Dear Online Diary,
Pangalawang araw ko ngayong bakasyon dito sa apartment nila Sean. Nabanggit ko ba palang wala yung parents nila dito? Sila Amber at Sean lang ang nandito, kasama na rin ako. At ako ang pinakaunang nagising sa amin. Ala sais pa lang din naman kasi. Masarap pang matulog, lalo na at medyo maginaw pa. Kadalasan, tanghali na talaga akong nagigising kapag walang pasok. Seven naman ng umaga kapag nasa ibang bahay ako. Naging ala sais lang ngayon dahil nagising ako sa tawag sa akin ni Elene.
Elene: "Good morning, V."
Ako: "Good morning."
Elene: "Sorry ang aga kong tumawag. Nahihiya kasi akong tawagan si Gray ng ganito kaaga."
Ako: "Wow ha. Sa kanya nahiya ka, sa akin hindi. Anyway, bakit ka ba napatawag?"
Elene: (Napabuntong-hininga sa kabilang linya)
Ako: "Bakit, may problema ba?"
Elene: "Ngayon kasi yung competition ni Daniel, pero sinabi niyang may sasabihin daw siya sa akin pagkatapos nito. Napaisip lang ako kung aalukin niya akong magtrabaho bilang full-time employee. Maganda sana yung opportunity kaso hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sabi pa niya, ako raw yung nagsisilbing lakas niya o parang ganun."
Minsan talaga, manhid din si Elene eh.
Ako: "So, parang naprepressure ka sa sinabi niya?"
Elene: "Oo, oo! Yun nga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
Ako: "Siguro kasi, ang ibig niyang sabihin mas napapadali ang trabaho niya kapag meron ka."
Elene: "Ah, ganun ba yun? Kaya pala. Oo nga noh? Kahit papaano hindi na ako masyadong nai-stress tungkol dito."
Ako: (Napangiti) "Mabuti naman kung ganun."
Elene: "Thank you, V!"
Ako: "You're welcome."
Ngayon, ako naman ang nai-stress dahil dito, kaya hindi na ako bumalik pa sa pagtulog at tumambay na lang dito sa sala ng apartment nila Sean. Sinabi ko lang ang mga yun kay Elene para hindi siya masyadong mag-alala. Kilala ko yun eh. Kapag nag-aalala yun, iisip-isipin lang niya yun hangga't hindi nasosolve yung iniisip niya. Tulad nung issue kay Jane dati. Ako tuloy itong hindi na alam ang gagawin ngayon, lalo na kapag nalaman niya yung totoo. Putik talaga kasi 'yang Daniel na 'yan. Panggulo sa buhay. Bwisit siya!
Nakatitig lang ako ng masama sa sahig nang maramdaman kong may tumabi sa akin sa sofa na kinauupuan ko. Si Sean. At hindi ko na lang inaasahan na ayain niya akong pumunta sa beach, kaya bumalik ako sa kwarto ni Amber para maligo at magbihis. Nagising naman si Amber nang nakabihis na ako at tinanong kung saan daw ako pupunta. Nang sagutin ko yung tanong niya, nagtanong naman siya kung anong meron daw sa aming dalawa ni Sean lately at bakit parang mas naging close pa raw kami kesa sa dati. Siyempre, sinagot ko rin yun. Sinabi kong nanliligaw sa akin yung kapatid niya. Mukhang dito nga yata nahimasmasan si Amber at napabangon siya mula sa kinahihigaan niya ng hindi oras.
Amber: (Nanlalaki yung mga mata) "Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi?!"
Ako: "Kasi ngayon mo lang naman natanong?"
Amber: (Tinitigan ako) "At 'wag mong sabihing 'yan ang susuotin mo?"
Ako: "Bakit, may problema ba sa t-shirt, jeans at converse?
Amber: "Meron. Malaking-malaki. Beach ang pupuntahan mo. Magdedate kayo, tapos 'yan ang suot mo?"
Ako: "Anong date? Well, kahit na date pa, saglit lang naman kami doon. Tatambay lang kami roon saglit."
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...