Nagkita-kita ulit kami ngayon nila Elene, Sean at Gray pagkatapos ng mga klase namin sa Park. Tulad ng dati, naupo kami sa dating tambayan at kumain ng binaon ni Elene habang nagkwekwentuhan. Yun nga lang, may napansin akong kakaiba ngayon.
Nagsimula ito pagkarating namin mismo sa Park. May nakita akong isang babaeng may suot na salamin na umaali-aligid sa hindi kalayuan. At kahit na hindi ko na siya nakikita, ramdam kong minamatyagan pa rin niya kami. Kaya ng oras na para umalis, pinauna ko na sila Elene, Gray at Sean at sinabi ko na lang na may iba pa akong pupuntahan. Nang medyo nakalayo na sila, nilapitan ko na yung babae kung saan siya nagtatago. Hindi agad niya ako napansin nang mahuli ko siyang sa likod ng isang puno. Base sa kulay blue na uniporme niya, estudyante din siya ng school na pinapasukan nila Sean at Gray, ang Camvard Senior High. Agad ko siyang tinanong kung anong kailangan niya dahil sa pagmamatyag niya kanina pa sa amin. Kaso yung bruha, bigla akong tinakbuhan.
Ganun pa man, hindi pa siya nakakalayo nang mapatid siya at madapa sa tabi ng fountain. Pati tuloy yung bag niya lumipad din. Kumalat yung laman nito sa daan. Bukod sa personal items, notebooks, at mga ballpen ay may kasama din ditong letter. Hindi ko nga lang alam noong una kung anong klaseng letter. Agad ko na lang siyang nilapitan para tulungang makatayo at magpulot ng gamit. Pero sakto namang humangin at nilipad yung letter papunta mismo doon sa fountain. Napatingin dito yung babae na para bang bigla siyang nawalan ng isang napakahalagang bagay.
Babaeng nakasalamin: (Nalungkot) "Ibibigay ko sana yun kay Sean."
Ako: "Ah, sorry."
Babaeng nakasalamin: "Huh?"
Mabilis akong tumakbo noon papunta sa fountain bago pa tuluyang mabasa yung letter. Nang damputin ko ito, agad kong nabasa yung nakasulat dito na, 'To: Sean Marcellus Villareal' at sa likod nito na bahagya nang nabasa ay nakasulat naman ang mga katagang, 'Wala akong hihingiing kahit na anong kapalit, kaya sana magustuhan mo rin ako.' Medyo natigilan ako rito, pero binalik ko rin yung letter sa kanya saka humingi ng paumanhin. Dahil kung hindi ko siya ginulat, hindi rin sana siya mapapatakbo at mangyayari ang ganun. Humingi rin ako ng paumanhin dahil pinag-isipan ko siya ng masama noong una at dahil nabasa ko yung nilalaman ng letter niya para kay Sean. Kinilatis ko rin siya ng mabuti. Maganda siya. Mahaba at wavy yung makapal na buhok niya. Ang puti rin ng kutis niya at kasing-tangkad ko lang siya. At kung hindi lang niya suot ang salamin niya, siguradong mas gaganda pa siya lalo.
Ako: "Pasensiya na ulit dito sa nangyari sa letter mo. Medyo nabasa na."
Babaeng nakasalamin: (Nag-blush) "It's okay. Pwede pa naman akong magsulat ng bago kaya hindi mo na sana 'to kinuha para hindi ka nabasa ng ganyan."
Ako: "Ayos lang. Uwian na rin naman na. Anyway, kung kailangan mo ng tulong para diyan sa sulat sabihin mo lang sa akin at baka matulungan kita."
Babaeng nakasalamin: "I-it's okay. 'Wag na."
Ako: "Sige. Kung ganun, aalis na ako."
Nang maglakad ako, pakiramdam ko nagmistulang swimming pool na ng mga paa ko yung mga sapatos ko. Basang-basa kasi talaga. Tapos ang ingay pa noong nilalakad ko na. Ganun pa man, hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko na naman yung malumanay na boses nung babaeng nakasalamin. At nagulat pa ako dahil alam niya ang pangalan ko.
Babaeng nakasalamin: "V-verena!"
Ako: (Napahinto at lumingon)
Isip ko: "Verena? Alam niya pangalan ko?"
Babaeng nakasalamin: "I-if that's the case, pwede mo ba akong pakinggan?"
Ako: (Lumapit ulit sa kanya) "Sige lang. Tungkol saan?"
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...