ENTRY 26: Sinong nalulungkot?

508 9 0
                                    

Meron na ulit ngayon si Sean. Natuwa lang ako kasi kahit papaano ay hindi na ako naa-out of place sa dalawang mag-jowa. May kasama na kasi akong single. Nyahaha!

Binalita ni Gray na magkakaroon na daw siya ng kapatid. Pero hindi pa raw alam ng mama niya kung babae o lalaki. Ang nakakamangha lang dun, nasa 50's na yung mama niya pero nagawa pa ring magbuntis. Kadalasan kasi hirap nang magbuntis yung mga babaeng nasa ganitong edad lalo na at nasa menopausal stage na. Natuwa din naman ako sa balitang 'to, siyempre. Masaya kasi ang magkaroon ng kapatid lalo na kung magkasundo kayo.

Kaso kung kelan nagiging masaya na ang takbo ng lahat, dito naman nagpaalam si Sean na aalis na. May aasikasuhin pa raw kasi siya. Pero ang aga kaya niyang umalis! Dati-rati nag-i-stay pa kami sa Park hanggang sa dumilim. Kaso ngayon, wala pang thirty-minutes, umalis na siya. Ang masaklap pa, naiwan na naman akong mag-isa kasama yung mag-jowa. Kainis naman eh! Feeling ko kasi nag-iisa ako kapag ganito. Teka, wait lang. Kailan pa ba ako hindi nasanay na mag-isa? Tss. Ito ang ayaw ko kapag nagkakaroon ng kaibigan eh. Ma-aattach ka sa kanila tapos sa huli, ikaw pala ang maiiwan. Ang saklap!

Pero nabanggit din ni Gray kanina na inobserbahan daw niya kung may kakaiba kay Sean nitong mga nakaraan. Kaso mukhang wala naman daw kakaiba sa mga ikinikilos nito. Iba tuloy yung naging suggestion ni Elene kung saan nadamay pa ako.

Elene: (Kay Gray) "Hindi kaya... Siguro nalulungkot lang siya. Dati kasi ikaw lang yung kasa-kasama niya. Pero ngayon hindi na kayo gaanong nagkakasama, kaya baka nalulungkot siya. V, ikaw din ba?"

Ako: (Poker-faced lang) "Huh? Ano namang kinalaman ko riyan? Kasama pa rin naman kita ngayon. At saka, sanay akong mag-isa."

Elene: "Gray, siguro hindi naman kailangang tayong dalawa lang ang mag-celebrate ng birthday ko. Imbitahan na lang din natin sila V at Sean."

Gray: "Okay lang ba yun sa 'yo?"

Elene: (Ngumiti) "Oo naman!"

Gray: (Hinawakan yung kamay ni Elene) "Ang bait mo talaga."

Hindi ko alam kung magtatampo ako o hindi. I mean, plano pala talaga nila na silang dalawa lang ang magkasama sa birthday ni Elene? Dati-rati palagi akong iniimbitahan ni Elene---well, kahit na kunwari busy ako pero gusto ko talagang pumunta---pero ngayon parang na-invite na lang ako para hindi daw ako malungkot? Ano yun, out-of-pity? Ganun? Pero sige, magpapasalamat na lang ako at naimbitahan pa rin ako kahit papaano. Salamat ha? Maraming salamat.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon