ENTRY 65: Unang araw ng pasukan

369 6 0
                                    


"Yung tipong huling taon na nga lang namin sa high school tapos may introduction pa kayong nalalaman? Yung totoo?"

Ito yung naisip ko noong i-announce ng adviser namin na magpakilala daw kami isa-isa sa klase. Ayaw na ayaw ko kasi ng mga ganyang introduction. Ang nakakainis pa, sa likod pa talaga nagsimula. Ako pa man din yung mahilig umupo sa hulian para hindi ako mahalata ng teachers ko na nagdoo-doodle lang sa notes ko habang nagtuturo sila.

Pero sa tingin ko, para sa benefit ng bago naming mga kaklase yung introduction. Mga lima ata kasi sila. Hindi ako sigurado. Wala rin kasi akong paki. Basta ang sinabi ko na lang nung nagpakilala ako, "My name is Verena Agatha Suarez. Seventeen years old. That's all." Tapos sabay upo. Pangalan ko nga lang dapat ang sasabihin ko. Pero kung ayaw mo kasing mag-stand out, bukod sa hindi ka dapat flashy o bongga magpakilala, dapat 'wag din masyadong maiksi to the point na magtatanong yung mga kaklase mo ng, "Yun lang?" Oh, 'di ba? Eh di mas natandaan ka kapag ganun. Kaya siyempre, siniguro kong sakto lang yung introduction ko.

After class, usual routine ulit kami ni Elene. Meaning, deretso sa tambayan namin sa Park para makipagkita kila Gray at Sean. Walang nagbago sa mag-jowa. Sweet na sweet pa rin sila sa isa't isa. Si Sean? Wala rin. Siya pa rin yung dating Sean. Tahimik. Kalmado. Perceptive. At tinatawanan si Gray paminsan-minsan. Actually, hindi niya tinatawanan. Pinagtritripan niya si Gray. Ako? Ako hindi ako mapalagay noong una. Naiisip ko pa rin kasi yung hawak-kamay effect naming yun ni Sean sa Funland. But, well, I guess ako lang yung nag-isip na parang---parang lang naman---may something special na namagitan sa amin nun. Mukhang wala lang naman kasi para kay Sean yung bagay na yun kaya baka ako lang itong napalalim yung pag-iisip at nag-assume. Ito yung napapala ng mga assuming eh. Anyway, all is well. Balik ulit kaming lahat sa dati. Hehe!

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon