ENTRY 114: Special delivery!

314 5 0
                                    

Uwian na namin nang i-text ni Elene si Gray kung ayos lang daw ba ulit ang dumalaw sa kanila. Hindi naman na talaga ako dapat kasama, kaso nang sinabi ni Gray na sa ospital siya dederetso, well, napasama na rin ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin gustong bumibisita sa ospital. Para kasi akong bumabalik sa nakaraan. Noon din kasi, halos yung ospital na ang naging tirahan ng kapatid ko dahil sa sakit niya sa puso. Inborn na talaga ang sakit niyang yun. Tapos sobrang hirap pang humanap ng donor na compatible yung pusong idodonate sa kanya. Alam ko na nalulungkot siya dahil wala siyang makasama na mga bata na tulad niya sa ospital. At kung meron man, agad ding umaalis kapag gumagaling na at siya na lang din daw ulit ang naiiwan. Yung parents naman namin, masyadong abala noon sa trabaho para may maipambayad kami sa mga gastusin sa ospital. Kaya naman, palagi akong sa ospital dumederetso tuwing uwian ko noong elementary pa lang ako para makipagkwentuhan sa kanya o makipaglaro ng board games.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakikipagkaibigan noon. Tinatapos ko na kasi agad sa school lahat ng schoolworks o assignments ko para wala na akong gagawin pa kapag nasa ospital na ako. Kaya hindi rin ako nagpapa-istorbo kahit pa inaaya ako ng mga kaklase kong makipaglaro sa kanila. Pero kahit kailan hindi ko sinisi dito si Tiffany. Masaya ako noon sa ginagawa ko. Masaya ako dahil handa akong gawin ang kahit na ano para sa kanya. Kung pwede nga lang yung puso ko na lang ang ido-donate ko para sa kanya. Pero hindi rin naman pwede dahil siguradong hindi rin siya papayag. Ito lang talaga ang pangit sa ospital minsan. Dito rin kasi maraming namamatay. Ganun pa man, dito rin may naililigtas o isinisilang na bagong buhay.

Magkakasama kaming dumating nila Elene at Sean sa ospital kung saan nadatnan namin si Gray na bumibili ng inumin sa isang vending machine. Kahit papaano, natutuwa din akong makita kung paano alalayan at suportahan ni Elene si Gray. Ngayon pa lang talaga, nakikita ko na ang magandang future nilang dalawa. Pumunta na kami sa second floor matapos nun para puntahan yung mama ni Gray. Yun nga lang, hindi namin inaasahan ang madadatnan namin. Nagkakaroon na kasi ng contractions noon yung mama ni Gray. Nabigla lang yung tatlo, pero dahil nangyari din ito noon kay mommy noong ipapanganak na niya si Tiffany, ako ang agad na umaksyon at pinindot ang intercom para papuntahin yung nurse dala ang wheelchair. Pinakuha naman ng mama ni Gray yung black na handbag niya. Yung naman pala ay para kunin lang yung safe birth charm na binigay sa kanya ni Elene. Mukhang ngayon pa lang magkasundong-magkasundo na yung mga magiging mag future-in-laws. Hehe.

Naghihintay na lang kami ngayon dito sa labas ng delivery room habang nakaupo. Tahimik lang kaming apat. Pero kahit na nananahimik lang din ako tulad nila Elene, Gray at Sean, todo dasal ako sa loob-loob ko na sana maging maayos lang ang kalagayan ng mama ni Gray at ng magiging kapatid niya. Na sana maging malusog yung sanggol pagkasilang niya. Na sana---okay, nandito na yung doctor. Heto na. Moment of truth na.

TO BE CONTINUED...

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon