ENTRY 111: Pag-aalala

307 4 0
                                    

Nagkita ngayong araw na 'to sila Elene at Gray sa Park. Nagkasalubong naman kami ni Sean sa town. Tadhana na 'to. Biro lang.

Anyway, magkasabay lang kaming naglalakad papunta sa train station ni Sean nun habang nag-uusap tungkol sa mga pinagkakaabalahan namin nitong mga nakaraang araw at tungkol sa mga bagong labas na movies nang makita namin yung mama ni Gray na naglalakad bitbit ang dalawang tila mabibigat na plastic bags ng mga ginrocery niya sa magkabilang kamay. Muntik na akong atakihin sa puso, siyempre. Buti na lang tinulungan siya agad ni Sean na bitbitin yung mga yun. Hindi kasi dapat nagbubuhat ng mabibigat yung mga buntis. Ito yung natutunan ko noong pinagbubuntis din ni mommy noon si Tiffany.

Tulad ni Sean, binati ko rin yung mama ni Gray. At saka ko tinanong na buti kung ayos lang sa kanya ang magbuhat ng mabibigat. Ako kasi itong kinakabahan para sa kanya.

Mama ni Gray: "Pati ba naman kayo? Lahat na lang masyadong nag-aalala."

Sean: "Hindi naman po ganun katindi na tulad ng kay Gray."

Ako: "Mas maganda lang din kasi ang maging sigurista minsan, tita."

Oo, tita ang tawag ko sa kanya. Hindi kasi ako nag-popo o opo sa kahit na kanino. Kaya yung paggamit ko ng tita, 'yan na ang sign of respect ko sa mama ni Gray.

Mama ni Gray: "Ang swerte naman ni Gray at meron kayong maalalahanin na mga kaibigan niya at isang magandang girlfriend na tulad ni Elene."

Sean: "Kasi mabuti rin po siyang tao."

Mama ni Gray: (Hinawakan yung tiyan) "Sana magkaroon din ng mabuting mga kaibigan itong dinadala ko."

Ako: (Ngumiti) "Sigurado 'yan, tita. Tiwala lang. At saka ako ang bahala kapag may mang-aaway man sa kanya."

Mama ni Gray: (Napangiti rin) "Salamat, iha."

Pati tuloy ako inaabangan na yung paglabas nung baby. Ka-buwanan na rin kasi ng mama ni Gray. At saka kaya rin siguro ako nae-excite kasi naalala ko na parang ganito lang din ako noong hinihintay ko yung paglabas ni Tiffany mula sa tiyan noon ni mommy. Hindi na kasi ako makapaghintay noon na magkaroon ng kalaro. Boring kaya ang maging only child. Kaya nga sobrang saya ko noong dumagdag si Tiffany sa pamilya namin. Na-miss ko din tuloy siya bigla. Haaay.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon