sumunod kila Catharina, Gray at Elene na parang walang nangyari. Kaya imagination ko nga lang talaga siguro yun. Ganun pa man, pinilipit ko pa rin paalis sa mga balikat ko yung braso ni Renzo kung saan napa-aray siya para tumigil na siya sa kaaakbay sa akin. Pakiramdam ko rin kasi nanantsing na siya sa akin. Well, sorry siya. Marumi isip ko eh.
Nang makarating kami sa petting zoo na siyang paborito kong parte ng zoo dahil pwedeng hawakan yung mga hayop basta may guidance mula sa mga bantay, humiwalay ako sa mga kasama ko nang makakita ako ng malaking kulay dilaw na sawa. May mga taong nakapalibot sa bantay na may dala nito, pero wala ni isa sa kanila ang nagtatangkang hawakan buhatin ito. May ilan namang naglalakas-loob na hawakan o haplusin ito sandali, pero yung buhatin ito, wala talaga eh. Ako pa lang yata yung unang susubok. Kaya nilapitan ko yung bantay na may bitbit sa may malaking sawa para ipaalam kung pwede ko itong subukan na buhatin. Sinabi nung lalaking bantay na ayos lang naman daw basta kaya ko raw itong buhatin, lalo na at may kabigatan daw ito. Na-excite ako at sinabing kakayanin ko itong buhatin. Kaya binigay sa akin nung lalaki yung sawa. Nang buhat ko na yung sawa na pumulupot sa leeg ko, siyempre, tuwang-tuwa na ako. Dito naman ko naman narinig ang pagtawag sa akin nila Elene at Renzo.
Elene: "V!"
Renzo: "Andyan ka lang pala!"
Ako: (Nakangiting lumingon sa kanila) "Oi, guys, tingnan niyo 'to!"
Catharina: (Napatili at nagtago sa likod ni Elene)
Elene: (Napahinto sa paglapit sa akin at napakapit sa braso ni Gray) "Oh my God, V!"
Renzo: (Napahinto rin at nanlaki ang mga mata) "Shit!"
Ako: (Na-offend) "Anong 'shit' ka diyan? Sawa kaya 'to. At saka Slither daw ang pangalan niya."
Sean: (Natawa)
Ako: "Anong nakakatawa?"
Sean: "Ikaw lang yata kasi yung babaeng nakita ko na naglakas-loob na buhatin 'yang sawa." (Tumuloy ulit sa pagtawa)
Well, maamo naman yung sawa eh. Wala akong dapat katakutan. Kaso medyo mabigat nga yung sawa, kaya ipinasa ko na ito kay Gray na hindi rin takot buhatin ito tulad ko. Yun nga lang, kung kelan nagsisimula na talaga akong mag-enjoy, doon naman umulan ng malakas. Wala pa man ding dalang payong ang kahit na sino sa amin dahil ang ganda-ganda ng sikat ng araw kanina kaya hindi namin inaasahan ang biglang pagsama ng panahon. Tuloy, dito na lang muna kami sa museum sumilong kung saan ginawa ko na lang muna itong entry na ito. Pero puputulin ko na lang muna sa ngayon ang pagkwekwento ko tungkol sa araw na 'to dahil nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko na pasimpleng sinisilip ni Renzo 'tong tinatype ko rito. Tss. Echosero.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Romanzi rosa / ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...