Si Gray ang unang dumating sa meeting place nila ni Elene. Simple lang ang suot niya. White shirt, maong shorts at rubber shoes. Samantala, hindi naman exactly late si Elene pero nang dumating siya, hindi na nakapagtataka kung bakit hindi siya nauna ngayon sa meeting place nila. Talagang pinaghandaan kasi niya ang araw na 'to. Nakasuot siya ng peach-colored sleevess dress, matching sandals, at naka-braid naman sa dalawa ang buhok niya. May dala din siyang picnic bag na siguradong pagkain na naman ang laman. Kaya hindi na nakakagulat na natulala sa kanya si Gray. Paano ko nalaman? Well, dahil tapos ko na yung movie series na pinapanood ko at wala akong magawa ngayon sa boarding house at sa buhay ko, naisipan ko lang mamasyal at magsight-seeing ng kaunti.
Pero kapag titingnan pala sa malayuan, halata ang agwat sa height nila Elene at Gray. Nasa chest level lang kasi ni Gray si Elene kaya para tuloy silang magkapatid lang. Kaso may kasabihan yung mga luma-lovelife dito eh. Yung ano yun... Yung, ahh! Height doesn't matter daw. Anyway, hindi ko na narinig pa kung ano ang pinag-usapan nila noong una. Medyo malayo kasi yung lugar na pinagtataguan ko mula sa kinaroroonan nila. Nagawa ko lang makalapit noong umupo na sila sa usual bench na inuupuan namin kapag magkakasama kami. Nagtago ako roon sa bandang likuran nila na natatakpan ng malalagong mga halaman.
Hindi na ako nagtaka nang agad na lantakan ni Gray yung dalang heart-shaped cupcakes ni Elene. Hindi tuloy ako sigurado kung nasasarapan ba siya sa bine-bake ni Elene o malakas lang talaga siyang kumain. O baka naman talagang palagi lang gutom.
Gray: "Ang sarap nitong cupcake!"
Elene: "Ang dami mong palaging nakakain sa mga bine-bake ko. Nakakatuwa." (Saglit na katahimikan maliban sa pagkain ni Gray) "G-gray. U-um... Ah, teka. May dinala rin pala akong inumin. Nung last time kasi na si Sean yung nakaisip sa inumin, silang dalawa ni V ang bumili. Napaka-considerate niya." (Nagsalin ng tsaa sa takip ng maliit na thermos)
Gray: "Oo, considerate talaga si Sean. Wala din siyang girlfriend. Tapos magaganda ang sinasabi niya tungkol sa'yo."
Napa-face palm ako rito. Ang sarap batukan ni Gray. Kung hindi lang ako nagtatago, ginawa ko na talaga 'to.
Gray: "Hindi rin siya manloloko ng babae. Matalino siya at gwapo, at mabuti siyang tao. Kilala nga siya sa school namin eh. Maniwala ka sa 'kin. Kilala ko na siya simula pa noong three years old pa lang kami. Kaya sinisiguro ko na mabuting tao si Sea---Elene?"
Elene: (Nagsimulang maiyak) "Sorry. Napuwing yata ako. O baka... Baka medyo nagkaproblema lang sa contact lens ko."
Gray: (Lumapit kay Elene) "Patingin nga."
Elene: (Lumayo kay Gray) "Sorry, kailangan ko nang umalis! Sorry!" (Tumakbo na paalis)
Speaking of tanga. Ang tanga ni Gray. At dahil wala na rin naman si Elene, tahimik na lang akong umalis mula sa pinagtataguan ko at lumayo na. Bahala na si Gray na mamroblema ng mag-isa para gumana rin naman yung brain cells niya. Habang naglalakad, tinawagan ko na lang yung taong alam kong makakatulong.
Ako: "Hello?"
Sean: "Verena."
Ako: "Unsuccessful ang first date nila. Umiyak si Elene."
Sean: "Umiyak siya?"
Ako: "Hindi. Tumawa siya."
Sean: "..."
Ako: "Sa tingin ko, kailangan nang malaman ng kaibigan mo ang lahat dahil hindi na rin ako natutuwa."
Isa sa mga pinaka ayaw na ayaw ko ang nakikitang umiiyak si Elene. Kapag kasi ang isang tao nakasanayan mo nang palaging ngumingiti, parang may mali na kapag nakita mo siyang umiyak.
Sean: "Tingnan ko na lang kung anong magagawa ko."
Saktong pagkatapos naming mag-usap ni Sean, nag-ring ulit yung cellphone ko. At sa pagkakatong 'to, hindi ko na kailangan pang basahin yung pangalan sa screen para malaman kung sino ang tumawag.
Nagkita kami ni Elene sa isang mall at nag-usap. Sinabi niya sa akin ang nangyari at kinalabasan ng naging date nila ni Gray. Hindi ko na talaga ito kailangang marinig pa pero nanahimik na lang ako. Nang mailabas niya lahat ng saloobin niya, napagpasyahan naming puntahan din si Sean. Dito ko lang nalaman na nakatira lang din pala si Sean sa parehong apartment complex na tinitirhan ni Gray. Sa katunayan, magkatabi lang yung tinitirhan nila. Sabi sa akin ni Elene, bukod daw kasi sa magkapit-bahay sila Gray at Sean, magkaibigan din daw ang mga nanay nila. Kaya din daw siguro naging magkaibigan yung dalawa.
Nang kumatok kami ni Elene, isang babae ang bumungad sa may pinto. Unang tingin pa lang, alam ko nang ito ang nanay ni Sean dahil magkahawig sila. Tulad ng nanay dati ni Gray, saglit din siyang nawala pagkatapos naming magpakilala ni Elene at pagbalik niya ay pinapasok na niya kami. Naabutan namin si Sean na nakaupo sa tapat ng study table niya. Naupo naman si Elene sa gilid ng kama. Samantalang ako, nanatili lang akong nakatayo habang nakasandal sa pader at humalukipkip.
Ako: "Nag-usap na kami ni Elene kanina. Pero mas maganda kung maririnig mo din 'to mismo, total kaibigan mo naman si Gray."
Elene: "S-sean... Umiyak kasi ako sa harap ni Gray! Anong gagawin ko? Paano ko yun ipapaliwanag? Tapos halatang hindi talaga siya mapakali kanina. Anong gagawin ko?"
Sean: "Bakit ka ba umiyak?"
Elene: (Naluluha) "Palagi ka kasing sina-suggest ni Gray. Palaging ikaw ang kinekwento niya. Naisip ko na baka paraan lang niya yun para i-reject ako ng hindi deretsahan. Kaya humirap yung sitwasyon."
Sean: "Kung ganun, ano nang gagawin mo? Susuko ka na?"
Elene: (Tuluyang umiyak saka umiling) "Ayaw ko. Susubukan ko pa rin! Sa tingin ko kasi, hindi na ako makakakilala pa ng katulad ni Gray."
Sean: "Well, baka tama ka diyan."
Elene: "Gustong-gusto ko talaga siya!"
Sean: "Okay, sabihin mo ulit 'yan."
Elene: "Huh?"
Sean: "Paki ulit yung sinabi mo kanina."
Elene: "Gusto ko siya!"
Ako: "Sino yung gusto mo?"
Elene: "Gusto ko si Gray!"
Ako: "'Yan ang ulitin mo para maging malinaw ang lahat."
Elene: "Gustong-gusto ko talaga si Gray!"
Sean: (Tumayo mula sa kinauupuan niya) "Para lang makasiguro, sabihin mo ulit 'yan ng isa pa."
Elene: "Gusto ko si Gray!"
Parang sirang plaka lang si Elene, 'di ba? Pero pagkatapos nito, nag-squat si Sean sa tabi ng kama niya, sumilip sa ilalim, at pinalabas mula dun ang ano mang kutong-lupa na nagtatago dun. Kung si Elene hindi makapaniwala nang makita niya si Gray, ako naman hindi na. Nung tinext ko kasi si Sean para ipaalam sa kanyang pupuntahan namin siya, nag-reply siya na kasama daw niya si Gray. Dito na nabuo yung plano. Yun nga lang, muntik nang magalit si Elene kasi akala niya parang inuto o niloko namin siya. Pero pinaliwanag sa kanya ni Sean na hindi kasi maniniwala si Gray hangga't hindi niya naririnig mismo yung feelings ni Elene para rito.
At hayun, puro kakornihan na ang nangyari. Nag-confess na si Elene at Gray na gusto na nila yung isa't isa noong una pa lang silang nagkita. Kaya ngayon, official na. Sila na. Ang bilis noh? Pero para sa akin hindi naman importante kung gaano kayo katagal magkakilala bago maging kayo. Dahil yung iba, walo o sampung taon nang nagsasama pero sa huli, nauuwi din sa hiwalayan. Kaya kung feel niyong kayo, eh di kayo. Basta alam niyong totoo ang nararamdaman niyo para sa isa't isa, hindi na mahalaga kung gaano kaigsi o kahaba ang tagal ng pinagsamahan niyo. Ang totoo, hindi ko rin alam kung saan ko napulot itong pinagsasasabi kong 'to dito. Nahawaan na yata ako ng kakornihan nung dalawa. Tss.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...