Lunch time ngayon. Ngayon nga lang ata ako gagawa ng entry ko dito sa school. Paano ba naman kasing hindi ako mapapasulat---type pala---agad dito, eh may nangyari kaninang recess na hindi ko inaasahan. Mabuti na nga lang at mabilis yung internet dito,
Masaya na sana yung araw ko kasi absent yung papansin. May sakit daw. Kaso noong recess, may babaeng taga-science section---section ng likas na matatalino na talaga sa buong school namin---ang naghanap sa akin sa room. Alam kong taga-science section siya dahil sa yellow necktie nila na sa kanila lang naman meron. Alam kong may kakaiba na nun. Normally kasi wala namang manghahanap sa akin ng ganun, lalo na at wala namang akong kilala sa science section at mas lalong walang dapat na nakakakilala sa 'kin dun. Well, 'dapat'. Kaso meron pala. At saka may napansin din akong kakaiba sa mga barkada ni Renzo, nagtinginan sila na para bang may alam silang sekreto na sila lang ang nakakaalam. Malamang, meron. Lalo na at parang naging tense yung paligid noong nakaharap ko na yung babaeng may maamong mukha at yung tatlo pang mga kaibigan niya. Siyempre, may mga echosero at echosera rin sa paligid. Para silang nanonood ng table tennis nang mag-usap na kami nung babae. Beatriz daw ang pangalan niya, ang girlfriend daw ni Renzo for almost three years na. At ito pa ang mga sinabi niya:
Beatriz: "Ikaw si Verena?"
Ako: "Anong kailangan nila?"
Beatriz: "Ikaw nga si Verena? Yung nang-aagaw sa boyfriend ko?"
Ako: "Verena ang pangalan ko. Pero yung sinasabi mong Verena na nang-aagaw sa boyfriend mo, hindi ko kilala kung sino yun."
Beatriz: "Ikaw lang naman yung nag-iisang Verena dito sa star section na seatmate ni Renzo, kaya malamang ikaw yun."
Ako: "Oo, ako si Verena. Oo, taga-star section ako. Oo, seatmate ako ni Renzo. Pero hindi ang sagot ko kung sinasabi mong inaagaw ko ang boyfriend mo na si Renzo."
Beatriz: (Nag-angat ng isang kilay) "Talaga? Eh ano yung mga nababalitaan kong nilalandi mo raw ang boyfriend ko? Kaya kung ako sa 'yo, layuan mo na siya. Isa pa..." (Tiningnan ako pataas-pababa at pababa-pataas) "...hindi kayo bagay. At sigurado akong hindi ka niya magugustuhan."
Ako: "Yung tungkol sa sinabi mo nilalandi ko ang boyfriend mo, may ebidensya ka?"
Beatriz: "Wala, pe---"
Ako: "Nilalayuan ko rin naman talaga siya. Kasi, oo, hindi talaga kami bagay dahil hindi ko siya gusto. At kung sigurado kang hindi niya ako magugustuhan, ano pang ginagawa mo rito kung ganun? Wala ka bang tiwala sa kanya o nai-insecure ka? O baka naman both?"
Beatriz: (Nagbukas-sara yung bibig niya, hindi makapagdecide kung ano ang sasabihin) "Basta layuan mo ang boyfriend ko."
Ako: (Ngumiti) "Oh, sure. Pero, actually, siya ang kailangan mong sabihan na layuan ako. Nakakasakal na rin kasi. At saka, wag kang mag-alala, iyong-iyo na siya. Ikaw na nga rin ang nagsabi, hindi niya ako magugustuhan. Kaya tapos ang usapan. Nice to meet you, Beatriz."
Beatriz: "Hmp!" (Nagwalk-out na kasama ang mga kaibigan niya na umismid din)
Elene: (Kababalik lang galing sa c.r.) "V, anong nangyari?"
Pinabasa ko na lang kay Elene itong entry na 'to dahil nababanas ako ng sobra sa araw na 'to. Wala na ring iba pang nagtangkang kumausap sa akin dahil alam nilang beast mode ako. At kapag beast mode ako, beast mode ako. Sinasabi ko na nga ba at may katarantaduhan talaga yang Renzo na 'yan. Sige, sabihin na nating baka may valid explanation siya sa nangyari. Pero tama bang hayaan niya ang nakawalang girlfriend niya sa sugudin ako ng ganun dito sa room namin?! Putang ina kaya! Napaka-unethical. Parang walang pinag-aralan. Masyadong insecure. Immature pa. Hindi daw ako magugustuhan? Eh bakit niya ako hinanap para lang kausapin ng ganun? Taga science section ba talaga yun? Mas malala pa siya sa pinaka bitch na kilala ko sa lowest section. Bwisit!
Sinabihan ko na lang din si Elene na 'wag na lang banggitin ang bagay na 'to kapag kasama na namin sila Gray at Sean. Girl issue naman kasi ito kaya hindi na nila kailangang malaman pa ang tungkol dito. Isa pa, kayang-kaya ko na rin naman ang sarili ko, kaya wala na silang dapat ipag-alala pa tungkol sa akin.
P.S.
Medyo kilala pala yung Beatriz na yun sa school. Kanina ko lang nalaman dahil kanina lang din naman ako nagkainteres tungkol sa kanya. Siguro maganda kasi siya at matalino. Maamo pa yung mukha. Kaya marami ring nagkaka-crush sa kanya. Well, yung mga lalaki din naman kasi minsan, basta maganda, wala na silang pakialam sa ugali. Sige na lang sila ng sige.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...