ENTRY 102: Girls' day out

303 4 0
                                    

Nag-aya sila Elene, Nathalie, Tanya, Lauren at Mayumi na lumabas ngayon para naman daw may bonding din daw kami na kami-kaming mga babae lang.

Nagkita kami sa tapat ng Korean Food ng five-thirty ng hapon. Ang plano? Mag-stay lang kami dito hanggang sa mag-umaga na. Kung ano-anong pinag-usapan namin. Ang ibig kong sabihin, nila. Mostly kasi nakinig lang ako at kumain. May nadiskubre rin kaming bago kay Nathalie. Ang abnormal pala niya kapag may boyfriend. Pa-cute na hindi maintindihan, lalo na nung tinawagan niya si Kevin. Tapos yung tawagan pa nila, gummy bear at sweetie pie. Ano daw yun? Pagkain ba ang tingin nila sa isa't isa? Sabi sa amin ni Lauren, sa tingin niya baka raw mapaaga ang first kiss nila Nathalie at Kevin sa lagay na 'to. Kung tungkol naman daw sa kiss ang pag-uusapan singit ni Nathalie, naghalikan na daw sila noong mismong araw na naging sila. Ibig sabihin, noong Christmas na hinatid siya ni Kevin pauwi sa kanila. Hindi ko akalain na kung anong bilis na naging sila Elene at Gray, mas magiging mabilis pa pala yung kila Kevin at Nathalie. At take note, nag-kiss agad? Hanep!

Pero mas hanep yung sa akin. Hindi ko naman siya boyfriend pero hinalikan na agad niya ako sa pisngi. Hahahaha! Shet! Pero ang totoo, hindi ko pa rin alam kung anong iisipin tungkol dun. Sabi ni Sean bilang pasasalamat lang naman daw yun sa regalo ko sa kanya, kaso iba pa rin talaga kasi yung epekto para sa akin hanggang ngayon. Malala na nga eh. Sobra. Parang lalagnatin ulit ako. Huwag naman sana. Mahirap na.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon