Sports festival na raw nila Gray at Sean sa Camvard Senior High next week. At may sasalihan si Gray na Swedish relay.
Ayon sa na-research ni Sean sa internet, ang Swedish relay daw ay yung tatakbo yung first runner ng one hundred meters, yung susunod two hundred meters, tapos three hundred meters, at four hundred meters yung huli for a total of one thousand meters. Tinatawag daw itong Swedish relay dahil nag-originate ito sa Sweden. Sa tingin ko ito yung klase ng takbuhan kung saan may ipapasa kang isang baton sa isa pang kasama mo kaya ito tinawag na relay.
Yung sa mga sumunod na usapan, wala na akong naintindihan pa. Paano naman kasi, walang tigil sa kava-vibrate yung phone ko. At nang tingnan ko 'to, naka-receive daw ako ng eight messages galing kay Renzo at ng dalawang missed calls. Putik! Binasa ko yung mga text niya. At yung loko, nagkwekwento lang naman tungkol sa aso niya. Ano namang pakialam ko sa aso niya?! Nang-iinis talaga. Argh! Dahil hindi na ako nakatiis pa, pinindot ko yung reply button saka nagsimulang i-type na tumigil na siya sa katetext sa 'kin dahil busy ako. Well, busy naman talaga ako sa paglalakad.
Sean: "Verena."
Ako: (Busy pa rin sa pagtetext) "Oh?"
Sean: "Mababangga ka na."
Ako: "Hu---Aray! Ano ba naman?!"
Naumpog nga po ako sa poste sabay nabitiwan ko pa yung phone ko. Shet!
Elene: "V, ayos ka lang?"
Ako: "Elene, gusto mo ring mauntog sa poste para malaman mo?" (Naalala yung phone) "OhmiGod! Yung phone ko!"
Sean: (Pinulot yung phone saka tiningnan) "Gumagana pa."
Elene: "Si Renzo na naman ba 'yan?"
Gray: "Si Renzo na naman? Ba't ano bang meron sa kanila?"
Ako: "Anong 'anong meron sa 'min'? Walang kami. At saka, Elene, bakit mo naman nasabing si Renzo na naman 'to?"
Elene: "Kasi nagkakaganyan ka lang naman kapag involve na siya."
Ako: "Ganun? Well, makulit eh."
Elene: (Medyo natawa) "Kasi nga, gusto ka niya."
Ako: (Kinuha na lang kay Sean yung phone ko na tahimik lang din niyang inabot sa 'kin)
Kaya ngayon, may gasgas na tuloy 'tong phone ko. Bwisit! Tulad nga ng sinabi ni Elene, palagi na lang akong napapahamak dahil sa Renzo na 'yan. Kawawa naman tuloy 'tong cp ko. Buti na lang matibay. At buti na lang may dalang cream puff nun si Elene na kinain namin sa dati naming tambayan kaya medyo nabawasan yung init ng ulo ko kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...