Nagpasama sa akin ngayon si Elene papunta kila Gray. Nabanggit daw kasi nito sa kanya na nagrereview daw ito ngayon para sa final exams, kaya naisipan daw niyang gawan ito ng chocolates. Hassle nga eh. Pero dahil wala rin lang naman akong gagawin at mas lalong wala akong balak magreview ngayon, sinamahan ko na lang siya.
Naalala kong buntis nga pala yung mama ni Gray nang makita ko ito. Pero hindi pa halata sa tiyan nito. Isa o dalawang linggo pa lang yata kasi yung dinadala nito. Anyway, nadatnan nga namin ni Elene si Gray sa kwarto nito na nagrereview kasama si Sean. At napansin ko na na habang kinakausap ni Elene si Gray, kinikilatis siyang mabuti ng mama ni Gray. Sa tingin ko, napansin niya base sa usapan ng dalawa na may something sa kanila. Pero wala namang sinabi yung mama ni Gray tungkol dito. Sa halip, pinaghintay niya kami sa kwarto ni Gray kasama si Sean, samantalang tinawag naman niya si Gray para tumulong sa pagtitimpla ng tsaa. Anong nangyari sa tsaa pagbalik ni Gray? Wala. Sabi ni Gray, lumabas pa raw kasi yung mama niya para bumili ng tsaa. Tuloy, nakakahiya kasi naabala pa namin siya. Ito namang si Elene kinakabahan daw habang kausap niya yung mama ni Gray. Well, I guess, ganun talaga kapag ma-memeet mo yung parents ng boyfriend mo. Dito na nga rin pala nabanggit ni Gray na sinabi na raw niya sa mama niya na gf niya si Elene. At mukha namang ikinatuwa ito ng bruha.
Pagkatapos nun, sumabog na yung utak ko. Biro lang. Napagtripan lang ng tatlo na buklatin yung mga textbook na nasa mesa. Ayaw na ayaw ko lang kasing nagbabasa ng mga libro. Dito naman napansin ni Elene na parehong-pareho lang pala yung textbooks na gamit nila sa textbooks na gamit din namin sa school. Katulad din kasi nila Gray at Sean, general subjects pa lang din ang mga kinuha namin. Kaya sa huli, napagkasunduan ng tatlo na pwede kaming mag-usap-usap tungkol dito bilang review na rin namin sa nalalapit na final exams. Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto ni Gray sa parteng 'to, pero memorization lang naman pala muna ang gagawin nila. Kaya nagbukas na rin ako ng libro at kunwari nagmememorize din ako. Pero ang totoo, nakatitig lang talaga ako dun sa libro at walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. At lintik lang dahil dito pa talaga ako napansin ni Elene.
Elene: "V, okay ka lang ba?"
Ako: (Kunwari tutok sa libro) "Huh? Oo, naman. Okay lang ako."
Elene: "Sigurado ka ba? Kasi 'di ba, hirap kang magreview kapag libro yung binabasa mo?"
Gray: "Bakit naman hirap siyang mag-review kapag libro ang gamit niya?"
Elene: "Kasi hindi visual learner si V. Mas madali niyang natatandaan yung mga pinag-aaralan niya kapag naririnig niya, basta interesado siya sa subject. Kapag bagong kanta naman yung pinapakinggan niya, memorize na agad niya lahat yung lyrics kahit minsan pa lang niyang narinig yung kantang yun."
Gray: (Manghang napatingin sa akin) "Wow. Genius!"
Ako: (Sinara yung hinayupak na librong kunwaring binabasa ko) "Genius ka diyan. Hindi ka ba nakikinig? Oo, madali kong natatandaan yung mga naririnig ko basta interesado ako pero kulelat ako pagdating sa pagbabasa at sa pag-iintindi ng mga libro. Anong genius dun? Sa tingin ko, imbalanced skills ang tawag dun."
Sean: "Kung ganun, tutulungan na lang kitang mag-review."
Ako: (Hindi sigurado sa narinig) "Sino?"
Sean: "Ikaw."
Ako: "Sigurado ka?"
Sean: "Oo."
Ako: "Akala ko ba tinutulungan mong magreview si Gray?"
Elene: (Ngumiti) "Kaming dalawa na ni Gray ang magkasamang magrereview simula bukas. Pareho lang naman pala kasi yung textbooks na ginagamit natin kaya kahit kaming dalawa na lang magtulungan sa pagrereview."
Dito nga nagtapos ang usapan nang saktong kumatok yung mama ni Gray dala yung mga tsaa. At kahit na hindi pa rin ako makapaniwala sa naganap na usapan naming apat, napansin ko pa rin na mukhang tuwang-tuwa yung mama ni Gray kay Elene. Extra-kind kasi siya rito kapag kausap niya ito. Kaya ako na kaibigan ni Elene, natutuwa rin ako rito. Mukhang matatanggap si Elene ng pamilya ni Gray. At bakit naman hindi?
P.S.
Seryoso? Tutulungan talaga ako ni Sean na mag-review? Bakit parang natutuwa ata ko?
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...