Sa food court sa mall kami nagkita-kita ngayon nila Elene, Gray at Sean dahil wala raw dalang pagkain si Elene. Hindi siya nakagawa kasi nagtitipid daw siya. At nagtitipid siya dahil sa tingin ko kaya kong hulaan kung bakit. Two words lang. Valentine's day. Ano pa nga ba?
Nang makahanap kami ng mauupuan at maka-order ng mga pagkain at mga inumin, may napansin akong kakaiba kay Gray.
Elene: "Gray, sa February fourteen, may---"
Gray: "Pwede ako sa araw na yun."
Elene: (Medyo natawa) "Itatanong ko nga din sana kung pwede ka sa araw na yun."
Oh, 'di ba? Hindi pa tapos yung tanong at hindi pa alam kung ano yung tinatanong, may sagot na agad si Gray. Hanep. Nang magpaalam naman si Elene na magbabanyo saglit, agad na isinalampak ni Gray yung ulo niya sa mesa.
Gray: "Muntik na yun. Kailangan kong mag-ingat para hindi siya ma-pressure."
Sean: "Pero yun ang ginawa mo kanina lang."
Ako: "Kaya ikaw din ang ipre-pressure ko ngayon. Ikaw, ano namang inihanda mo para kay Elene para sa Valentine's day?"
Gray: "Ah, tungkol diyan, pink yung favorite color niya, 'di ba?"
Ako: "Yep."
Gray: "Mahilig din ba siya sa stuff toys?"
Ako: "Yep. Pero naregaluhan ko na siya ng teddy bear dati. Kaya kung gusto mong tapatan o higitan yun, yung malaki ang kunin mo."
Gray: "Gaano ba kalaki yung niregalo mo sa kanya?"
Ako: (Nag-isip sandali) "Basta malaki."
Elene: (Bigla na lang sumulpot) "Malapit na nga pala yung Valentine's day! Kaya pala ang daming nagbibigay ng flyers ng chocolates at flowers sa paligid."
Gray: (Agad na umupo ng tuwid) "Oo nga. Valentine's day na pala."
Ako: (Napahigop lang ng softdrinks)
May pakiramdam akong paghahandaan nga talaga ng dalawa yung February fourteen. Kung ano mang napagplanuhan nila, bahala na sila diyan. Sigurado naman ako na kayang-kaya nila 'yan. Sila pa. Mahilig sila sa surprises eh.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...