CONTINUATION...
Nauna kaming dumating ni Sean sa venue ng competition kesa kay Gray. Ganun pa man, umabot din naman si Gray sa tamang oras. Basang-basa nga lang siya ng pawis dahil sa pagmamadali. Inabot agad niya kay Daniel yung equipments at sinabihan ito ng good luck, kung saan nagpasalamat si Daniel.
Pinanood namin yung competition. At iisa lang masasabi ko. Nakakagutom. Kulang na lang mag-volunteer ako na maging isa sa mga judge para makakain din nung nagawang mga cake. Pero infairness kay Daniel, kahit na naiinis ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang mabilib habang pinapanood siyang nagtratrabaho. Talaga kasing nandun yung focus niya sa ginagawa niya at accurate ang lahat ng kilos niya. Ang ganda rin nung art ng ginawa niyang cake. Hindi nga ako makapaniwalang pagkain yun o kung makakain man yung ginawa niya pati rin naman yung sa iba. Para kasing plastic sa pagkaperpekto ng itsura. Nang matapos yung oras ng kompetisyon, nagsimula na yung judging.
Elene: "Ang gaganda lahat nung mga cake."
Gray: "Nag-aalala ka ba?"
Elene: "Oo. Medyo."
Gray: "Magiging ayos lang ang lahat. Siguradong mananalo si Daniel."
Elene: (Ngumiti) "Okay!"
Gray: (Lumingon-lingon sa paligid)
Elene: "Gray, bakit?"
Gray: (Tumayo) "Magbabanyo lang ako."
Elene: "Malapit lang sa entrance yung mga banyo."
Gray: "Okay, sige."
Sean: "Verena, susundan ko lang si Gray."
Ako: "Sige."
Well, hindi naman talaga kasi ayos ang lahat, lalo na kay Gray. No wonder naisipan ni Sean na sundan si Gray para kausapin. Nang bumalik sila, binalita sa kanila ni Elene na sasabihin na yung resulta ng kompetisyon pagkalipas ng isang oras. Dito lumapit sa amin si Daniel at kinausap si Gray.
Daniel: "Salamat kanina. Also, I was able to give everything I had, thanks to you." (Lumapit pa lalo kay Gray saka nagsalita sa mababang boses) "I do owe you my thanks. Pero hindi ako magpipigil." (Naglakad na paalis)
Elene: "Gray, may nangyari ba?"
Gray: "Hindi, wala." (Pinagmasdan si Elene) "Wala lang yun."
Nang i-announce yung mga nanalo, si Daniel Alcantara nga ang nakakuha ng gold medal. May mga press na kinuhaan siya ng mga picture at in-interview din siya. Kaya hinintay na lang namin siya sa may hallway hanggang sa matapos siyang interviewhin ng press.
Elene: (Tuwang-tuwa na binati si Daniel) "Congratulations! Na-impress talaga ako! Iniba mo na naman yung cake kumpara doon sa huling nakita ko na pinapractice mo, kaya nasurprise din ako! Ibebenta mo ba yung cake na yun sa store?"
Daniel: "Oo."
Elene: "Gusto ko rin yung masubukan!"
Isip ko: "Gusto ko rin yung tikman, pero hindi ko sasabihin."
Daniel: "Sa tingin ko, papangalanan ko yung cake na yun ng 'Elenea' galing sa pangalan mo."
Elene: (Natigilan) "Huh?"
Daniel: (Hinawakan yung suot niyang medal) "Para sa 'yo itong gold medal na 'to. Gusto kita, Elene. Pwede bang simula sa araw na 'to, manatili ka sa tabi ko bilang babaeng nakatadhana para sa akin? Pwede bang maging akin ka na lang? Kailangan kita, Elene."
Elene: (Saglit na natulala) "... Ah, sorry. Hindi ko inaasahan yun, nabigla tuloy ako? Masaya akong tulungan ka. Gustong-gusto ko rin yung mga cake na ginagawa mo. Pero kasi simula pa lang noong una kong nakita si Gray, sa kanya na talaga yung puso ko."
Daniel: "Talagang mahal mo siya?"
Elene: "Oo, mahal ko siya. At saka, um, Daniel. Hindi ako yung babaeng nakatadhana para sa 'yo o ang babaeng tutulong sa 'yo sa trabaho mo hanggang sa hinaharap. Isa lang akong part-timer. At yung dahilan kaya mo napanalunan ngayon 'yang gold medal ay dahil sa sarili mong abilidad. Sa tingin ko, dahil ito sa hardwork at talent mo. Kaya sana ipagpatuloy mo pa rin ang paggawa mo ng magaganda at masasarap na mga cake."
Daniel: (Ngumiti) "Oo naman." (Tumingin kay Gray) "So there you have it. Sana patuloy mong alagaan si Elene."
Gray: "Oo, walang problema."
Aaaaaand... All is well. Sa wakas, wala ng Daniel sa buhay namin. Nyahahaha! Nagpaalam na si Elene sa kanya matapos nun at magkakasama na kaming apat na umalis. Wala akong maisip na salita para mailarawan ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, magiging maganda ang pagsasama nila Gray at Elene simula ngayon hanggang sa hinaharap. At alam kong malalampasan nila ang ano mang pagsubok na darating sa relasyon nila, alam ko dahil matatag ang pagmamahalan nila at palagi lang kaming nandito ni Sean para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Chick-LitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...