ENTRY 30: Canvass muna para sa regalo

501 11 0
                                    

Nagkita-kita kaming tatlo ngayon nila Sean at Gray para mag-canvass ng pwedeng iregalo kay Elene. Siyempre, isinama nila ako dahil alam nilang malapit kami sa isa't isa ni Elene.

Nakahanap na rin ng part time job si Gray. Sa Machos Brotherhood Cafe and Restaurant daw. Classy naman yung business card na pinakita niya sa 'min kaya feeling ko classy din yung cafe and restaurant na yun. Inimbatahan pa nga niya kami na bumisita daw dun kasama si Elene. Doon naman kami nagtaka ni Sean. Kasi kung okay lang para kay Gray na imbitahan namin si Elene, ibig sabihin binanggit niya sa kaibigan ko yung tungkol sa pagpapart time job niya at kung bakit niya yun gagawin. Wala na tuloy yung surprise. At dahil slow si Gray, doon lang din niya yun na-realize. Hay naku.

May napansin din ako kay Sean. Nakita ko kasing sinilip niya yung phone niya nang may mag-text sa kanya. Poker-faced lang siya pero naramdaman ko na parang seryosong bagay yung text na nabasa niya. Pati rin si Gray napansin ito at tinanong kung may problema. Sabi naman ni Sean wala lang daw yun at ayos lang daw ang lahat. Pero malakas ang kutob ko na hindi yun 'wala lang.' Ganun pa man, hindi ko alam kung matatawa ako o ano nang i-kwento ni Sean kung ano dati yung nireregalo sa kanya ni Gray nung elementary pa lang sila. Bugs daw at mga bato. Hinayupak! Mabuti na lang pala talaga at isinama nila ako sa pagcacanvass ng bibilhing regalo para kay Elene.

Nagtingin-tingin kami sa mga shop at nakakita ng pink cafe au lait bowl with teaspoon na siguradong magugustuhan ni Elene, lalo na at nabanggit niya dati na wala raw silang ganito sa bahay nila. Kaso may nakita din si Gray na sobrang cute na hairpin. I mean, sobrang cute na siguradong babagay din kay Elene at sa personality niya. Parang ito daw ang gustong iregalo ni Gray para sa kanya. Yun nga lang, mas mahal pa ito kesa sa cafe au lait bowl with teaspoon. Pero kung pagtatrabahuan naman itong mabuti ni Gray, siguradong mabibili niya ito. At para hindi ito mabili ng iba habang pinagtatrabahuan pa muna ni Gray yung pambili dito, kinausap ni Sean yung nagtitinda na sakto namang babae pa. Dahil babae nga yung nagtitinda, agad siyang pumayag sa request ni Sean na may kasama pang magandang ngiti, ngiting parang nanalo sa lotto. Well, bilib na nga talaga ako sa charisma niya.

Nang nakapag-canvass na kami ng regalo para kay Elene, nauna na ulit na nagpaalam si Sean. Si Gray naman dumeretso na sa part time job niya. At dahil wala na akong ibang gagawin para sa araw na 'to, naisipan kong sundan si Sean ng palihim. Kaso sa kalagitnaan ng pagsunod ko sa kanya ay pumalpak ako. Bigla kasi siyang nawala sa paningin ko at hindi ko na alam kung saang direksyon na siya nagpunta. Bwisit!

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon