ENTRY 160: The last entry

715 10 0
                                    

Dear Online Diary,

Ipinasyal ko na sila Elene, Gray, at Sean sa puntod ng little sis kong si Tiffany para ipakilala na rin sila sa kanya. Naalala ko kasing ito pala ang ipinangako ko sa kapatid ko noong huli akong pumasyal sa puntod niya. Kaya little sis, hayan ha, nakilala mo na ang mga kaibigan ko pati na rin ang boyfriend ko. Ang haba ng buhok ko, 'di ba? Biro lang. Palagi lang maiksi ang buhok ko. Hehe.

Anyway, hanggang dito na lang ang online diary ko. Ito na ang last entry ko. Malapit na kasing magpasukan. College na kami sa pagkakataong 'to. Dahil dito, gusto ko na munang mag-focus sa kurso ko na may kinalaman sa film industry at, siyempre, pati na rin sa pagiging girlfriend ni Sean. Kaya, Online Diary, maraming-maraming salamat sa dalawang taon na naging labasan kita ng mga saloobin ko. Maraming salamat at kahit papaano parang naging bestfriend din kita. Hanggang sa muli.

Sincerely yours,

V

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon