ENTRY 125: Confession out-of-the-blue

331 2 0
                                    

Ganito ang nangyari sa plano:

Nagkita kami ni Catharina sa town para kunwari magkasama na talaga kami. Si Gray naman, kunwari sasama lang din kay Sean sa convenience store. Hinintay muna naming makapasok yung dalawa sa convenience store saka namin sila inabangan ni Catharina. At mula sa labas, inobserbahan at pinakiramdaman namin yung mga nangyayari sa loob. Nang sa tingin namin ay palabas na sila, doon na kami lumabas ni Catharina mula sa pinagtataguan namin at saka kunwaring naglakad habang nagkwekwentuhan sa sidewalk na katabi ng convenience store. Napansin ko na agad na kabado si Catharina. Kailangan ko pa kasing ulitin yung sinasabi ko sa kanya bago siya nakakapagrespond kung hindi naman, ang layo ng response niya sa topic ko. Tuloy, iba rin yung nangyari noong nakausap na niya mismo si Sean.

Gray: (Kunwari nagkataon lang na nakita kami ni Catharina sa daan) "Verena! Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?"

Ako: (Kunwari doon lang din sila napansin ni Sean) "Oh, kayo rin pala. Wala, napadaan lang. Nga pala, kaibigan ko. Nag-aaral din siya sa school na pinapasukan niyo."

Sean: "Kaibigan mo? Si Catharina? Kaklase rin namin siya ni Gray simula pa noong kinder."

Gray: (Kay Sean) "Oo nga pala. Naalala ko na siya. Siya yung mabait nating kaklase. Ang bait talaga niya."

Ako: "Ahy, oh. Small world."

Catharina: (Mukhang handa ng magsalita sa wakas) "Gusto kita."

Ako, si Sean at si Gray: (Sabay-sabay na napatingin sa kanya)

Catharina: "Sean, gusto kita! Wala akong hihingiing kahit na anong kapalit, kaya sana magustuhan mo rin ako!"

Ako, si Sean at si Gray: (Nakatitig lang sa kanya)

Catharina: (Na-realize ang sinabi, namula, napatakip ng bibig, at bigla na lang tumakbo)

Gray: "Hoy, teka!"

Hinabol ni Gray si Catharina. Hahabulin ko rin sana siya kaso ayaw ko namang iwan si Sean ng mag-isa ng basta-basta na lang. Isa pa, mabilis tumakbo si Gray. Sigurado ako at panatag ako na mahahabol niya si Catharina.

Ako: (Kay Sean) "Babalik pa kaya sila?"

Sean: "Hindi ko rin alam. Pero subukan na lang natin silang hintayin dito."

Ako: "Sige." (Saglit na tumahimik) "Pasensiya ka na. Hindi ko rin alam na gagawin yun ni Catharina."

Sean: "Ayos lang."

Bakit nga ba kasi kailangan pang tumakbo palayo ni Catharina? Dahil ba sa napahiya siya? Nabigla sa ginawa niya? Akala ko rin talaga wala siyang lakas ng loob na ipagtapat yung nararamdaman niya kay Sean. Kung sa iba siguro hindi na importante pa itong bagay na ito. Pero para sa akin napaka importante nito. Pakiramdam ko kasi parang nadaya ako. Iniisip kong ako itong hypocrite kasi hindi ako naging tapat kay Catharina tungkol sa nararamdaman ko. Yun naman pala mauunahan pa pala niya ako sa pagcoconfess kay Sean. Hindi naman sa naisipan kong mag-confess din kay Sean. Kaso kasi... Hay ewan. Naninibago rin ako rito sa nararamdaman ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat na gawin o isipin.

Mga ilang minuto rin kaming naghintay ni Sean. Hindi ko alam kung anong nararamdaman o iniisip niya tungkol sa pagcoconfess sa kanya ni Catharina. Pero sana alam ko. Sana malaman ko. Pero handa ba ako? Ano nang mangyayari pagkatapos ng mga nangyaring yun? Nalaman ko yung kasagutan sa mga tanong kong ito nang magkasamang bumalik nga sila Catharina at Gray. Mukha ngang nabigla rin silang makita na hinihintay pa rin namin sila ni Sean.

Sean: (Agad na lumapit kay Catharina) "Catharina, ikaw ba yung palaging nagbibigay sa akin ng love letter na walang pangalan tuwing Valentine's day?"

Catharina: (Namula) "Oo, ako nga."

Sean: "I see. Kung nilagay mo sana yung pangalan mo, baka napasalamatan din kita."

Catharina: "..."

Sean: "Catha---"

Catharina: "Um, hindi mo ba ako gusto?"

Sean: (Nabigla) "Hindi naman sa ganun."

Catharina: "That's it, isn't it? You don't know enough about me to feel one way or the other. Kaya hindi ko rin muna tatanggapin ang response mo sa ngayon. Kaya... Kaya sana kilalanin mo muna sana ako ng mas mabuti. Tapos doon mo lang ibigay sa akin yung magiging sagot mo, please!"

Sean: (Napakamot ng ulo saka pasimple akong tiningnan)

Ako: (Nagulat sa ginawa niya kaya agad na umiwas ng tingin)

Sean: (Tumingin ulit kay Catharina) "Tama ka. Sige, naiintindihan ko. Kung ganun, ibibigay ko na lang sa 'yo yung cellphone number ko."

Catharina: "Okay!"

At nagpalitan nga sila ng cellphone number habang tintingnan lang namin sila ni Gray. Sinabi rin ni Sean kay Catharina na flexible siya pagdating sa mga oras, kaya nagpasalamat sa kanya si Catharina sa napaka polite na paraan. Napangiti tuloy si Sean at sinabing hindi na niya kailangan pang magpasalamat ng ganun sa kanya. Kung titingnan sa ibang perspetive, normal lang naman yung ginagawa nila at walang kakaiba rito. Pero sa perspective ko? Bakit parang pinipiga yata noon yung puso ko?

Nang magpaalam si Sean, sumabay na rin sa kanya si Gray. Ganun pa man, tinapik muna ni Gray si Catharina sa balikat saka sinabing masaya ito para sa kanya at na hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Kaso ako, hindi ko kayang sabihin ang mga bagay na yun kay Catharina ng hindi nagsisinungaling. Kaya nanahimik lang ako. Pero mas bumigat ang loob ko nang magpasalamat siya sa akin bago kami maghiwalay ng daan. Masaya siya kasi inaakala niyang isa akong kaibigan na handang tumulog sa kanya kahit na anong mangyari. Nagsisimula na tuloy akong magsisi. Ano ba 'tong pinasok ko? Pakiramdam ko tuloy ang tanga-tanga ko. Ang tanga mo, Verena!

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon