Ayaw ko sa dagat hindi lang dahil sa trauma ko noon. Ayaw ko sa dagat nanag dahil din sa nakakatakot itong tingnan kapag masama ang panahon. Yung tipong napakadilim tingnan nito, yung tipong pwede kang lunurin o lamunin ano mang oras. At kapag nilamon ka na nito, wala ka nang makapitan pa na kahit ano. At kung nalulunod ka na at hindi ka makalangoy, himala na lang kung makakaahon ka pa ng buhay. Tulad na lang ng paglamon at paglunod sa akin ng nararamdaman kong kalungkutan.
Nandito akong nakaupo ngayon sa buhanginan habang nakatanaw lang sa karagatan. Madilim sa paligid maliban sa liwanang na dulot ng bilog na buwan sa kalangitan. Maginaw dahil sa malamig na hanging nanggagaling sa direksyon ng karagatan. Pati yung tubig na dumadampi sa mga paa ko malamig din. Pero wala akong pakialam kahit pa na may trauma ako sa dagat. Wala na akong paki---
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Okay. Nabitiwan ko yung cellphone ko kanina sa gulat kaya hindi ko naituloy yung tinatype ko. Anyway, okay na. Pwede na ulit akong mag-type ngayon. May biglang nag-alok lang kasi sa akin ng kape kanina. Tuloy, naibato ko bigla yung phone ko. Tapos pagtingin ko sa tabi ko, si Sean lang pala. Akala ko panaginip lang. Pero nang tinanggap ko yung kape at hinigop yun, napaso yung dila ko. Kaya confirmed. Hindi siya panaginip. Kaya tinitigan ko siya. Kalmado lang siyang humihigop ng kape tulad ko. Akala mo naman normal lang na bigla na lang siyang sumulpot mula sa kung saan-saan.
Ako: "Paano mo ako nahanap?"
Sean: "Kanina pa kita sinusundan simula ng makasakay ka sa bus."
Ako: "Ganun? Eh bakit hindi mo ako nilapitan?"
Sean: "Binibigyan lang kita ng space. Baka kasi kailangan mo."
Well, kailangan ko nga ng space. Pero kung siya naman yung lalapit sa akin, well...
Ako: (Tumahimik saglit) "Narinig niyo lahat yung sinabi ko kay daddy?"
Sean: "Simula noong nagtaasan kayo ng boses, oo."
Ako: "Oh." (Humigop ng kape) "Pasensiya na. Nag-effort pa man din kayong maghanda para sa birthday ko tapos ganun lang pala ang naging katapusan."
Sean: "Ikaw ang mas inaalala nila kesa sa doon sa selebrasyon."
Isip ko: "Eh ikaw, inaalala mo rin ba ako?"
Sean: "Oo naman."
Ako: (Kinagat yung dila nang ma-realize na naisaboses yung iniisip)
Isip ko: "Bilang kaibigan lang 'yan, Verena. Bilang kaibigan lang. Kalma lang."
Ako: "Kumusta sila dun? Ang ibig kong sabihin, noong pagkaalis ko?"
Sean: "Ang alam ko nanatili pa sila doon. Hindi rin ako sigurado. Hinanap ka na agad kasi namin nila Elene at Gray nun."
Ako: "Pakiramdam ko tuloy ang sama ko. Una, sinigawan ko yung tatay ko. Pangalawa, pinag-alala ko kayo. Pangatlo, napunta ka tuloy ngayon dito ng wala sa oras dahil sa akin."
Sean: (Tumingin sa mga mata ko) "Wala namang kaso sa akin yun, Verena. Pero ikaw? 'Yan ba talaga ang nararamdaman mo ngayon?"
Ako: (Hindi makasagot kaya nilagok na lang lahat yung mainit na kape)
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Chick-LitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...