ENTRY 108: Katahimikan

316 4 0
                                    

Wala na sila daddy at Zoey pagkauwi ko sa boarding. Mukhang inayos na rin nila Elene at Gray yung mga ginamit nilang pandesign bilang sorpresa sa akin sa kaarawan ko. Yung mga pagkain naman sa refrigerator nila nilagay. Ang hindi lang siguro nagbago ay yung paso pa rin sa dila ko.

Tahimik na ulit ngayon dito sa boarding. Mag-isa na lang kasi ulit ako. Sanay naman akong mag-isa lang dito at na tahimik palagi dito pero parang may kakaiba lang ngayon. Parang medyo nakakalungkot lang. Ewan ba. Kaya naligo na lang agad ako kanina, nagbihis, saka tinext sila Elene at Gray para humingi ng paumanhin sa nangyari. Sila daddy, ewan. Hindi pa ako handang kausapin ulit siya kaya hinayaan ko na lang muna yung nangyaring gusot sa pagitan naming dalawa.

Kaya sa ngayon matutulog na lang muna ulit ako kahit na umaga pa. Wala kasi akong ganang kumain o kahit na mag-movie marathon man lang. At dahil wala akong ganang gumawa ng kahit na ano maliban sa paggawa ng entry na 'to na tatapusin ko na rin, matutulog na lang ako. So, good morning and good night.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon