Sportsfest ngayon ng Camvard Senior High. Sadly, hindi namin mapapanood ni Elene sila Gray at Sean dahil may klase kami. At saka hindi rin lang ako sigurado kung invited kami roon.
Anyway, tulad ng inaasahan, medyo namamatay na yung mga tsismis tungkol sa ako raw ang dahilan sa break-up nila Renzo at Beatriz. Malamang nagsasawa na rin yung mga tsismoso at tsismosa sa paulit-ulit na tsismis kaya move on na rin sila sa wakas. Pero kung sila, moved on na, itong si Renzo mukhang hindi pa. I mean, ewan kung naka-move on na siya kay Beatriz pero simula kasi noong break-up nila, naging limited na lang yung pakikipag-interact niya sa akin. Kaso kanina, binati ulit niya ako ng good morning at medyo nakipag-usap din sa akin ng kaunti. Hindi nga lang siya yung kasing-lively at kasing-kulit ng dati. Hindi na rin niya ako sinusundan-sundan. Kaya dahil normal na lang siyang makipag-interact sa akin, medyo kinakausap ko na rin siya ng maayos. Yung casual lang. Tulad lang din sa pagtrato ko sa iba pang kaklase ko na hindi ko ka-close.
Okay, next topic. May napansin akong kakaiba kay Elene kaninang lunch time. Medyo malalim ang iniisip niya. Kaya tinanong ko kung anong problema. Agad naman siyang nag-share sa akin. At hindi na ako nagulat nang may kinalaman na naman ulit ito kay Gray. Dati raw kasi, handa raw talaga siyang lumaban kung may ibang babae daw na magkakagusto kay Gray. Pero ngayon napapaisip daw siya kung paano niya ipaglalaban si Gray. Sa totoo lang, wala akong nasabi rito. Ano naman kasi ang alam ko rito eh about naman kasi sa lovelife? Tapos ang weird pa nung idinagdag niya sa huli. Paano raw kung masyadong nag-enjoy yung babaeng nakipagsayaw sa bear tapos gustuhin ulit niya itong makita? Ilang seconds din atang nag-loading yung utak ko rito bago ko na-realize na yung kantang 'The Bear and the Lost Earring' pala yung tinutukoy niya. Seriously, Elene, hindi na naka get over?
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...