ENTRY 7: Hanep! Bagong textmate.

1K 16 0
                                    

Himala! Himala dahil pagkarating ni Elene sa classroom, hindi siya dumeretso sa kinauupuan ko para guluhin o daldalin ako. Instead, doon siya sa bandang harapan dumeretso, umupo sa upuan niya, at nagtext lang dun habang nakangiti. Biruin niyo yun? Ano kayang nakain niya? First time ko lang siyang nakitang ganyan. Kahit na may crushes siya dati, hindi ko siya nakikitang ngumiti ng ganyan ng mag-isa. Kaya anong bago ngayon? Anyway, may task ako ngayong araw. At ito ay ang obserbahan siya.

Hindi ko alam kung nagkaboyfriend na si Elene. Hindi ko nga kasi siya tinatanong tungkol sa lovelife niya dahil hindi naman ako interesado. Pero marami na siyang naikwento sa akin dati tungkol sa naging mga crush niya kahit na hindi ko siya tinatanong. Kaso ngayong iisipin ko, wala pa naman siyang naikekwento tungkol dito, at medyo matagal-tagal na rin noong huli siyang nagkwento tungkol sa crush niya. Sino kayang crush niya ngayon? Pero kung tatanungin ko kasi siya bigla tungkol dito, siguradong magdududa siya.

Boring na naman 'tong araw na 'to. Inantok lang ako sa klase. Si Elene naman, pagkatapos niyang mag-text, bumalik na ulit sa pangungulit sa akin. Kaya kung sino man yung katext niya, keep up the good work. Wala rin akong gaanong na-obserbahan sa araw na 'to bukod sa mga lalaking panakaw-nakaw ang tingin sa kanya at bukod sa wala siyang crush sa school. Paano ko nalaman? Hindi siya masyadong nagpapaalam sa klase para magbanyo. Dati-rati kasi mag-gogo out 'yan pero ang totoo, dadaan lang siya sa ibang room para silipin yung crush niya. Para-paraan din 'yang babaeng 'yan minsan eh. Pero ngayon, normal lang siya. Yung normal niya, palaging nagpapasama sa aking magbanyo. Akala mo naman kailangan niya ako para maitaas niya yung salawal niya. Ewan ba sa isang 'yan.

Pagkarating ko kanina lang sa tinutuluyan kong boarding house, naka-receive agad ako ng text galing kay Gray.

Gray's text: "H€££o. Ndi n¥@ cn@got ng m@@u$ kng @no @ng €k$@k2ng gu$2 n¥@ $ mg@ b@2€. Pro nccguro kong ₩£@ $¥@ng gf. @ng $bi n¥@ n@p@2god dw kc $¥@ kp@g iniisip N¥@ kng @no @ng g@2₩in n¥@ kp@g m@ki2p@gr€L@$¥on dw $¥@. J€j€j€."

Tang-ina, 'di ba? Ang hirap basahin. Kaya cinopy-paste ko yung mga text namin dito para naman makita kung gaano ka-artistic si Gray. Medyo jejemon pa nga eh.

My reply: "Cgurado kang ndi bakla yang kaibigan mong yan?"

Gray's reply: "Ndi @h! Tn@nong ko $¥@ kng cgur@do b $¥@ng d£@₩@ @ng it£og n¥@, @ng $bi n¥@ 'oo' d₩."

My reply: "Gago. Ndi ko tinatanong ang tungkol dyan. Pro kung ganun, bakit hindi sya interesado s mga babae?"

Gray's reply: "₩£@ nm@n $¥@ng cn@bi n ndi $¥@ int€r€$@do $ mg@ b@2€. Int€r€$@do din nm@n d₩ $¥@ 2£@d ng ib@ p@ng £@2ki. Kmu$t@ b ¥ung $ $id€ ni €£€n€?"

My reply: "Wla rin syang bf. Pro nagkaka-crush naman sya s guys. Ndi ko nga lng kilala kng cno o kng may crush man sya ngaun."

Gray's reply: "Kng g@nun, m@¥ p@g-@$@!"

My reply: "Pag-isipan ko n lng ang tungkol s plano m. Kaso tulad ng cnabi ko khapon, ndi p rin ako cgurado kng makakatulong ako o ndi."

Gray's reply: "Cg€, $@£@m@t! J€j€j€!"

Ano ang plano ni Gray? Ang ilakad o ang maging tulay kila Elene at Sean para maging sila. Hindi ko alam kung anong trip niya dahil obvious naman na siya ang may gusto kay Elene. Pero mas maganda sana kung hindi na lang niya hiningi ang tulong ko. Hassle kasi. Wala din naman akong alam tungkol sa mga lakad-lakad o tulay-tulay na 'yan. Dahil kung para talaga sa isa't isa ang dalawang tao, eh di sila at sila ang magkakatuluyan sa huli. Hindi na kailangan pa ng lakad-lakad na 'yan. Ang daming alam.

Ito namang Gray na 'to, kahit na may pagka-jejemon, magaling ata sa Math. Na-memorize daw ba naman yung number ko noong ginamit ni Elene yung phone ko para tawagan yung naiwan nitong phone sa kwarto ni Gray. Lintik lang kasi. Nagkaroon pa tuloy ako ngayon ng sakit ng ulo. Tss.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon